Chapter 8.

807 18 5
                                    

Gumising ako ng maaga diary para maglinis ng kwarto pati na 'din ang mga tae na nagkalat kagabi.

Gusto ko kasing libutin ang lugar na 'to para kabisaduhin. Nalaman ko kasing may malapit na beach dito diary kaya gusto ko sanang pumunta.

Pagkatapos ko linisin ang bawat sulok ng kwarto dumiretso ako sa baba para hanapin 'yong tomboy na nagpatuloy sa'kin dito na hanggang ngayon ay hindi ko pa 'din alam ang pangalan niya.

Halos maikot ko na ang buong apartment pero hindi ko pa 'din siya makita. May nakapagsabi sa'kin na baka nasa raket niya. Anong raket?

Lumabas ako ng apartment para maglibot-libot. Nagtanong na 'din ako kung saan banda ang beach dito. Kasi for sure na maraming boys duon diary waaaaaaaaah!

Dalawang purok na ang nalampasan ko at natanaw ko na 'din siya. "ATABAY BEACH" ang daming Tao diary may mga foreigner 'din akong nakikita, mapapasabak nanaman ang English skills ko.

Tinanaw ko ang asul na dagat ang daming pogi! Pero isa lang ang tinuon ng aking atensyon. May tatlong lalakeng kano ang nagtatampisaw sa dagat, So this is it Diary! Halos itulak ko na lahat ng taong makakasalubong ko dahil sa pagmamadali ko.

Hinanda ko na 'din 'yong mga English grammar na pwede kung gamitin.

"How your old?"
"When is your country?"
Ayos ba diary?

Sa sobrang pogi nila diary napa-swimming nalang ako bigla halos tumulo ang laway ko sa six-packs abs nila.

Habang nagtatampisaw diary nagulat nalang ako ng bigla akong lamunin ng malalaking alon. Nasa gilid pala ako kung saan pahigop ang wave.

Halos ikamatay ko 'yon diary kaya humingi na ako ng saklolo.

"HELPPP! HELLP! IM DRUNKING." Sigaw ko diary.

Pero... Laking gulat ko nalang ng biglang lumapit sa akin 'yong matabang amerikano diary. Inipit niya ako sa dalawa niyang bilbil tapos biglang sisid halos malunod ako sa malaki niyang bilbil. 'yong labi ko kumiskis pa sa maitim niyang utong, kadirdir ewww! Shekvalakiki.

Kaya ang ending nag thank you nalang ako sa kanya hindi na ako umasa sa CPR anak ng bilbil na 'yan mamaya siya pa mag CPR sa'kin.

In the end of the story umuwi ako ng basang-basa. Nalalasahan ko pa 'din 'yong utong ng amerikano kadiri talaga diary!

Tinanong nila ako kung saan daw ako galing ang sabi ko nagtampisaw lang kasama ang malaking balyena.

                                  Nagmamahal..
                                           Churva.

Diary ni churva. •ON-GOING•Where stories live. Discover now