Chapter 6

1.7K 49 3
                                    

Chapter 6

Almost two weeks have passed already and so far, wala namang bago. Nanggugulo pa rin si Reneel and absent pa rin si Aliyah.

Ang haba na nga ng bakasyon niya eh. I called her after two days that she's still absent. Sabi niya ay nasa California raw sila with her family which I think still true naman kasi lagi silang wala ng family niya sa bahay nila. Magkapit bahay kasi kami kaya araw-araw akong napapadaan sa bahay nila. As I pass their house everyday, it feels sadder and sadder. Usually kasi 'pag hindi ako nakakasabay kay kuya ay sabay kaming pumapasok but now, wala na akong choice kundi ang sumabay na lang ulit kay kuya kasi hindi naman ako pinapayagan ng parents ko na mag-commute kaya walang choice si kuya at kailangan niya akong ihatid ngayon.

"Bakit nga pala lagi ka nang sumasabay sa'kin? Nasan si Aliyah?"

Niliitan ko siya ng mga mata at mapang-asar na tingin. "Bakit Kuya, miss mo na siya? Gusto mo na rin siya? Pa'no na si ate Krizzelle?" Sunod-sunod kong tanong na may malapad na ngiti pa sa aking mga labi.

Kuya is Aliyah's first crush ever. Alam ko naman nang hindi na ganun kalalim yung pagkagusto ng bestfriend ko sa kuya ko since aware naman na siya na may gusto nang iba si kuya. Kaya nga marami pa siyang ibang crush ngayon, eh.

Tinapunan niya ako ng masamang tingin. "Ayaw ko lang na makasabay ka kaya hinahanap ko siya."

Mula sa pagkakangiti ay napanguso nalang ang mga labi ko. "Grabe ka naman! Nasa California raw siya with her family. May inaasikaso raw kasi roon ang parents niya kaya sinama na rin siya para makapamasyal siya."

"At the middle of school days?"

Nagkibit nalang ako ng balikat dahil ako mismo ay hindi rin alam. Napaisip na rin ako noon kung bakit pa siya isinama dahil para mamasyal. Kung may inaasikaso ang parents niya sa ibang bansa, normally naman ay hindi na siya isinasama especially dahil may pasok. Nangyari na rin kasi noon na pumunta ang parents niya sa ibang bansa at mga isang buwan sila roon kaya palaging sa amin siya nag-s'stay.

Pagka-park ni kuya ng sasakyan ay binuksan ko na ang pinto sa passenger's seat para bumaba. Pero hindi muna ako bumaba. Hinayaan kong nakabukas muna ang pinto at saka ako dumukwang kay Kuya para humalik sa pisngi niya.

"Thank you sa pagsabay sa'kin." At tuluyan na akong bumaba.

Pagkababa ay nakita ko si Reneel na naglalakad papunta sa akin mula sa kaniyang sasakyan.

"Sino yung kasama mo?" Tanong niya habang nakakunot ang noo. Bahagya siyang tumingin sa likod at binalik ang tingin sa'kin. Lumingon din ako sa likod at nakitang nandoon pa rin si kuya. Siguro ay nagpapa-gwapo pa yun para sa babae niya. Napangiti nalang ako dahil sa thought na talagang nagbibinata na siya hahaha.

Siguro ay nakita niya ang pagdukwang ko kay Kuya pero hindi niya kita ang mukha ni Kuya dahil mula siya sa bandang kanang likod ng sasakyan ni Kuya.

"Secret!" Nakangiti ako nang sinagot ko siya. At nilagpasan para pumunta na sa classroom namin. Hindi ko alam kung anong meron sa'kin at naisipan kong iyon ang isagot imbis na sabihin ang totoo.

"Hey!" I smiled with the thought that I'm getting used to him always with me. But why does it feel like it's not actually good.

---

"Okay class, you may now pair up yourselves."

Syempre yung mga magkakaibigan, nagtitinginan na sila meaning ay sila na ang magkakapartner. Lagi namang ganon diba? Pag sinabi na ng teacher na maghanap na ng sariling partner, matik na nagkakatinginan yung magkakaibigan at mabilis nagkakaintindihan na sila na ang partners. Busy na ang lahat sa pakikipag-usap sa mga partners nila pero wala pa ring tumitingin sakin. Meaning, wala pa akong partner. Tumingin ako sa likod ko na medyo umaasa na titingin siya sa akin para kami na ang partners. Pero nakita ko siyang nakatingin lang sa notebook na nasa desk niya. May partner na kaya siya?

Dream GirlWhere stories live. Discover now