Halo halo to.

75 12 11
                                    

Iba-iba ikukwento ko dito ngayon. Wala trip ko lang xD

Una kong ikukwento yung natakot ko yung ate ko. Naalala ko lang kasi yung mukha niya nun. Ang epic kasi! Hahaha xD

Ganito kasi yun. One time kasi  yung kwarto nila mama napundi yung ilaw. At gabi na nun nung napundi yun kaya wala ng mabilhan ng ilaw.

Pagkauwi ko nun galing sa galaan, dun ako tumambay. Di kasi ako takot at mas gusto ko sa madidilim na lugar. Ewan ko. Kung saan madilim, andun ako.

Ayun na nga, Nung magbibihis na ko narinig ko sila na nagkkwentuhan sa may sala. Rinig kasi dun sa kwarto. Tatlong hakbang lang naman kasi yung hagdanan namin. Eh may pagkachismosa ako xD kaya tumigil muna ko sa pagbibihis. Medyo nakayuko na ko nun kasi inaayos ko yung tokong ko. At kita ko sa may hagdanan.

Tapos nakita ko yung ate ko na paakyat. Nasa pangalawang hakbang na siya nang bigla siyang tumigil tapos nakatingin lang siya sakin. Hindi ko siya pinansin kasi akala ko nakita na niya ko kahit walang ilaw at akala ko din kaya siya tumigil kasi nakikitsismis din xD hahaha!

Ayun nga nakatigil lang siya na tulala sakin. At medyo luluwa na yung mata niya. Maya-maya tumakbo pabalik tapos sumigaw. Alam niyo sinigaw?

"Wahhhhh! Ate! May tao ba dun sa kwarto?"

Tawa ako ng tawa sa sa kanya nun. Kaya pala siya tulala kasi akala niya mumu ako xD

Nung sinabi ko sa kanyang ako yun, inis na inis sakin. Hahaha xD medyo maliit daw kasi yung nakit niya. Eh diba nakayuko ako nun kasi inaayos ko yung tokong ko?

Ang ganda pa ng pag takbo niya eh xD Hahahaha! :D

Okay tama na. Dun naman tayo sa pangalawang ikukwento ko.

Pangalawang ikukwento ko yung gagambang malaki.

Ayun nga. Nakahiga na kasi kami nun ng ate ko. Medyo dikit na kasi yung kama sa may dinding at dun ako sa gilid na yun. Nag wawattpad ako nun. Siya hindi ko alam ginagawa niya.

Tapos bigla nalang siyang tumili at dahil nagulat ako, halos mapatalon ako. At ang nangyari nadaganan ko siya.

Tili padin siya ng tili. Paano ba naman kasi may malaking gagamba na pala na gumagapang sa gilid ko hindi ko man lang napapansin.

Tapos nung umalis na yung gagamaba alam niyo sabi ng ate ko?

"Natakot sa boses mo ninja."

Yeah! Nahiya ako sa tili niya. Nagtex pa nga sakin yung gagamba sabi nahiya din daw siya.

Tapos nagrereklamo na nadaganan ko daw siya eh sa nakakagulat yung tili niya eh. Buti nalang maganda ko. Hahaha anong connect? xD

Okay tama na ulit yan. Dun na tayo sa panghuling ikukwento ko.

Ikukwento ko lang yung insektong feeling butterfly.

Nag cocomputer ako nun ng may lumilipad lipad. Di ko siya pinansin. Bahala siya diyan.

Hindi naman siya ipis. Basta insekto siya na kamukha ng butterfly. Basta yun na yun.

"Tanga ninja nasa bulsa mo na!" sabi ni kuya.

Ang suot ko nung short yung maluwag yung bulsa.

Hindi ako naniwala. Paano naman yun makakapunta yun sa bulsa ko diba?

"Tanga ayan nga oh!"

Makatanga naman to! Sarap kotongan eh!

Tinignan ko yung bulsa at hanep andun nga!

Tumayo ako nun at hindi ko alam kung paanong pagpag yung gagawin ko. Syet lungs kasi! Nakakabigla! Pero buti nalang natakot kasi lumipad ulit. Mabuti naman kung ganun!

Nakakatacute kaya! Hahaha xD ang tanga kasi ni kuya eh :)

The end.

Diary ng Isang DakilaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu