Katangahan o kasipagan??

155 21 20
                                    

"Ninja!! Maghugas ka na!" sigaw ng mahiwaga kong mudra sakin.

Oo NINJA talaga ang Nickname ko. Maniwala man kayo o hindi. Gustuhin niyo man o hindi. Yan talaga! Kakaiba noh? Syempre ganun talaga pag maganda diba?

Nagmula yan sa aking sobrang habang pangalan. Pero di ko na sasabihin kung anong buo kong pangalan. Kese nemen eh! Nekekeheye! enebeh!! :D

So ayun na nga. Dahil masipag ako at masunurin. Kaya naghugas ako ng pinggan. Syempre kasama yung mga baso at kutsara. Isama mo nadin yung kutsilyo.

Nung kutsilyo na yung hinuhugasan ko. Nahiwa yung daliri ko at syempre dumugo.

"Ate Ada nahiwa ako ng kutsilyo." sabi ko sa ate kong kadadating lang.

"Tanga ka kasi."  sabi niya.

"Tanga ka din." sabi ko din sa kanya.

"Tanga kayong dalawa." sabi naman ng isa ko pang ate na kadadating lang sa kusina.

"Tanga ka din." sabay naming sabi kay ate Dindi.

"Money for me." sabi ko.

Sabi kasi diba kapag sabay daw nagsalita magsasabi daw ng MONEY FOR US. pero syempre madaya ako. bwahahaha

"Money for me." sabi niya din.

"Anong kaguluhan to?" sabi ulit ng isa ko pang ate na kadadating lang din.

"Tanga kasi yan si Ninja! Ayan nahiwa ng kutsilyo."

"Di din. Kasipagan yun. Wag kang tanga." sabi ko sa kanya.

Ganyan kami pagdating sa asaran. Walang panganay at walang bunso. Ang mapikon talo. Cool diba? Pantay pantay lang. Except lang sa height at weight.

Ako nga pala ang bunso samin. At dahil nasalo na nila ang mga kapangitan. Kaya wala ng nakarating sakin. Charot lang :D

"At paano naman naging kasipagan yan?" tanong niya.

"Syempre kung di ako masipag. Hindi ko susundin yung utos ni mama. Kapag di sinunod yun. Hindi ako maghuhugas. Kapag hindi ako naghugas. Hindi ko mahahawakan yang kutsilyo. Kapag hindi ko nahawakan yan. Edi hindi ako mahihiwa. Kaya kasipagan yun." pagpapaliwanag ko.

"Ewan ko sayo." sabay sabay pa nilang sabi sabay alis.

Bwahahaha! Ako ang nagwagi! :D

Pero tama naman yung sinabi ko diba? Sadyang masipag lang ako :D

*******

Diary ng Isang DakilaWhere stories live. Discover now