Chapter 2.

1.8K 39 9
                                    


Pumunta talaga ako sa Manila diary para maghanap ng magandang trabaho. Marami 'din kasing nakapagsabi sa'kin na madali 'daw ang pera sa Manila 'di gaya sa probinsya na kailangan mo magbanat ng buto.

Basang-basa ako habang dala ang maleta ko. 560 nalang ang natitira sa pera ko, kailangan kung makahanap agad bago pa ako maubusan ng pera diary. Kahit hindi regular basta may trabaho. Kahit ano diary mapa snatcher or carnapper papasukin ko.

Kumukulo na ang tiyan ko nakaramdam na ako ng gutom nakalabas na 'din ako ng terminal. Puro burak ang dami ko pinagtitinginan nga ako ng mga Tao diary eh.

Kaya binabati ko nalang sila "hello!" Kada tao na masasalubong ko binabati ko, kumakaway pa ako sakanila pero  parang ang weird ng tingin nila sa'kin.

Nadaanan ko ang isang lamay diary nakalagay sa poster "Johnny S. Muring. Died: November 7. 2016 Floresco funeral." Kaya agad akong lumapit sa kabaong diary.

"Johnnnnnnny! Bakit mo ako iniwan! Ang sabi mo sa'kin papanagutan mo pa ang mga anak natin. Johnny gumising ka diyan!" Nangilid ang mga luha ko diary na parang falls na ayaw tumigil.

"Kaano-ano ka ng asawa ko?" Tanong ng babae sa'kin.

"Ako 'yong lost beshy niya alam mo bang mahal na mahal ko 'yan! Bakit siya namataaaay?"

"Taga-saan ka bakit hindi kita kilala?" Habol pa niya.

"Mahabang kwento... Hindi mo na dapat malaman pa, may nalagas nanaman sa listahan ng mga taong mahal ko. Johnny gumising ka wag mo akong iwan." Hagulgol ko habang yakap ang kabaong.

"Tekaaa. Kumain kana ba? Bakit ang baho mo?" Pagtataka niya habang pinagtitinginan na kami ng mga Tao.

"Sa totoo lang hindi pa po.. Ang layo ng binyahe ko makarating lang dito." Agaran kung sagot.

"Halika dito at kumain ka muna. Maligo ka na 'din, anak pakisamahan naman 'tong kaibigan ng tatay mo."

May lumapit na bata sa'kin ang cute niya 'yong mga ngiti niya nakakahulog. Pshhh baka makasuhan pa ako ng child abuse.

Sa totoo lang diary hindi ko naman talaga kilala 'yong Johnny na 'yon. Acting ko lang 'yon para makalibre ako ng kain sakanila.

"Hoy bakla magpapasama kaba?" Tanong ng batang gwapo kanina.

Teka? Siguro bakla 'din 'to ang mga kalahi namin ay kilala 'din ang lahi namin.

"Saglit lang bakla." Sagot ko oa habang sinusundan siya sa mansyon nila. Omg ito ata yong bahay ng johnny na 'yon. Natatakot ako baka multuhin ako.

Nakaligo at fresh na fresh na ako diary tapos na 'din akong kumain. Ang yaman pala talaga ni Johnny.

Nasa sala nila ako ngayon palinga linga sa nagtataasang ilaw.

*KRIIIIIIIIIIIIIING*
*KRIIIIIIIIIIIIIIING*

Isang cellphone ang narinig kung tumunog sa ibabaw ng lamesa.

Tiningnan ko ito.

Jecelyn: Condolence.
Mau: Condolence

Halos mapuno ang inbox ng cellphone sa dami ng nagtetext. Pero isa lang ang pumukaw sa aking pansin.

Babybabe: OK.

Naisip kung mag reply diary.
: Babybabe..
Wala akong natanggap na reply diary. Napakatahimik ng bahay nila diary ako lang mag-isa sa loob, feeling ko katabi ko si johnny at ilang oras lang ay papatayin ako dahil sa ginawa kong kalokohan.

Nagreply ulit ako.
:Babybabe nag ccrave ako sa pussy mo hihi.

Ilang sandali lang nakatanggap ako ng reply.

Siya: Nanay niya 'to!

:sorry po tita.
Agaran kung reply kaya kinabahan ako. Siguradong lagot ako sa may-ari nito at parang dito na magtatapos ang love life nila diary. Ilang saglit pa nakatanggap ulit ako ng reply.

Siya: ayieee nag ccrave siya sa pepe ng anak ko *insert heart emoticon*

Nagkamali ako diary. Mukhang support pa yata ang manugang niya na ma-eut anak nila. Hindi na ako nagreply diary nainis ako. Lumabas nalang ako at kumain.

                                  Nagmamahal..
                                             Churva.

Diary ni churva. •ON-GOING•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon