Chapter 1.

2.9K 56 14
                                    

Hello diary I'm back!

May kwento nanaman ako diary. Kanina kasi may babaeng nainis sa'kin sa cr. Ang sabi niya bakit 'daw ako nagc-cr sa pangbabae eh lalaki daw ako.

Nainis ako diary. Napakaganda ng outfit ko e, mas mukha pa nga akong babae sa kanya mas malaki pa utong ko sa kanya.

Kaya ang say ko "baka gusto mong humiwalay yang cardiovascular system mo sa nervous system mo?" Natakot siya diary, Dali-dali siyang lumabas ng comfort room. Natawa nalang ako.

Ilang oras lang diary natanaw ko na ang naglalakihang gusali at may mga barko na 'din kaming nakakasalubong.

"Ayan na ang mga kalaban magtago kayo!" Sigaw ko na ikinagulat nila.

"Anong kalaban?" Tanong ng isang crew at titig na titig sa'kin.

"Ayon!" Turo ko sa mga barkong nangingisda.

"Baliw."

"Nababaliw na ba siya?"

"Takas ata sa mental 'yan." Ilan lang 'yan sa mga narinig ko mula sa kanila diary. Kaya't bumaba nalang ako dahil ayaw nila akong paniwalaan, Sila 'yong Baliw diary ganun kasi 'yong mga napapanood ko sa mga cd. Naglalayag sila then. May mga nakakasalubong silang mga barko 'yong mga pirata diary tapos naglalabanan Sila.

Pumunta ako sa room ko para kunin ang mga gamit ko. Nag-aalala na ako sa kalagayan namin sa palagay ko lulubog 'tong barko at may makakasalubong kaming mga pirata. I'm scared for that.

Tinungo ko kaagad ang upper part at gusto ko kausapin ang kapitan nila.

"Ilabas niyo 'yong kapitan niyo!" Malakas kung sigaw sa mga lalaking nakaharang sa gate.

"Sorry. Bawal ang passenger dito sir." Sagot ng lalaking naka stripe.

"Hindi niyo ba alam na may pirata tayong makakasalubong at pwede nila tayong dalhin sa bikini bottom!" Ani ko at bigla silang nagtawanan. Tila wala silang pake sa sinasabi ko.

"Saang mental hospital kaba galing sir?" Tanong ng lalaking naka pants.

"Don't call me sir! Babae ako. I'm churvana guentes ang Nancy ng Cebu maliwanag? I said gusto ko kausapin ang kapitan niyo bago pa tayo lumubog at mapunta sa bikini bottom!" Naggagalaiti kung sagot.

In a few minutes nakatitig lang sila sa'kin at humahagalpak ng tawa.

"Nancy? Nancy binay?" Nakangiting sagot ng lalaking barako habang nagtatawanan ang iba.

Hindi ko na mapigilan ang galit ko diary. Kaya tumalon nalang ako sa barko kasama ang maleta ko.

"Nahihibang na ba siya."
"Hoy wag kang tumalon M's nancy." Sigaw ng mga lalaking kamukha ng seven dwarfs. "Binay." Habol pa ng isa.

Tila isa akong artista na pinagtitinginan ng mga
Tao. "Binalaan ko na kayo sabi ko lulubog ang barko at balak tayong sakupin ng mga pirata at ipadala sa bikini bottom." Ayan ang huling salita na binitawan ko bago tumalon diary.

Marunong naman ako lumangoy diary kaya malakas ang loob ko. Humampas sa mukha ko ang malalakas na alon at halos mabasag ang tenga ko sa sobrang lakas ng vibration ng barko sa baba. I think 'yong propeler diary.

Tinanaw ko ang taas kung saan ako tumalon. Napakaraming Tao ang nakatingin sa'kin diary.

*TOOOOOOOOOOOOOT*
*TOOOOOOOOOOOOOT*

Isang nakakarinding tunog ang umalingasaw galing sa barko diary na ikinagulat ko. Pa sway sway lang ako diary habang palutang lutang sa tubig. May mga ebak akong nakakasalubong at mga makakapal na basura at mga likido na galing sa iba't ibang barko. Napakalayo na ng pagitan ko sa barko diary, at natanaw kung huminto na ito.

Natanaw ko din ang isang malaking banner na nakasulat "Port of Navotas." Isang kembot nalang malapit na ako sa pampang.

Nakita ko ang seven dwarfs na tinitingnan ako habang papalapit sa daungan. Hindi ko nalang sila pinansin.

"Nakarating 'din Whooooo!" Sigaw ko at humiga sa semento at tinatanaw ang araw. Basang basa ako diary dahil sa katangahan ko naniwala ako sa iniisip ko na lulubog ang barko.

At nandito na ako sa maynila. Hindi ko alam kung saan ako pupunta diary at sigurado akong palaboy laboy ako dito na parang pulubi.

                                Nagmamahal...
                                              Churva.

Diary ni churva. •ON-GOING•Where stories live. Discover now