BeerDay ni Kuya.

79 9 32
                                    

Nung July 28 borndey ng nag-iisa kong kuya. Oo nag-iisa -___- 4 kaming babae at siya lang ang lalaki. Mabuti nga hindi siya naging bakla eh xD

Ayun nga. Umaga palang wala na ko sa bahay. Kasama ko yung kaibigan ko na ex ni kuya. Hihihi :D

Nag apply kami. 17 palang ako kaya wala akong ibang choice na pwedeng pag applyan kundi fastfood lang. Syet lang kasi! Sa totoo lang, pangatlong try ko ng mag apply pero hindi ako tinatawagan! Kaya sa susunod kapag wala padin. Susunugin ko lahat ng inapplyan ko! Dejk lang. Mabait ako :)

Sinamahan kami nung isa niyang classmate dati na nanliligaw sa kanya. Kumbaga yun yung maglalakad samin para mas madali kasi madami siyang kilala na manager.

Describe ko pa ba siya? Okay maputi, siguro mga 5'5 ang height, mala goodboy ang peg, may itsura, at ang pinakagusto ko yung brown na brown niyang mata. Ang astig men! Lalo na pag natatamaan ng liwanag. Kitang-kita talaga. Sabi ko nga palit kami eh xD

Pagkatapos naming mag apply syempre umuwi na kami.

Kinagabihan nag inuman sila kuya. Di na uso handa noh. Ang tanda na niya eh :D

Habang sila nag iinuman at nag kakaraoke, ako naman nakiki.....PULUTAN hahaha xD yung tipong nilalayo sakin yung pulutan nila dahil ako lang daw nakakaubos. :D

Tapos ang astig nila kuya kasi habang nagkakaraoke sila nag reremix sila. Bigla biglang iniiba yung kanta tapos ang astig kasi sakto sa tono nung nasa karaoke. Nadamay pa nga yung sa mga kanta sa commercial ng shampoo eh.

Tapos yun xD

Tapos na. Hahaha xD

Diary ng Isang DakilaWhere stories live. Discover now