CHAPTER 10

8 0 0
                                    

     Gio's P.O.V.

"Gio, science club kayo diba?" Tanong sakin ni Yana right after mag bell.

"Oo. San ba yung room?" Tanong ko kay Yana. "Gusto mo sabay sabay na tayo?"

"Sige ba. Sa ground floor ang rooms ng club." Sagot ni Yana. Then sabay sabay kami bumaba.

     Pagdating sa room, andun yung crush ni Brian, si Roan. Science club din pala siya, may kasama din siyang babae na ang tangkad. Bigla akong pinakilala ni Yana sa kanila, habang naghahanap ng mauupuan si Aijan.

"Yuki, si Gio, transferee sa section namin." Sabi ni Yana dun sa babaeng matangkad. Ganun din kay Roan.

"Hi!" Pagbati ko sa kanila. Sabay alis at upo sa tabi ni Aijan.

"Par, yun ba yung mga kasama dati sa tropa niyo?" Tanong ko kay Aijan habang nakatingin ako kay Yuki. Ang ganda niya, napaka simple lang. Muka ngang may pagka Japanese pero maganda talaga.

     Nagulat nalang ako na hindi pala si Aijan ang kausap ko, na mali ako ng naupuan.

  Nakakahiya bwisit!

"Hoy Aijan!" Pabirong naiinis kong tinawag si Aijan habang nag lalakad papunta sa kanya. "Ano ginawa mo?"
     Pagulat na tumingin si Aijan sakin, "Ha?! Ano sinasabi mo?" 

"Bakit bigla kang nawala?" Tanong ko kay Aijan sabay upo na din sa bakanteng upuan na katabi niya. "Akala ko dun ka nakaupo, nagtatanong pa ako, iba na pala kausap ko!"

     Sabay tawa ng malakas ni Aijan. "Nu ginagawa mu Gio?" Pabirong tanong ni Aijan.

     Nag start ang Science club with, of course, self introduction. Maliban sa mga 1st year HS, ako lang pala ang hindi kakilala ng mga ibang levels.

     Meron din palang officers sa club, 4th year HS ang President at Vice President. Si Yana naman ang secretary. Treasurer at Auditor taga pilot section ng 3rd year. 2nd year HS naman ang P.R.O., si Nimi, pinsan daw ni Ajo. May mga representatives din ang bawat HS level. Sa 3rd year, si Roan ang representative. Ako naman ang napiling escort, si Yuki naman ang muse.

     Dami ding alam!

     Pagkatapos ng club, sabay sabay ulit kaming umuwi nila Aijan, Jakko at Cazandria. Sila Brian at Irvan naman, kasabay si Daphne at Rish.

     Hindi ko na nakita si Savannah after ng club.

--
     Savannah's P.O.V.

"Nian! Uuwi na ako ah!" Pagmamadali kong sinigaw kay Cazandria paglabas ng room. "Bye!"

      Hindi na nakasagot ata si Caz dahil tumatakbo ako papunta sa lobby. Hindi ko pala kasi nasabi sa service na 4 ang uwi kapag Monday dahil may club na.

"Kuya Don, sorry may club kasi kami." Sabay pasok ko sa van.

     Pagkauwi ko wala sila mommy at daddy, si Jers lang at si owa, ang lola ko.

"Apo bakit ngayon ka lang nauwi? Anong oras na ba?" Tanong ni owa pagka mano ko sa kanya.

"May club kasi kami, 1st day nakalimutan kong sabihin." Sagot ko habang papaakyat papunta sa kwarto, "nag hintay nga ng matagal si kuya Don, nakakahiya."

"Abay mag bihis ka na sa taas. At wag kang mag ingay apo't natutulog si Jersey sa kwarto niya." Sabi ni owa habang may inaasikaso sa kitchen.

"Okay!"

     Pag pasok ko sa kwarto, at pagkabihis ko, diretso hilata ako sa kama. Then I remember, may assignment pala kami. I rushed down para mag paalam kay owa na pupunta ako kila Caz.

We and Us Where stories live. Discover now