Naalala ko lang.

67 9 6
                                    

Naalala ko lang nung bata pa ko. Ang ganda ko. Ngayon kasi sobrang ganda ko na. Yun lang.

De joke lang! Hahaha xD

Eto talaga yung kukwento ko.

Nung pasukan kasi nung grade 3 ako. Masyado akong iyakin o mas tamang sabihing duwag ako. Basta iyakin ako nun! Ikaw ba naman pagtripan ng mga classmate kong babae eh. Yung tipong dadaan lang sa likod ko tapos sasabanutan ako! Eh dahil nga tatanga tanga at masyado pa kong inosente nun. Walang kilala, walang pumapansin at walang umaawat sa mga echosera kong classmate kaya ayun! Ako ang trip nila! Iiyak lang ako nun tapos titigilan nila ko kapag may teacher na.

Meron pa nga na nilista nalang ako kahit hindi ako maingay para lang asarin ako at umiyak. Basta trip na trip nila ko paiyakin! Ganun ba talaga ko ka-cute kapag umiiyak? Masyado nilang inaabuso ang maganda kong mukha. xD

Hanggang sa tumagal na may nakikilala na ko at puro lalaki pa. Mas lapitin kasi ako sa lalaki talaga.

Nung mga bandang kalagitnaan na ng school year at syempre marami na kong kaibigan at halos lahat kilala ko na. Mayabang na ko nun mga men! Di na ko umiiyak tapos close ko pa yung adviser namin at ang mas astig alam niyo kung ano?

Yung mga dating nangbubully sakin? Ako na ang nangbubully sa kanila! Bwahahaha! Kala nila ah! Lintek lang ang walang ganti! xD

Astig yung mga part dun na sila na yung nag sosorry sakin kapag sinasabi nila na di na nila ko kabate sa iba kong classmate :D

Jombagan ko sila eh! XD mabait kasi ako :D

Ginawa ko din yung mga ginawa nila sakin :D May time pa nga dun na nasa tabi na nung classmate kong isa sa mga nagpapaiyak sakin dati yung teacher namin pero dumaan padin ako sa likod niya at hinila yung buhok niya. Hahaha xD ang warfreak diba?

Pero dati pa naman yun. Di ko lang naman sila kabate! xD Tsaka mabait naman talaga ko. :) gumanti lang :D

Diary ng Isang DakilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon