Chapter 8

503 15 3
                                    

Chapter 8

Dinama ko ang bawat pagpatak ng tubig sa aking ulo pababa sa katawan ko. Tubig mula sa shower na may halong luhang hindi na maubos ubos. I've been crying since Tita Aireen called.

Ang sabi nila crying is good for the soul. Crying will somehow lessen your worries away. Pero bakit hindi ko naman maramdaman yan? As I cry each tear, lalo lang sumasakit ang puso ko. Lalo ko lang naaalala kung bakit ito lang ako ngayon, umiiyak lang, iniiyakan lang siya. I should've been there. Kahit minsan hindi ko manlang siya nadamayan sa bawat iniinda at sakit niya.

I am a fake bestfriend.

Hindi na ako nakatulog. Hindi na rin ako nakapag-aral. Wala na rin naman akong will, eh. What for? Nabawasan na ang mga inspirasyon ko. Paano nalang ako ngayon. I'm back at 0.

Nawalan na ng bestfriend. Nawalan pa ng tulog. Bagsak pa sa exams. Great.

Pagkatapos ko sa shower ay nag-ayos na agad ako para pumasok. Magtataka sila Mommy kapag naglugmok lang ako ngayon sa kwarto ko.

"Mom, I need to go hindi na po ako magb'breakfast may gagawin pa po ako." Paalam ko sa Mommy ko. Though, wala naman talaga akong gagawin.

"Oh, ganun ba? Sige ito baunin mo nalang itong breakfast mo." She insisted.

"No, Mom. I really need to go." I don't know kung nakikita niya ba yung dark circles ko sa undereye ko but I just don't care anymore. "Si kuya po ba gising na?"

"Ay, hija. You're Kuya's in his friend's pad. Nag overnight sila dun, they needed to finish their project." Kaya pala walang maingay. "Ipapahatid na lang kita sa driver using your Dad's Fortuner, mamaya maya na rin naman siya papasok."

"Sige po." Hindi na ko nakipagtalo, nakakapagod lang.

As I get in the car, anxieties continue to rush through me. I have to deal with this shit again.

Buong biyahe ay sa car window lang ang tingin ko. Bakit kahit na nararamdaman mong inaantok ka na at pagod na, mas mananaig pa rin yung sakit sa puso mo kaya mas napapaiyak ka nalang kaysa ang matulog at magpahinga? Parang nagsisisi na nga ako na pinilit kong pumasok ngayon despite all the worries and heartaches I'm feeling right now.

Pagkababa ko ng sasakyan ay nakatungo lang akong naglalakad patungo sa class ko. It seems very unusual for a Kriesha Kuano to act like this. For years, palagi akong isa sa mga tinitingala at hinahangaan ng mga tao. I am always proud and keeping my head up as if I rule everyone. Pero ngayon? Ako ang nakayuko. I feel so weak and broken.

Nahinto ako sa paglalakad nang nakayuko nang may humarang sa harap ko. If it's my usual self, paniguradong matatarayan ko 'to lalo pa at masama ang araw ko.

Unti-unti kong inangat ang aking mga mata. Only to see someone I'd never talk to for about three days.

Hindi ko siya pinansin at yuyuko na sanang muli pero inangat niya ang baba ko gamit ang hintuturi niyang daliri para muling matitigan ako sa mga mata. I can see his dark eyes. I can see anger at the same time sadness and sympathy in them.

Subconsciously, i felt a drop of tear left my eye. Tuluyan ko nang itinungo ang aking ulo pero gamit ang isang kamay ay hinila na niya agad ako palapit sa katawan niya, para yakapin ako.

And there. I lost it. I broke down. In his chest and arms.

Patuloy ang paglagaslas ng mga luha ko habang nakayakap siya sa akin ngayon. I bet everyone's looking at us now but I just couldn't care less. I bet his polo's now wet with my cries, but he lets me.

"Ang sakit," I don't know how I managed to utter those words in between my cries.

Tinapik tapik niya lang ang aking likod at patuloy akong inaalo. "Shh, everything's going to be all right."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dream GirlWhere stories live. Discover now