LXVI

1.2K 64 3
                                    

"Wala nanaman silang magawa." bulong ni Macchiato habang patuloy parin sa pagbabasa ng mga mensaheng iniwan sa freedom wall ng café.

Hindi niya alam kung bakit siya ang naatasan sa gawaing ito ngunit alam niyang tatanggihan niya na ang trabahong ito sa susunod.

"Ang cute ng squad niyo Macchiato pero syempre pinakacute si Dusk hehehe," masaya namang sambit ni Stardawn sa gilid niya.

Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pang bantayan niya ang page na 'to kung maya't maya naman ang pagsilip ng mga katrabaho niya sa mga mensahe.

Kung sana ay hindi mga pangaasar ng kanyang mga kaibigan kundi message si Reena na para sakanya ang kanyang nababasa, siguro ay ikaeexcite niya pa ang gawaing ganito.

Ngunit hindi.

"Star ano ba! Nagtatago ka nanaman diyan lumabas ka nga dito at may mga gawain ka pa!" Nanahimik na muli ang kanyang paligid nang iwanan na siya ni Stardawn. Tanging ang nakakairitang ugong ng desktop ang kanyang naririnig kaya sigurado siyang mag isa lamang siya sa silid.

Sa wakas, kapayapaan.

Pagkatapos ng ilang paguunat mula sa leeg hanggang sa mahahaba niyang mga daliri, umayos na muli ng upo ni Macchiato at nagpatuloy sa pagbabasa ng mga mensahe. Sa kalagitnaan ng pagtatype niya ng sagot ay naramdaman niya ang pagdiin ng isang katawan sa kanyang likod.

Sunod niyang naramdaman ay ang paglapat ng mahabang buhok sa gilid ng kanyang mukha at ang pagkapit ng dalawang kamay sa kanyang likod bipang suporta sa taong nakikibasa rin sa mga mensahe.

"Hindi mo pwedeng replyan ng mura ang mga customers, hindi maganda sa image ng café 'yon" ipinikit niya nang mariin ang kanyang mga mata nang lalo pang dumiin ang katawan sakanyang likod. Sa pagkakataong ito alam niyang babae ang taong nasa likuran niya at base sa amoy ay kilala niya kung sino ang babaeng ito.

"Oh bakit nakapikit ka diyan? Mukha kang tanga mac" ang matinis ngunit malambing na boses na iyon. Ang boses na minsang nagbigay sakanya ng hindi maipaliwanag na epekto.

At ngayon ay naramdaman nanaman niya ang epektong 'yon.

"Ha? Wala masakit lang mata ko" paulit ulit na hiniling ni Macchiato na sana ay hindi mapansin ng dalaga na nagsisinungaling lamang siya. Ngunit alam niyang imposible iyon sapagkat masyadong transparent ang kanyang ugali kapag kaharap na ang babaeng ito.

Bakit naaapektuhan nanaman siya?

Narinig niya ang pagtawa nito. At dahil rito ay bigla nanaman siyang nakaramdam ng mga bagay na dapat ay kinakalimutan niya na ngayon.

Hindi pupwede ang ganito, alam niya iyon lalo pa nang maalala niya na naroroon si Reena na dapat ay mas pinagtutuunan niya ng pansin. Ngunit bakit kailangan niyang makaramdam ng ganoong mga bagay?

"Balita ko may bago ka nang nililigawan ah? Si Reena ba 'yon? Last time na nakita ko siya nong reunion pa natin, tanda mo 'yon? Kasama niya pa yung weird na babae"

Bakit ganito siya? Bakit napakabait niya sakanya? Bakit kung kailan handa na siyang bitawan ang lahat ay saka pa kumapit ito pabalik sakanya? Bakit?

"Yun din yung last time na nag-usap tayo nang matino, alam mo na bago tayo magkasagutan at ayun tuloy tuloy na"

Sumasakit ang ulo niya sa kakaisip ng mga kasagutan sa bawat 'bakit' gustuhin man niyang unaktong normal ay hindi niya kaya. Paano siya magiging normal kung ang babaeng nasa mismong likuran niya ay nagdesisyong guluhin siya?

"Latte anong ginagawa mo?" sa mga katagang iyon ay para bang isang dahong nalagas ang ngiti ng dalaga. May mali ba sa ginagawa niya? Ang alam niya ay nakikipagkaibigan lamang siyang muli sa taong kinainisan niya nang matagal na panahon.

Ngunit nakikipagayos lang nga ba talaga siya?

"Anong ginagawa ko? Nakikipagkwentuhan malamang." Ipinulupot niya ang dalawa niyang braso sa binata ngunit hindi upang yakapin ito, mabilis na nagpipipindot sa keyboard ang kanyang mga daliri at madiin na pinindot ang enter bago lumayo kay Macchiato "Masyado na tayong matanda para patagalin ang away natin kaya wala naman sigurong masama kung makikipag ayos ako ngayon hindi ba?" Sambit niya nang may ngiti sa labi

Hinding hindi siya maloloko ng mga ngiting iyon. Alam niyang may gustong iparating ang taong ito. Ngunit ano ang gusto niyang iparating?

Napakaraming pumapasok sa utak ng binata ngunit may isang hindi niya kayang paniwalaan kahit pa napakalaki ng posibilidad na iyon ang mensahe niya.

"Okay na tayo Latte hindi mo na kailangang maging ganyan pero kung pupwede lang sana itigil mo kung anong ginagawa mo ngayon" natatakot si Macchiatong magsalita, hindi dahil sa wala siyang masabi. Sa katunayan, napakarami niyang gustong sabihin ngunit sa oras na pakawalan niya ang isa ay sunod sunod nang lalabas ang iba. Maaring bumigay nanaman siya sa harap ng pinakahuling taong iniisip niyang makakakita sa kalagayan niyang ito.

"Anong sinasabi mo? Anong ginagawa ko?" Patuloy lamamg sila sa paglalaro ng tanga-tangahan. Ang isa'y nagkukunwaring wala siyang ginagawa samantalang ang isa'y pinipilit sa sariling hindi siya naaapektuhan nito. At sa lagay na ito ay malapit nang matalo ang isa.

"You're making me feel things Latte, i don't like it. Ginugulo mo ako! Sinasadya mong guluhin ako ng ganito hindi ba? Ginagantihan mo ba ako sa ginawa ko non? Kung oo congratulations, nagtagumpay ka. Sirang sira na ang utak ko dahil sayo, job well done"

At naiwang mag-isa ang dalagang napako na lamang sa kanyang kinatatayuan. Walang imik, at wala paring kaide-ideya sa nangyari.

Wala nga ba?




heartbreak café Where stories live. Discover now