+1

1.2K 65 28
                                    

Pinakilig ako ng crush ko kaya maglalagay ako special chap oo pasalamat kayo kay crush ajdbwjdbjabs

6 months later

Tahimik na sumisimsim sa kanyang kape si Latte, hawak ang isang maliit na libro sa isang kamay at maya't mayang inaayos ang dumudulas na salamin sa ilong.

Sa bawat pahinang kanyang matatapos ay saglit siyang sumusulyap sa abalang daan kung saan napakaraming tao ang mabilis na naglalakad at para bang kulang ang oras na nakalaan sakanila.

"Do you want a refill?"

Humalimuyak sa kanyang ilong ang mabangong amoy ng mainit na kape, ang tanging halimuyak na nakakapagpakalma sakanya pagkatapos ng isang nakakapagod na araw.

Nang may ngiti sa mga labi ay I'n angat niya ang babasaging baso na nangangalahati na ang laman at marahan naman itong inabot ng waiter na nakatayo sa harap ng lamesa.

Ah, dahilan nga rin pala ng kanyang pag-ngiti ang waiter na 'yon.

"No more additional orders?"

Isang mahinhin na tawa ang kanyang pinakawalan habang tinitignan nang diretso sa mata ang lalaki. Tila ba inaakit siya ng mga itong tumingin at habang tumatagal ang pakikipagtirigan ay lalong nahuhulog ang dalaga sa mapang-akit na mga mata.

"Pwede bang ikaw yung orderin?"

Tila tumigil ang mundo habang magkaharap silang dalawa. Naroroo't nakikipaghabulan at nagkakagulo ang mga pasaway na paru-paro sa kanyang tiyan at ang halimuyak mg kape ay nagpapaalala sakanya kung gaano siya napamahal sa lalaking nasa harapan niya

Tunay ngang karapat-dapat lamang na ibigay niya rito ang matamis niyang oo.

"Matagal na akong nakaserve para sa'yo"

Ibinaba ng binata ang hawak nitong tray at tumabi sa ngayo'y abot tenga ang ngiti na dalaga. Dahan dahan nitong inabot ang malambot na kamay ni Latte at pinadausdos ang mga daliri sa makinang na alahas sa daliri nito.

"Diba ito 'yong binigay ko sa'yo noon pa?"

Ang apat na pares ng mata ay ngayo'y nakatingin na sa gintong singsing na suot ni Latte. Nagbalik ang mga memorya at pinagdaanang panahon kung saan nahubog ang ngayo'y tinatamasa nilang kasiyahan sa piling ng isa't isa.

"Yup, galing sa'yo eh"

Ngayo'y pagkakataon naman ng binata na ngumiti nang abot tenga. Napakasarap pakinggan ng ganitong klaseng salitang lumalabas sa bibig ng dalaga at kung bibigyan ng pagkakataon ay hihilingin niyang paulit ulit na ito na lamang ang marinig sa buong magdamag.

Samantala'y tahimik lamang na pinagmamasdan ni Latte and binata. Ang tagong ngisi nito at ang magagandang mata na nahaharangan ng malambot at itim nitong buhok.

Tunay ngang hindi siya nagkamali sa pagpili ng desisyon.

🔲 ̶ F̶i̶x̶ ̶e̶v̶e̶r̶y̶t̶h̶i̶n̶g̶ ̶b̶e̶t̶w̶e̶e̶n̶ ̶u̶s̶ ̶w̶h̶i̶l̶e̶ ̶s̶t̶a̶r̶t̶i̶n̶g̶ ̶o̶v̶e̶r̶.
🔲  ̶M̶o̶v̶e̶ ̶o̶n̶ ̶a̶n̶d̶ ̶b̶e̶ ̶h̶a̶p̶p̶y̶ ̶a̶b̶o̶u̶t̶ ̶e̶a̶c̶h̶ ̶o̶t̶h̶e̶r̶.

Be with me. Just be with me.





heartbreak café Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon