Chapter 4

2.4K 51 8
                                    

Chapter 4

"Hey, It's been a while. Kamusta ka na Grace?"

"Y-yea right, it's been a while... I-i'm fine.." Nauutal na sagot ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko siya ngayon. Shit. Paano na lang kung magsumbong siya kanila Daddy na nandito ako ngayon kasama ng kaibigan niya na classmate ko na nag-cutting classes which technically means I cut classes too?

Sumulyap ako sa mga nasa paligid namin. Si Ken na nakangiti pa rin nang malapad sa akin. Si Earl na kitang-kita sa mukha na siya ay naguguluhan. Si Vinzeler na tila walang pakialam ngunit makikinita pa rin ang bahid ng pagkagulo. At si Reneel na seryosong nakatingin sa amin at nakakunot pa ang noo.

"Alright, mind explaining to us what's happening?" Pagbasag ni Earl sa matinding katahimikan. "C'mon are you guys in some kind of relationships like exes or what?"

"No!" Sabay naming sabi ni Ken at Reneel.

Reneel?????!? He knows?

"Bro, alam mo?" Tinanong na ni Ken kay Reneel bago ko pa man maibukas ang aking mga labi upang ako ang magtanong.

"Huh? I just concluded kasi pa-good girl 'yan eh." Sagot ni Reneel na nawala na ang kunot ng noo at seryosong mukha. Nag-iwas rin siya ng tingin.

"Uhm.. guys, we're cousins. Second cousins, actually." Napatango naman sila maliban kay Reneel.

"If that's it then, bakit parang hindi niyo agad na-realize na magkakilala kayo?" Si Earl muli ang nagtanong. Talaga ngang madaldal siya na tumutugma sa playful aura niya.

Bahagyang natawa si Ken bago sumagot. "Minsan lang kasi mag-reunion ang pamilya namin kaya minsan ko lang nakikita 'tong si Grace. And... obviously we're not that close."

"Yup." I seconded his explanation while popping the sound of p.

"Are you sure na magpinsan lang kayo?" Napabaling naman kami kay Vinzeler na nagtanong. Minsan na nga lang nagsasalita ganto pa ka-non-sense ang tanong. How can we be unsure of being related by family, right?

Kaya't agad na napakunot ang aking noo at bumaling sa kaniya upang sumagot. "Of course. Magpinsan ang nanay namin ni Ken."

"Well then, that's a relief..." Tumigil pa siya nang ilang segundo at tumingin sa akin at saka ay kay Reneel nang nakangisi. "For Reneel."

Muling kumunot ang noo ko sa gulo ng sinabi niya. Paano magiging relief ang pagiging magpinsan namin ni Ken para kay Reneel?

Magtatanong pa sana ako nang umalis na siya at tumungo sa kusina. Baka ay kaniya itong bahay.

"Grace, are you even aware that Reneel hates your school so much?"

Nakaupo kami sa carpeted floor sa living room nila Vinzeler. Nakapalibot kami sa glass center table nila na may mga snacks. Kanina pa nila akong tatlo na iniinterogate. Yes, tatlo lang dahil wala si Reneel. Wala raw siyang interes sa mga kung ano mang itatanong nila sa akin kaya't naglaro na lamang siya sa XBOX. Medyo nagulat pa nga akong kasali rin si Vinzeler dito eh. Well, hindi naman pala siya ganoon kailap sa ibang tao, medyo lang, ta's medyo weird, medyo lang talaga.

"Of course." Sinabi na niya iyon sa akin papunta pa lang dito. At parang kahit nga ata hindi niya sabihin ay alam na alam ko na dahil sa mga kinikilos niya kanina.

"And you know the reason behind it?"

Napabaling ako sa kaniya dahil sa tanong niyang iyon, "Hindi ba't dahil sa mahigpit na magkalaban ang schools natin sa iba't ibang larangan? Like sports?"

Nagkatinginan ang tatlo at para bang nagkaugnay-ugnay ang kanilang iniisip at mabilis na nagkaunawaan.

"So, next question Kriesha..." Hindi nila pinansin ang aking sinabi at magproceed na raw sa next question. "Actually, kanina ka pa namin tinatanong tungkol sa buhay mo pero hindi pa namin alam kung bakit ka nandito ngayon. Bakit ka nga ba nandito ngayon at sinama ni Reneel?"

Dream GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang