CHAPTER 8

4 0 0
                                    

Savannah's P.O.V.

     Habang nasa canteen na kami ni Caz at naglalakad papunta sa locker, nakasalubong namin si Keister.

"Savi, pinapabigay ni kuya." Sabay tingin sa kabilang side ng canteen. Ayokong tumingin kasi alam ko na kung sino yun.

"Si JL." Pabulong na sabi sakin ni Caz.

"Pakisabi sa kapatid mo, please tama na?" Mahinahong sagot ko kay Keister. "Tatanggapin ko to pero last na to!" Ngumiti lang si Keister.

     Hay nako.

"Hindi titigil yun girl. Kilala mo si JL."

"Sana kung si Keister eh, okay pa." Pabiro ko.

"Ay Savi. Walang agawan!" Biglang napatigil sa paglalakad si Caz.

"Joke lang!" Sabay tawa ko.

     Matagal ng crush ni Caz si Keister, sino ba kasing hindi magkakagusto sa kanya. Matangkad, maputi, athlete at mabait. Sa sobrang bait nga lang, sunud-sunuran siya sa kuya niyang si JL.

     One time nga, sinubukan namin ni Aijan i-blind date si Keister kay Caz. Hindi nila alam pareho, sa Jollibee ang usapan. Oo, ang cheap, pero yun pa lang ang magandang kainan na malapit sa LLC, wala pa si Mcdo. Dinala na namin si Caz nun doon habang hinihintay siya ni Keister, kaso nung nalaman niyang andun si Keister, biglang nagmadaling umuwi. So yeah, unintentionally na indian ni Caz si crush niya.

     Kumalat yun sa buong 2nd year, and ever since, everything became awkward. Bwisit din kasi mga chismakers eh, dinadagdagan ang kwento. And guess who? Walang iba kundi ang dakilang class beadle namin.

"Savi, una na kami ni Aijan ah. Dito kami lalabas sa likod, may pinapautos pala kasi si ninang eh." Pagamamadaling sinabi ni Caz. May gate din kasi sa likod ng LLC, labasan para sa mga pre-schoolers.

"Oh sige. Ingat kayo!" Sabay beso.

     Habang naglalakad naman ako papunta sa lobby, nagulat ako ng biglang may umakbay sakin.

     Napatingin ako, "Brian?!" sabay alis sa mga braso niya.

"Bakit?" Tanong ni Brian ng may pag aangas. "Uuwi ka na?"

"Muka bang papasok pa lang ako?" Pagmamataray ko.

     Moment of silence muna kasi wala naman kaming pag uusasapan, then all of a sudden, naalala ko yung sinabi nila ni Irvan.

"Ay Bri, sino yung tinutukoy niyo kanina ni Irvan na mag seselos?"

"Mag seselos?" Biglang hinto niya sa paglalakad at pakunot noo niyang tanong sakin.

"Ay! Nag seselos pala."

"Aaaah.. nag seselos kay JL?" Sabay tawa niya at tumuloy ng lakad.

Ang bilis niyang maglakad, "Oo Bri, sino?!" Medyo pasigaw na ang tono ko.

"Secret!" Pangiinis niya.

     Nasa tapat na kami ng gym and there I saw Yana standing sa gate ng gym kasama ang transferee ng ibang section. I act normal, hinayaan ko na ding maglakad ng mabilis si Brian kaya medyo nauna siya sakin. That's why I heard a little convo between Yana and yung kasama niya.

"Sino yung girl? Ang pretty!" Sabi ng kasama ni Yana.

"Si Savannah, muse namin." Sagot ni Yana with a lame tone of voice.

We and Us Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt