CHAPTER 1

28 1 0
                                    

Savannah's POV

"Gia! Bilisan mo, kaartehan mo na naman yung service mo kanina pa bumubusina!"

     It's only been a week since nag start ang pasukan, pero yung ingay ni mama kahit nung bakasyon 'di na nagpahinga. Sigh.

"Eto na tapos na!" Pasigaw ko bago
lumabas ng kwarto.

"Itabi mo ng maayos yung blower. Baka itambak mo na naman diyan sa drawer! At pwede ba, bilisan mo?!"

     I go straight to the service van pagka bigay ni papa ng baon ko. That's our daily routine kapag may pasok. Ingay ni mama, katahimikan ni papa at hilik ni Jers, my younger brother.

     2nd week na ng pasukan, at may hangover pa rin ako sa bakasyon. Tho I seriously missed schooling, nakakamiss din yung tanghali na nagigising.

     7:00am ang pasok sa LLC, and I'm a 3rd year HS student.

     Actually, malapit lang yung tinitirahan naming village sa LLC, isang sakay lang ng jeep. But the problem is, hindi ako marunong mag commute.

"Savi!"

     I just got off the service van nung may tumawag sakin. Yes! I am Savi, sa bahay lang ako tinatawag na Gia pero sa school, Savi ang nickname ko, short for Savannah Georgia.

     Sa lawak ng school ground, rinig na rinig ng mga students yung sigaw ni Caz. Nakakahiya!

     She run towards me as if ang tagal tagal naming hindi nag kita, 2 days lang naman. I think that's just how sweet Cazandria is. We're already been best friends since birth, and that is for almost 15 years.

     Nasa kabilang part ng EcoTowne Village yung street nila from us, a bit far, pero every other day salitan kami ng bahay na pupuntahan kapag may pasok. Kapag naman weekends, nasa condo ako kasama ang family so di talaga kami nag kikita.

     And, she also call me "Gia" sa bahay at "Savi" sa school.

"Savi, may bago tayong classmate.." She excitedly told me. "Ang pogi! I swear."

     Nagulat ako sa sinabi niya, not because pogi nga yung transferee but because sobrang dalang lang talaga mag sabi si Caz kung pogi ang isang lalaki.

     Out of all the people I know, siya pa lang ang kilala kong ang taas ng standard sa lalaki when it comes to defining "handsome". Kaya kapag sinabi niyang pogi, you really have to believe her, kasi legit!

"Oh?! Tara akyat na tayo!" Biglang hatak ko sa braso Nita.

"Yan tayo Gia eh, kapag pogi nag mamadali ka?"

"Gaga! Late na tayo!"

"Ay hahaha oo nga no." Pagmamabilis din na lakad niya.

     We're obviously running late. 6:57am na at nasa 3rd floor, HS building pa ang room namin.

     3 ang building ng school, one for college at two for HS then yung mga room sa ground floor, building A ay for clubs at rooms for elementary naman ang nasa building B. May pre-school din pero nasa bandang likod ng buildings.

"Savi wait!" Biglang hinto ni Caz bago kami makaakyat ng hagdan.

"Bakit?! Ano ba late na tayo!"

"Yung books ko nasa locker pa". Sabay ngisi. Medyo malayo yung locker sa building A kasi nasa tapat ng pre-school ang lockers.

     And I really hate it kapag natatawa siya kahit hindi na okay yung nangyayari. I mean, hindi lang ngayon ah. All the time! Hindi ko na nga alam kung okay pa siya eh kasi laging naka smile ang bruha.

We and Us Where stories live. Discover now