LIII

1.4K 75 2
                                    

"One iced caramel macchiato for Dusk!" Unalingawngaw sa buong café ang boses ni Macchiato kasunod niti ang ang malakas na tawanan mula sa isang partikular na mesa sa pinakagilid ng silid.

"Sino si Dusk! Hindi ata Dusk pinalagay kong pangalan!" Sa kabila ng pagkairita sa natural nang nakakairita niyang mga kaibigan, nanatiling diretso ang mukha niya. Nang mapansin ni Dusk na hindi sumasagot ang binata sa mga pang-aasar tumigil ang magbabarkada sa pagtatawanan at pinuntahan ni Dusk ang kaibigan.

"Problema mo" hindi maintindihan ni Macchiato kung nagtatanga-tangahan ba ang mga kaibigan niya o normal nang tanga ang mga ito. Pero nakakasigurado lamang siya sa isang bagay– hindi niya sasagutin ang tanong ng mga ito.

"Vanilla latte for Tricky!" Sigaw ng isang matinis na boses sa tabi niya na isa na rin sa mga dahilan kung bakit mukha siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.

Kitang kita niya kung paano dumapo ang daliri ng lalaking hindi niya kilala sa kamay ni Latte habang iniaabot dito ang order niya. Hindi rin pinalampas ng kanyang tenga ang malanding biro nito na ikinatawa naman ng dalaga.

"Selos ka?" Mapang asar na tanong ni Dusk habang nakatingin rin sa direksyong tinitignan nito. "Anong selos? Sino? Ako? Kanino? Manahimik ka nga" kahit ano pang tanggi ang lumalabas sa kanyang bibig, hindi matatago ng matatalim niyang tingin ang totoo niyang nararamdaman.

"Pwede rin bang umorder ng isa pang Latte para kay Tricky? Hindi 'yong inumin yung nasa harapan ko lang ngayon"

Magtrabaho ka nalang nang mabuti macchiato.

heartbreak café Where stories live. Discover now