LV

1.4K 75 13
                                    

"Ingat sa pag uwi mac!" Masiglang sigaw ni Stardawn na nasa kalagitnaan pa ng pagpupunas ng lamesa. Pinili niyang umuwi nalang muna nang maaga ngayon dahil sa dumating na rin naman ang kapalit sa shift niya at wala na talaga siyang magagawang matino sa araw na 'to.

Maliban sa tumingin sa nagdedate na hindi niya alam kung magsyota na ba o nagliligawan pa lang. Pero ang alam niya ay hindi dapat sila nagdedate dito.

Utang na loob sinong gugustuhing makipagdate sa café na ang pangalan ay Heartbreak Café?!

"Ingat din kay Dusk" bulong nito bago buksan ang itim niyang payong at tumapak na palabas ng café.

Tignan mo nga naman, nakikisabay ang panahon sa mood niya. At sa lagay na 'to mahirap maghanap ng masasakyan pauwi. Malamang ay kailangan niya munang patilain ang ulan kahit pa labag sa loob niyang manatili pa sa café.

Papasok sana siyang muli sa loob namg makita niya ang isang pamilyar na mukhang nakaupo sa mga mesang nakalagay sa gilid. Wala naman sigurong masama kung sasamahan niya muna ang taong iyon hindi ba.

"Maryllyza right?" Tandang tanda niya ang babaeng ito. Sino ba namang hindi? Siya lang naman ang sumura sa monent nila ni Latte noong huling reunion ng batch nila. Ngunit kahit na ganun ay laking pasalamat parin niya dito dahil may napagusapan parin sila ni Latte noong araw na 'yon.

"No left" napataas ang kanang kilax ng binata nang marinig niya ang tono ng pagsagot nito sakanya.

Mukhang hindi lamang siya ang bad mood sa araw na 'to.

"Bakit nandito ka pa? Umuulan na saka anong oras na oh" feeling close man kung tawagin ay hinila niya ang upuan sa harap ng dalaga at umupo rito. Saglit niyang sinenyasan si Star na nakatingin sakanya mula sa loob at mabilis pa sa alas kwatro ay lumapit na siya sakanila dala dala ang isang makapal na notepad at kulay dilaw na ballpen. "Anong gusto mo?" Tanong ni Macchiato sa kasama.

Hindi gaya ng iniisip ni Macchiato at agad nitong sinabi ang kanyang order na para bang normal na normal sakanya ang ginagawa. Ngumiti na lamang ang binata at sinabi na rin ang kanyang order upang maihanda na ito sa loob. "So anong ginagawa mo dito?" Kung kanina'y nakahalumbaba ang dalaga habang tingin nang tingin sa paligid, ngayon ay nakatuon na sa binata ang kanyang atensyon. "Hinihintay ko kadate ko" saglit na katahimikan at pagkatapos ay binasag ito ng halakhak ni Macchiato. "Seriously? Sa heartbreak café ka nakikipagdate?!" Kumunot ang noo ng dalaga sa sinabi ng binata at agad naman itong napansin ni Macchiato kay tumigil rin siya kaagad.

"Kasalanan ko ba na masarap kape dito ha! Pake ko sa pangalan ng café"

Nasabi na ba ni Macchiato sainyo na ang cute tignan ng kasama niya ngayon? Kung hindi pa, ngayon alam niyo na.

"Tagal tagal naman kasi ni Easton inuugat na ako dito nag aya ng date tapos late dadating benta ko 'tong relo niya eh" lihim na napangiti si Macchiato habang pinapanood magreklamo ang dalaga. Kaugaling-kaugali niya si Latte kapag nagrereklamo ito.

"Dadating din 'yon malay mo traffic o kaya naman may biglang nangyari tsaka umuulan kaya oh"

"Sana nagreply man lang siya hindi tuloy ako makaorder ng maiinom ko" saktong pagkasabi ni Maryllyza non ay dumating na rin ang order nilang dalawa. Saglit na nagpasalamat si Macchiato bago muling ibinaling kay Maryllyza ang kanyang tingin.

"Edi sasamahan nalang muna kita habang hinihintay mo kadate mo para hindi ka magmukhang loner dito sa labas"

At iyon na nga ang napagkasunduan nilang dalawa. Ang saglit na minuto ay unti unting tumagal hanggang sa dumami na nang dumami ang kanilang pinag uusapan. Hindi na nila namalayan ang oras kaya naman kung hindi lang dahil sa napansin nilang tumila na ang ulan, siguro ay hanggang mamaya parin silang magkausap.

"So ano nang nangyare sainyo nung ex mo?" Tanong ni Maryllyza at pagkatapos ay sumipsip sa kanyang paubos nang kape.

Hindi malaman ni Macchiato kung iiwasan niya ang tanong o sasagutin niya ito. Ngunit dahil marami na rin naman siyang nasabi naisip niyang ayos na rin namang malaman ni Maryllyza ang tungkol kay Latte.

Gamit ang kanyang nguso ay itinuro niya si Latte na nasa loob, kadate parin ang lalaking may malaking tenga at pawang tuwang tuwa sila sa pinag uusapan nila. Nalilito man ay tinignan ni Maryllyza ang direksyong itinuturo ng kasama at saka lang naunawaan ang ipinaparating nito.

"Kawawa ka naman pala lamang ng sampung ligo kaagaw mo oh! Dibale ilalakad nalang kita sa kaibigan ko. Amina phone mo lalagay ko number niya!" Bago pa man niya maiabot nang maayos ay hinila na ng dalaga ang phone na hawak niya at kagaya ng sinabi ay inilagay ang number ng sinasabi niyang kaibigan dito.

Tanging pag-iling na lamang ang nagawa ni Macchiato habang binabasa ang pangalan nito.

Reena huh?

"Pano ba 'yan, maglilinis pa ako ng apartment ko una na ako Lyza ha" paalam nito sa kasama. Maglalakad palang sana siya paalis nang maramdaman nito ang paglapat mg malalambot na labi sa kanyang pisngi.
"Ingat sa pag uwi! Thank you sa pagsama sa'kin libre mo ulit ako kape someday ha"

Tumugon na lamang ang binata sa pamamagitan ng pag-tango bago tumalikod at naglakad papunta sa sakayan.

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay tahimik na nakatingin ang isang dalaga sa loob mg café pinapanood silang dalawa simula pa lamang kanina at hindi rin maintindihan kung bakit kagaya ni Macchiato at labis na pagkairita ang nararamdaman niya.

Ganyan kagulo ang pag-ibig.

heartbreak café Where stories live. Discover now