CHAPTER 6

12 1 0
                                    

*Bell rings.

Lahat ng estudyante ay nagmamadali pumunta sa kanikanilang silid aralan. May mga galing sa qudrangle, sa gym, sa canteen, sa hallway ng ibang silid aralan at ang iba ay kakarating pa lang sa lobby.

As usual, late ulit si Gio Gamboa at homeroom na naman siya pumasok. Malayo ang tinitirahan niya kumpara sa mga classmates niya, laging traffic ang excuse niya kay Mr. Madrid.

Pagpasok sa classroom, piniprisinta na ang list of officers ng 3rd year Fortitude. Si Kurt Ansol bilang Vice President dahil yun naman ang posisyon niya mula 1st year HS.

Si Cazandria Del Castro bilang Secretary, dahil sa ganda ng kaniyang sulat, ang tanging basihan para ibotong secretary.

Si Rishean Palmo bilang Public Relation Officer na hindi nila alam kung may nagagawa ba sa klase.

Si Jakko Yuan bilang Sargeant of Arms na siya ding pasimuno ng ingay sa classroom at magpapatahimik lang kapag may paparating na teacher.

Si Savannah Georgia bilang Muse at Escort naman si Brian Crospe. At ang dakilang Class Beadle, si Sareana Floresco.

--
Savannah's P.O.V.

Sigh. Muse na naman ako.

"Caz, palit tayo pwesto." Pabulong ko Kay Caz.

"Ha? Bawal, magagalit si sir." Sagot ni Caz na pagulat. "At tsaka, ayokong katabi si Yana." Pabulong niyang sinabi sakin habang ngumingisi.

"Ha?! Ano sinasabi mo?"

"Sabi mo palit tayo pwesto?" Habang tinuturo ang mga upuan namin.

Natawa ako dun, minsan talaga lutang tong kaibigan ko eh. "Pwesto sa officer!"

"Aaah." Bigla din siyang natawa sa sinabi niya, "akala ko, upuan."

"Hay nako." Napakamot ulo nalang ako.

"Wala ako?!" Biglang Sabi ni Aijan as he kept looking at the class officers list, "ano ba yan!"

"Bakit? Ano naman maitutulong mo sa klase?" Pabiro kong tinanong si Aijan.

"Madami!" And he suddenly turn back to his sit with a frown. Pinagtatawanan nalang siya ni Gio.

Natapos na ang mga subjects, it's time for recess. Pero naiwan si Caz at Millie, ang president ng class. So I have to wait for her outside the classroom. But then I saw other students from other sections na pupunta din sa room, I looked back kay Caz.

May sinesenyas siya, "Ha? Ano?". I ask her habang nakasilip lang ako sa mataas na window ng room. "Hindi kita maintindihan!"

It looks like nagpapaalam siya kay Mrs. Santiago, teacher namin sa English at Filipino na head ng faculty, then bigla siyang lumapit sa'kin. "Savi, mauna ka na. Kinakausap pa kami ni Ma'am." She told me rapidly.

"Sige, may ipapabili ka ba?" I asked her.

"Wala naman, ako nalang bibili mamaya after this." Then she smiled.

"Oh sige." Then mag isa akong pumunta sa canteen kasi lahat na ng classmate ko andun.

While walking sa canteen by myself, bigla akong tinawag ni Brian na nasa isa sa mga table sa canteen kasama sila Aijan.

"Savannah!"

I looked back habang nakapila sa isa sa mga stalls, "oh?"

"Hi daw sabi ni Gio!" Biglang tawa nilang lahat.

We and Us Where stories live. Discover now