Chapter 5

1.9K 29 7
                                    

Chapter 5

"Hey, fart baby."

Kasalukuyan akong kumakain ngayon sa cafeteria dahil lunch namin ngayon.

Nag-angat ako ng mukha at bored na tinignan si Reneel. Nasa tapat ko siya ngayon at may hawak na tray ng pagkain niya.

"I told you. Stop calling me fart." Sabay matinding irap.

"I'll just call you baby, then?" He even wiggled his eyebrows.

I rolled my eyes at him, again. At bumalik nalang ako sa pagkain. Nakakawalang ganang kausap 'to, napakawalang sense.

"Irap ka nang irap, sige ka 'pag 'yan 'di na bumalik." Saad niya habang nilalapag ang tray niya sa mesa ko, hinila ang upuan sa harap ko, at umupo doon.

"Wala ka bang friends? Bakit ka nandito, close ba tayo?"

"'Pag mag-isa, wala nang friends? Ikaw din ah mag-isa ka, wala kang friends?"

"Absent." Tipid na sagot ko nalang.

Nakakainis naman kasi si Aliyah, absent na naman. Bakit napakadali sa babaeng 'yon umabsent? Aware naman siyang may tatlo kaming quizzes, ngayon pa talaga umabsent.

"Exactly."

Napatingin ako sa kaniya at binigyan siya ng naguguluhang tingin.

"Hindi porke't hindi ko sila kasama ay hindi ko na sila friends. Since wala nga sila dito at ikaw lang ang kilala ko, then..." Tinignan naman niya ako na parang hinihintay niya sa'kin kung ano ba dapat ang kasunod.

"Ako ang kakaibiganin mo?" I almost choke by cringe as I was saying those words.

Bahagyang nangunot ang noo niya at ipinagpatuloy ang sinsabi. "Then... ikaw ang guguluhin ko." At ngumisi pa talaga siya nang nang-aasar. Kailan ba 'ko titigilan ng pang-aasar nito?

Inirapan ko nalang ulit siya at pinagpatuloy ang pagkain. Buti nalang paubos na 'to.

Pagka-ubos ko ng pagkain ko ay tumayo na ako at dinala ang tray ko para ibalik ang ginamit kong plates and utensils. Hindi ko na pinansin kung iniwan ko si Reneel doon habang mag-isa nalang na kumakain. I know it's kind of rude, pero kasi hindi naman ako ang nagpumilit sa kaniya na maki-table sa'kin? Hindi ko naman siya originally kasama so technically he's not my responsibility, therefore I should not care about him but here I am caring for him.

Habang naglalakad patungo sa pinagbabalikan ng plates and utensils dito sa cafeteria ay saglit akong lumingon kay Reneel. Oh 'di ba kasasabi ko lang na hindi ko na dapat siyang intindihin pero eto ako ngayon.

Paglingon ko ay nakita ko siyang nakatungo lang sa kaniyang pagkain at hindi na ito ginagalaw. He's clenching and unclenching his jaw.

Damn, bakit parang ang gwapo nga niya?

I shook that thought away from my mind and just continued to walk away.

Pinakikiramdaman ko ang aking paligid at hinihintay ang classmates ko kung may magpapasa na ba ng test paper. It is my last exam today and base on my observations from the class, ako palang ang natatapos. Twenty minutes from the one hour alloted time palang ang nakakaraan pero eto at tapos na ako.

Binalewala ko na lamang kung ako palang ang natatapos at tumayo na para ipasa ang test paper ko. 'Pag natapos na kasi namin ang exam ay pwede na kaming magpasa, lumabas ng classroom at bahala na kami kung saan namin aabalahin ang sarili namin for one hour free time, except sa pag-uwi. After this class kasi ay last may last class pa kami pero absent ang prof namin doon kaya binigay nalang sa amin as free time.

Dream GirlOnde histórias criam vida. Descubra agora