LXIX

1.2K 61 8
                                    

6:17 pm

Macchiato:
Latte nasan ka

Incoming call from Macchiato
Accept   Decline

"Latte nasan ka?"

"Bakit"

"Anong bakit? Tinatanong ko kung nasaan ka"

"Bakit mo ako hinahanap?"

"..."

"Ginugulo ko lang isip mo 'di ba? Bakit hinahanap mo ako ngayon?"

"Kailangan....kailangan nating...mag-usap"

"Hmm, mag-usap? Nag-uusap na tayo ngayon"

"Latte kailangan kitang makita, mag-uusap tayo..nang personal"

"Paano kung ayaw kitang kausapin?"

"Nandito ako sa tapat ng apartment mo, pagbuksan mo ako ng pinto"

Call ended

Malakas ang buhos ng ulan sa labas, hindi dahil sinadya ito para sa scene kung saan magtatalo ang dalawa at biglang maghahalikan sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan kundi dahil sa panahon na talaga ng tag-ulan ngayong buwan.

Ibinaba ni Macchiato ang kaninang nakatapat na cellphone sakanyang tenga at taimtim na naghintay sa pag-bukas ng pintuan sa harap niya. 'Wag kayong mag-alala dahil hindi naman siya naliligo sa ulan. Masyadong maarte si Macchiato kaya naman pinagsiksikan niya ang kanyang sarili sa mumunting silong sa labas ng apartment ni Latte kagaya ng pagpipilit niyang ipagsiksikan ang sarili sa mga taong matagal na siyang binura sa kanilang buhay.

Hahaha.

Medyo nababasa na ang laylayan ng kanyang pantalon kaya lalong lumakas ang kanyang pagkatok sa pinto, nagbabakasakaling pag-buksan na siya ng dalaga.

Lingid sa kanyang kaalaman ay sa kabila ng pintong kanyang kinakatukan ay ang isang dilag na tila nagdadalawang isip sa paggawa ng desisyon.

Dapat bang pagbuksan niya ng pinto ang binata kahit pa malinaw na sakanya ang maaring mangyari sa oras na tumapak na ang binata sa kanyang tahanan.

"Latte papasukin mo ako!"

Idagdag mo pang naalala niyang malaki ang takot ng dating nobyo sa tunog ng kulog na ngayo'y dumadagundong kasabay ng pagtama ng maliwanag na kidlat sa kung saan.

Sana tamaan nalang ng kidlat si Macchiato, iyan ang iniisip niya ngunit naawa rin siyang kaagad sa maaring kahinatnan nito kung sakali kaya naman binawi niya rin ito kaagad.

Laking pasasalamat ni Macchiato nang makita niya ang unti-unting pagbukas ng pintuan. Doon ay nasulyapan niya ang magandang dilag na nasa likod nito, nakayuko, pilit na tinatakpan ng buhok ang mukha at pawang napakatamlay.

Saglit na tumabi si Latte upang magkaroon ng daan papasok si Macchiato, tahimik siyang sumunod rito nang maglakad ito papasok na para bang sarili niyang bahay ang tinutuluyan. Napatawa nang tahimik si Latte sapagkat naalala niyang ganito rin ang gawi ni Macchiato noong unang beses siyang pumunta sa bahay nila.

Hindi magawang ipagpaliban ni Macchiato ang narinig niyang pagtawa ni Latte, kung bakit ba naman kasi masyado siyang nainlove sa pagtawa ng dalaga na sa bawat segundong maririnig niya ito ay nagwawala ang puso niya.

"Anong pag-uusapan natin?" Kahit gustuhin ni Latte na mag-usap sila bilang isang normal na magkaibigan alam niyang hindi ganon ang pakay ng binata. Bumigat ang presensya sa pagitan ng dalawa at hindi nila magawang tignan ang isa't isa nang diretso sa mga mata.

Tila nawala lahat ng gustong sabihin ni Macchiato, naaapektuhan nanaman siya sa presensya ng dalaga. Napahinto habang nakaawang ang bibig. Naiwang nakasabit sa dulo ng kanyang dila ang mga dalitang walang hirap niyang iniisip kanina.

"Macchiato 'wag mong sayangin ang oras ko kailangan ko pang mag-impake"

At doon lang napansin ni Macchiato ang ilang mga bagaheng nagkalat sa paligid. "Saan ka pupunta?"
Tanong nito na may halong kaba sa boses

"Sasama na ako kay Tricky, I've decided to give him a chance at inalok niya akong samahan siya sa Canada. It's not like may maiiwan pa ako dito, si mama sasama na sa boyfriend niya si Matte isasama ko so sana hindi mo masamain pero pwedeng umalis ka na?"

"Hindi ka pwedeng umalis!" para kay Macchiato ay nagwagi na siya matapos makita ang gulat na mukha ni Latte. "Hindi mo pwede iwan ang café paano si Star? Si Berry? A-ako?"

"Naggagaguhan ba tayo Macchiato? O baka naman naglalaro tayo ng tanga-tangahan? Kasasabi mo lang sa'kin na ginugulo ko lang ang utak mo at mas magandang lumayo ako so basically I am doing you a favor"

"Hindi totoo 'yon"

"That was my last straw Mac, you've lost the chance. I have to give other's a chance too, we have to move on. Ang sabi mo saakin noon eh ginugulo ko lang ang utak mo hindi ba? Anong ginagawa mo sa loob ng bahay ko tinatanggap na magulo ang buong utak mo dahil sa'kin at kinabukasan ay isisisi mo sa'kin lahat? Get out"

"Sinubukan kong mag-move on Latte pero paulit ulit akong bumabalik sa'yo anong magagawa ko? Sobrang nafufrustrate na ako sa sarili ko dahil sa hindi ko magawa ang bagay na matagal nang naghihintay na gawin ko. Hindi mo kasalanang ginugulo mo ang isip ko, kasalanan ko 'yon!"

"Nonsense, buo na ang desisyon ko. You're free now Macchiato. You need a proper closure? Binibigay ko na sa'yo ang proper closure na kailangan mo ypu can go live your life freely now I am taking myself out of it"

Para sakanya ay masyadong naging selfish si Latte. Hindi ito ang gusto niyang marating ng usapan nila, hindi niya kailangan mg closure at higit sa lahat ay hindi niya gistong umalis si Latte palayo sakanya. Kaya bilang huling bagay na naiisip niyang gawin, hinila niya ang dalaga sa batok idinikit ang nga labi sa malalambot na pares na pagaari ng dalaga at iginalaw ang mga ito sa paraang matagal na niyang gawin.

Sa hindi malamang dahilan ay hindi mapigilan ni Latte na tumugon sa halik mg dating nobyo, kasing tamis pa rin ito gaya ng nakaraan at naroroon pa rin ang nakakaadik na sensasyong dala nito. Ngunut nang maalala niya ang lagay nilang dalawa ngayon, maging labag sa loob ay pinili niyang itulak palayo ang binata.

Tahimik namang umobliga si Macchiato sa gusto ng dalaga. Tumila na ang ulan at naging senyas na rin ito upang umalis siya.

Napakagulo ng mga pangyayari
















heartbreak café Where stories live. Discover now