IV

418 15 5
                                    

LOUISE's PoV

"Lou, we're here." nagising ako kay Clhoe na sinusundot-sundot ang pisngi ko. Nakaramdam agad ako ng kaba dahil nandito na kami sa lugar kung saan siya nag stay 8 years ago, will I be able to see him again? Agghh, of course.

"The royal guards will take care of your luggages, so dont worry and follow me." sumunod naman kami kay Prince Louis papalabas at napa nga-nga ako pagkalabas dahil nandito na kami sa harap mismo ng palasyo.

Sinalubong agad kami ng napakaraming guards at sa tingin ko ay mga tao mula sa palasyo. Inilibot ko kaagad ang tingin ko para hanapin siya pero hindi ko siya makita sa mga tao ngayon na nakapalibot sa amin.

Pagkatapos ng napaka habang paglalakad ay dumiretso kami sa Royal Hall kung saan ay nandon daw ang Former Queen at Future King ng bansa. Sa bawat yapak ng mga paa ko ay padagdag ng padagdag ang kaba ko, I cant think straight at nakaramdam ako ng hilo na muntik pa akong bumagsak sa sahig pero nasalo agad ako ni Prince Louis at tinanong kung okay lang ako, tumango naman ako at inalalayan niya ako sa paglalakad hanggang sa marating na namin ang lugar.

"My dear Louis!" napalingon agad kami sa babaeng sumigaw na kakapasok lamang ng hall, niyakap niya agad si Prince Louis at kita sa mukha niya ang pagod at lungkot.

"Grandma, you shouldn't be up." sagot ni Prince Louis.

"Where's that idiot brother of yours?" tanong ng Former Queen at sabay napalingon siya sa aming anim.

"Ohh my, you must be the legendary royalties of my Royal Academy. Im the former queen of this country, you can all call me Former Queen Felicia or just Grandma instead. You all must be tired from the ride so--" naputol ang sinasabi ni uhmm Grandma? ng may pumasok na lalaki sa loob ng hall, he's wearing a black suit na may gold na naka design dito, medyo magulo ang buhok niya dahil siguro sa pagtakbo niya papunta dito. Si..si...

"Sven!" napatingin siya sakin pati narin si Former Queen Felicia at gulat na gulat ang expression ng mukha niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tumakbo ako at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Oh no Louise--" rinig kong tawag sakin ni Prince Louis pero hindi ko siya pinansin at patuloy parin ang yakap ko kay Sven.

"Pardon me young miss but you just cant suddenly hug or touch the Future King like that without his permisssion." humiwalay agad ako at nag sorry din agad sa butler na kasama niya ngayon.

"Its alright Mr.Turnner. Hello, Louise.. long time no see..my dear friends.." sabi ni Sven at lumingon siya kila Alv at niyakap nilang lahat si Sven. Naiyak nalang ako at niyakap din silang lahat, we stayed like that for what seems like forever until the Former Queen asked if she can talk to Sven for a while. We all agreed at sabay silang lumabas ng hall, napayakap nalang ako kay Clhoe habang umiiyak.

Lahat ng negative feelings,thoughts, emotions na naipon sa puso ko ng eight years ay nawala nalang ng parang bula when I touch and see him again for the first time.

"Im glad that he's fine.. you can now be together forever Louise. Im so happy for you.." sabi ni Clhoe at niyakap ko siya ng mas mahigpit.

"Wahhh. I can't breathe Lou!" sigaw ni Clhoe at mabilis din namang ako humiwalay.

"Wahhh. Sorry Clhoe!"

Nagtawanan naman kaming anim at nagpugay dahil kasama na namin si Sven ngayon. Sakto namang lumabas si Prince Louis na halo halo ang ekspresyon na makikita sa mukha niya.

May naghatid naman saming anim sa sarili naming kwarto at pinagpahinga saglit, dahil mamayang gabi daw ay kasali kami sa royal dinner ng palasyo. May naghatid din naman samin ng snacks para may makain kung sakaling nagugutom na.

The TwentiethWhere stories live. Discover now