Kabanata 22

272 37 9
                                    

Kabanata 22

Hindi ka ba galit?

Raechelle's POV

"D-dear." Utal utal na sabi nung medyo may edad na babae na umiiyak pa. "S-she's your adopted sister." Sabi at hinawakan ang kamay kamay ko.

Huh? Ano bang pinagsasasabi nila? Sino ba 'tong mga 'to? Bakit may hawig sila saakin? W-wait.

"S-sino po kayo? Z-zach, Sino sila?" Tanong ko at tinignan silang mabuti.

Dalawang magasawang may edad. Actually hindi mo mahahalata na may edad sila eh. Pero, sa unang tingin, Makikita mo yung pagkakahawig namin. Mula mata, ilong, bibig hanggang sa hulma ng mukha.

"A-anak, Kami ito. Ang magulang mo." Sabi niya at pilit akong hinihila.

"M-magulang? Hindi ko po gets." Sabi ko at pailing iling pa.

Impossible! Is this a joke?! Pero, paano kung totoo? Saka anong sinabi nila kanina? 'She's your adopted sister?' Who? What the freak is happening?!

"G-ganto kasi yun anak. Kinuha ka saamin ng yaya mo. Noon. Ginawa namin ang lahat lahat, Anak. Pangako ginawa namin. Pero, sabi nila marami na raw nabentang bata ang yaya na kumuha sayo. Isang araw-araw na aksidente ito kasama ang isang bata. Pero, himala at nabuhay ito. Akala namin ikaw ito pero hindi." Sabi niya at lalong hinigpitan ang hawak ng kamay ko.

So, totoo kayang sila ang magulang ko? Kasi kung oo halata naman sa mukha namin eh. Kaso baka hindi rin. Ayoko munang umasa. Masakit eh.

"Tama ang Mommy mo, Anak. Ginawa namin lahat pero hindi talaga. Kaya inampon namin ang batang babae na kasama nung yaya mo na naaksidente. At siya si.. Julietta Nicolai Zamora. Anak siya ang bata na inampon namin noon." Sabi nung lalaki at lumapit din saakin.

K-kapatid ko yung impakta? Hoy seryoso? Bakit sobrang bait ng parents ko tapos siya impakta? Mukha naman siyang pinalaki ng tama at busog ns busog sa luho ah.

"K-kayo po yung parents niya?" Tanong ni Zach.

"Yes, Why hijo?" Sagot naman nung babae.

Aba't bakit curious 'to? Sikuhin ko 'to e. Siya pa barilin ko e.

"Wala po siya sinasabi saakin na may magulang siya. Ang sabi niya lang patay na ito and that's all. She's my Ex po, Tita Cheryl." May galang na sabi ni Zach.

So, Cheryl ang pangalan ni Mama? Wow so cute like me.

"Oh, Yan ang mga panahon na kakalaman niya na lang ata na isa siyang ampon dahil hindi namin sinasabi ito sa kadahilanang tunay na anak naman ang turing namin sakanya. Kaso ayun nga. Nagrebelde siya saamin." Sabi ni Mama at nagbuntong hininga.

Baliw talaga yung impakta na yun. Andyan na yung pamilya tinalikuran niya pa. Maswerte nga siya a kinalakihan, Pamilya na laging kasama. Ako? Wala.

"Baliw talaga siya. Tsk. Tsk." Sabi ko na lang at nailing-iling.

"Anak, Hindi ka ba galit saamin ng Daddy mo?" Tanong ni Mama na may halong kaba.

"Pasensya na anak at ngayon mo lang kami nakilala. Pangako 'di ka na namin iiwan." Sabi ni Papa.

Niyakap naman nila akong dalawa. Ako? Bakit naman ako magagalit sa magulang ko? Oo nga't ngayon ko lang sila nakilala pero hindi naman iyon sapat na rason para kamuhian sila. Mahal ko sila. Alam ko naman na nageffort sila hanapin ako 'no.

"Opo. Hindi po ako galit. Mahal na mahal na mahal ko po kayo! Miss na miss din po!" Sabi ko at mas lalong hinigpitan ang yakap ko sakanila at naiyak na.

Makalipas ang ilang oras. Naguusap usap lang kami at umalis na sila. Hindi ko naman namalayan na ako'y nakatulog na sa sobrang kakaiyak.

Instragram: @_chellederella

Twitter: @_chellederella 

Fb Page: @chellederella / Chellederella stories

Serendipity Series #1: She's My Maid ✔Where stories live. Discover now