Kabanata 4

558 131 24
                                    

Kabanata 4

Delivery girl

Raechelle's POV

Magiisang linggo na ako rito sa bahay ni Zach. Nageenjoy naman ako dahil mag best friends na kami kahit na katulong lang ako syempre alam ko pa rin mga limitasyon ko. Hindi naman ako siraulo no. Syempre nililinis ko rin itong bahay palagi. Nakakapagod kasi magisa lang ako na naglilinis sa buong bahay na mansion na ito kaya laging 10 or 10:30 PM na ako natatapos tapos tulog. Sabay naman kami kumakain ni Zach pero pag stream niya hindi kami sabay mag meryenda.

"Hoy Anne, Pupunta ako sa company ah. Para i-check okay? Dalhan mo ko ng Lunch mga 12 PM okay?" Sabi niya at pumuntang pinto pero tumigil din. "Hahatid ka ng driver ko sa company okay? Dala ka na rin ng Food mo kakain tayo ng sabay." Sabi niya habang nakangiti at umalis na.

Naka trench coat nanaman ah. Di kaya yun na iinitan? Ang init sa pilipinas tapos nakaganun. Sabagay malamig naman ata yung loob ng company niya. Mayaman eh alangan di mag aircon ano ginagawa ng pera niya. Doon pa nga lang sa kwarto alam ko na mayaman siya dahil ang ganda eh. Daig pa teenager ako sa kwarto amp.

Dahil mag a-alas-sonse na sa relo ko. Let's prepare his lunch. Yung Fav niya na sushi meron. Kaso di ko binili meron lang siya sa Ref heheheheh alam ko fav niya to kasi napag kwentuhan namin. And kimchi rice. Luto ko rin. and many more!

*beep! beep!*

Ay andyan na ata si Kuya. Kinuha ko na agad yung mga baunan. Ay oo nga pala nung nakaraan dahil may pera pa naman ako binilhan ko iya ng lunch box pang grade 1 HAHAHAHA! Tuwang tuwa siya eh!

"Ito na po kuya." Sabi ko at sumakay na sa kotse para kumain ako kasabay sa Boss ko.

Pag sakay ko nagusap usap din kami ni Kuya habang nagdadrive siya. Pinagusapan namin si Zach hehehe. Para naman mas makilala ko to.

After some few minutes ay nakarating na rin ako sa company at nakita ko si kuya guard. 

"Hi Kuya! May trabaho na po ako!" Sabi ko kay kuya.

"Talaga hija? Sabi na mabait si Sir eh." Sabi niya at nakipag apir sakin.

Kundi dahil kay kuya ay Di ako magkakatrabaho no!

"Uhmm, Kuya saan po rito yung floor ni Zach? Dala ko po kasi Lunch niya." Sabi ko at pinakita baunan na hawak ko.

Natulala naman siya sa sinabi ko. Anong mali kong sinabi?

"Z-zach? Floor ni Sir? Bat Zach lang tawag mo sakanya?" Takang tanong ni kuya.

"Ahh, Sabi niya po kasi at Tawagin ko siya sa kahit anong gusto niya and gusto ko po siyang tawagin na Zach." Ngiting explain ko kay kuya.

"Ahh, Ganun ba Hija? Sa level 8 nitong building." Sabi ni Kuya Guard.

"Kuya, Chelle na lang po tawag niyo sakin. Thank you po!" Sabi ko at kumaway paalis kay Kuya. Agad naman akong pumuntang elevator at hinintay elevator.

Pag bukas ng elevator ay pumasok na ako at pinindot ang number 8 sa elevator. Pag dating ko sa level 8 ay dederetso na sana ako sa office ng hinarang ako nung babae at tinarayan ako.

"Who are you? Hindi nagpapapasok basta basta si Sir Zach ng tao sa opisina niya no!" Taray na sabi niya sakin.

Arte naman neto. Akala mo naman magnanakaw ako sa loob nitong opisina neto ni Zach.

"Ahh, Paki sabi kay Zach andito na ako. Dala ko lunch namin." Ngiting sabi ko roon sa babae.

Nalaglag naman yung panga niya sa sinabi ko. Ano nanaman maling sinabi ko?

"Anong sabi mo? Zach?! Ang kapal naman ng mukha mo tawagin Zach lang si Sir! Mukha ka pa naman delivery girl!" Inis na sabi niya sakin at tunulak ako.

At ayun nadapa ako at natapon pagkain. Ano ba yan pinaghirapan ko to eh. Sino ba tong baabe na to?! Wag niya ako simulan at puyat ako! At saka anong sabi niya?! Delivery girl?! Nani?!

Instragram: @_chellederella

Twitter: @_chellederella

Fb Page: @chellederella / Chellederella stories

Serendipity Series #1: She's My Maid ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon