Chapter 9.

752 20 2
                                    


Diretso ligo agad ako pagdating ko. Todo hilod dahil feeling ko kumapit sa balat ko 'yong malagkit niyang bilbil.

Nakakadiri talaga! Shemay! Kasalukyan akong nakaupo sa isang double dick dito sa kwarto diary. 'yong kama na magkapatong. Nagmumuni-muni ako naalala ko lang 'yong dating karelasyon kung si Roger.

Pogi, may dimples, may abs. Bigla nalang siyang sumagi sa isip ko. Kamusta na kaya siya? I mean kamusta na kaya 'yong gag*ng 'yon?!

Nabihag niya ang aking puso diary dahil napakagaking niyang mag-gitara. Sumasabay ang bawat ritmo ng kanyang itinutugtog sa agos ng aking damdamin, kaya nakuha niya ang aking puso.

Simula nung makilala ko siya walang araw na hindi kami magkasama diary. Walang araw na hindi ko siya iniisip. Ang sabi nga nila kung sino pa ang taong nagpasaya sayo siya 'din 'yong taong magpapalungkot sayo ng todo. Gusto mo kwento ko sayo diary?

One day, inutusan ako ng tatay ko bumili ng Alak sa tindahan. 'Yong mga araw na 'yon hindi pa kami magka-kilala ni Roger.

Nagulat nalang ako diary kasi may two-hundreds ako sa bulsa ko. Saan galing 'yong perang 'yon?

Edi...bumili ako ng pagkain ko diary. Inubos ko lahat hanggang sa limang-piso nalang ang natira, tsaka ko lang napagtanto na inutusan pala ako ni papa ng alak. Parang gusto ko na magpalamon sa lupa ng mga oras na 'yon diary.

Umiyak ako.. Ayoko ng umuwi sabi ko sa sarili ko kasi siguradong lagot ako Kay papa diary.

Then, bigla nalang lumapit sa'kin si Roger at tinanong kung bakit ako umiiyak. Syempre ikinuwento ko sa kanya ang nangyari, kaya ang ending siya ang sumalo sa gastusin sa alak.

Kaya simula nun naging magkaibigan kami diary. 'Di ba? Ang ganda ko talaga may nagkakagusto sa'kin. Gabi-gabi kaming pumapasyak sa park binibili niya ang paborito kung pagkain, para kaming mag-jowa diary. Close na 'din sila ni papa dahil ipinakilala ko siya sa buong angkan ko. Tanggap naman nila si Roger diary pero isang gabi bigla nalang nag-iba ang ihip ng hangin.

"Ayoko na sayo!" Ani ni Roger diary na nagpakaba sa sistema ko.

"Bakit? Mahal kita.. Roger." Saad ko.

"Kinaibigan lang naman kita dahil gusto kung  mapamana sa'kin ang lugawan ng tatay mo!" Sigaw ni Roger diary na nagpakulo ng buong kalamnan ko.

Kaya lang pala niya ako minahal dahil sa lugawan ng tatay ko. Kung hindi ka naman g*go 'di ba? Kaya simula nun hindi na kami nag-usap wala na kaming koneksyon sa isa't isa

Na-Depressed ako ng sobra diary halos magkulong ako sa kwarto at hindi na kumain.

Hanggang ngayon hindi pa 'din ako makapag-move on. Paano ko ba siya makakalimutan??

                                Nagmamahal..
                                          Churva.

Diary ni churva. •ON-GOING•Where stories live. Discover now