CHAPTER 2

19 0 0
                                    

Cazandria's P.O.V.

I made a mistake. Napahiya ko si Gia without any intention na pahiyain siya. Ramdam kong nainis siya sa akin.

She suddenly changed the topic as if nothing happens, pero I know she's not okay with what I did.

Habang hinihintay namin yung kabilang section bumaba, bumalik ako sa room para kunin yung eyeglass ni Gia. Alam ko kasi na hindi sapat yung sorry without any actions.

"Ay! Wait lang ah." I told Gia as I go near Yana para magpaalam.

"Yana, may kukunin lang ako sa room."

"Okay. Bilisan mo mapapagalitan tayo ni Ma'am Pascua."

Tinawag ako ni Gia kasi bababa na, I just said na mauna na sila. I didn't tell her na kukunin ko eyeglass niya kasi I know na maiinis siya sakin.

Nasa 1st row ang seat namin ni Gia. Habang hinahanap ko yung eyeglass niya sa bag niya, biglang may kumatok sa pinto. Bukas naman yung door, so I think si Sir Madrid yun at nahuli niya akong nasa room pa kaya nataranta ako.

Cough.

"Sir wait po. Kunin ko lang po eyeglass ni Savi." Pagmamadali Kong sabi.

Cough.

"Bakit kailangan ikaw ang kumuha?"

Wait! Hindi boses ni Sir yun ah.

Bigla akong napalingon.

"Brian?!"

"Kinabahan ka no?" Natatawa niyang tanong.

"Not funny!"

Inayos ko agad yung gamit ni Gia ng padabog. Sobra akong kinabahan sa ginawa ni Brian.

Mabilis ako lumabas ng room papunta sa quadrangle.

"Uy Cazandria joke lang yun." Pasigaw no Brian habang sinusundan ako.

"Geh!"

"Ganyan ka ba?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Napahinto ako and I just looked at him with annoyance.

"Ui joke lang Del Castro! Baka sabihin mo ang sama ko eh."

Then I just left him there at the stairs.

Hindi ko pa masyadong kakilala si Brian. Transferee ako nung 2nd year HS and kakabalik niya lang ng LLNHS ngayong 3rd year.

Ang sabi nila, nag transfer daw siya sa SRNHS dahil lumipat ng bahay. Yung iba naman ang sabi, may nakaaway daw na teacher ang mama niya. Si Ma'am Belen, na wala na ngayon sa school, hindi din nila alam kung bakit.

Hindi ako chismosa ah! May mga kwento lang na bigla nilang nashe-share sakin.

Pero familiar talaga si Brian sakin eh.

-
Savannah's P.O.V.

While we're already at the quadrangle at mag sisimula na ang flag ceremony, I kept looking at the back and wait for Caz to be down the stairs.

Then later on, I saw her walking fast towards us pero bigla siyang huminto at lumingon. There I saw Brian at the stairs, may sinasabi siya kay Caz at mukang tumatawa pa, while Caz's face doesn't look good. I wonder what it is.

Nang lumapit na si Caz, I'm about to ask her kung ano sinabi ni Brian, pero naunahan niya ako.

"Savi oh." Mahinahong Sabi ni Caz habang inaabot sakin yung salamin ko.

We and Us Where stories live. Discover now