Ang pamangkin kong Malandi at ang Letter.

241 11 35
                                    

Ganito kasi yun. Kaninang hapon kasi nakatambay kami sa garahe habang kumakain ng mga kikiam, fishball, squidballs at kung ano ano pa.

Habang nakatambay kami sa garahe biglang tumatakbo yung pamangkin kong lalaki papunta sakin. 10 years old palang ata yun. Syempre nagulat ako. Alam niyo kung anong sabi niya?

"Ate ninja! Andyan yung crush ko! Kinikilig ako! Parang sasabog!"

Takte! Nagulantang ako sa sinabi niya eh! Hahaha xD ang landi niya! 10 years old palang siya ah! At lalaki pa. Ang alam ko pa naman pag lalaki malihim pero eto kakaiba! Sakin pa sinabi diba? Hahaha xD Syet lungs!

At dahil mabait akong tita! Pinagkalat ko yung sinabi niya! Hahaha! xD nakakatawa asarin eh :D pinapalapit pa namin yung crush niya sa kanya. Aba namumula! :D ang landi talaga! Hahahaha! xD

------

Tapos kani-kanina naman gumagawa ako ng letter para kay Boyfriend :D ang landi ko din diba? Hahaha xD

Ayun habang gumagawa ako, ang daming epal sa mundo!

"Ano ba yan! Dami mong alam!" Sabi ni Kuya.

"Sus! Pagganyan ganyan ka pa!" sabi ng isa kong ate.

Nakikitingin nalang sila nagrereklamo pa! Hmp! Sinabi ko bang tignan nila? At eto pa matindi!

"Ano yan? Sino may birthday?" Tanong ni papa.

"Anong birthday?"

"Ayan oh. Happy... 2nd... Ay bwisit! Kala ko kung ano na! Hayop ka! Kala ko birthday."

Hahaha xD ang adik ng tatay ko! :D At na hayop pa ko! Ang bait niya diba?

Ang daming epal diba? Mga insekyor lang sila eh :D

Diary ng Isang DakilaWhere stories live. Discover now