Chapter 7

2.7K 89 79
                                    

Chapter 7

"Bes, I'm sorry." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at matiim akong tinitigan. Tinignan ko siya pabalik nang naguguluhan ang mga mata.

"I swear. Hindi ko naman inaasahan na ganito ang mangyayari. Hindi ko rin alam, wala rin akong alam. Kaya nga hindi ko muna sinabi sayo kasi ayokong mag-alala ka. Especially now na start na ng classes." Sabi niya pa habang humihikbi sa pagitan ng mga salita.

Gulong-gulo na ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon. Kung bakit nasa harap ko siya, umiiyak at ganiyan ang sinasabi sa akin. Gustuhin ko mang magtanong sa kaniya ay hindi ko magawa. Walang lumalabas sa aking mga labi habang nakatingin lang sa kaniya. Bakit, Aliyah? Bakit ka umiiyak nang ganyan sa harapan ko ngayon? Tangina, anong nangyayari?

"Please forgive me, Bes. Sana maging masaya ka at sana mas maging palaban ka pa ngayon na wala ako sa tabi mo. I know God already sent you someone in replace of me. Kaya 'wag mo na siyang awayin at palayuin, ha? At pag sinaktan ka niya, ako ang bahala sayo, aawayin ko siya." Bahagya pa siyang tumawa sa sarili niyang biro para lang maibsan ang lungkot sa mukha niya. Pero may mga luha paring bumabagsak sa mga mata niya. Ano ba kasi talagang nangyayari? Bakit siya ganito sa akin ngayon?

"Hindi ko naman kasi talaga inaasahan na hindi siya magiging successful, eh. Kaya nga binalak ko na sa pag-uwi ko nalang sasabihin sa iyo o wag nalang. Pero ngayon mukhang hindi ko na masasabi sayo. Makakauwi ako pero hindi ako ang makakapagsabi sayo. Sana maintindihan mo, please? Dahil sa kaayawan kong masaktan ka, mas lalo ka tuloy masasaktan ngayon. Huwag ka ring magagalit sa kanila kung hindi sila nagsabi sayo, ha. Kasi ako lang din naman ang nagbilin sa kanila na huwag na munang sabihin sa iyo."

Mula sa pagkakahawak niya sa aking mga kamay ay lumipat ang mga kamay niya sa magkabila kong pisngi at maliit na ngumiti. Ngumiti ang mga labi niya pero hindi ang kanyang mga mata. "Please, do not drown yourself in misery as I go away because it won't help at all, lalo ka lang masasaktan at ayoko no'n. Paano na ko magpapahinga sa kapayapaan kapag palagi kitang makikitang nasasaktan? Always remember, I will always be right beside you. Kahit pa ngayon na oras ko na. You will always be my besfriend and sister not by blood but at heart. And I will always be your number one fan and supporter. Lagi mong tatandaan na laging may mga taong proud sayo. Ako, ang family mo, at siya. Kaya huwag kang maghehesitate na gawin ang mga bagay na alam mong kaya mo. At kung sa tingin mo ay hindi mo kaya, then just keep trying, even if you fail at first. Because failure is just a bruise, not a tatoo."

Unti-unti niyang binababa ang mga kamay hanggang sa hindi na iyon nakahawak sa aking mukha. She let go of me. "I will miss you, Bes. I love you."

And she walked away. Lumayo siya nang wala manlang akong nasabi sa kaniya. Ni habulin siya ay hindi ko magawa.

Aliyah!

Shit! Ano 'yon? Bakit ako nanaginip ng ganun?

Bumangon ako at mabilis na kinapa ang side table ng kama ko para kuhain ang phone ko at para tawagan ang bestfriend ko. 4:15am palang ibig sabihin ay 4:15pm sa New York kaya for sure ay gising si Aliyah at masasagot niya ang tawag ko.

Ikalawang tawag ko na sa kanya pero hindi niya pa rin iyon sinasagot. "Damn it, Aliyah. Answer the fucking call!"

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Kinakagat ko nalang ang mga daliri ko para hindi ako tuluyang manginig dahil sa tindi nitong nararamdaman ko ngayon. Ang daming katanungan sa isip ko ngayon na masasagot lang kung sasagutin ni Aliyah ang tawag ko. Pero hindi. Hindi niya pa rin sinasagot.

Bakit ako nanaginip ng ganon? Bakit nasa panaginip ko ang bestfriend ko? Anong ibig sabihin ng lahat ng yon? Bakit siya nag-sorry? Anong ibig niyang sabihin na hindi niya sinabi sa akin? Ano yung hindi niya sinabi sa akin? Bakit siya umalis? Bakit ganyn yung sinasabi niya bakit parang nagpapaalam siya? Saan siya pupunta? Sino yung someone na sinabi niya? Yan ang mga tanong na dapat ay itatanong ko sa kanya pero hindi ko nasabi dahil nasa panaginip ako at hindi ko macocontrol ang panaginip ko.

Dream GirlOnde histórias criam vida. Descubra agora