Bagyong Glenda..

99 13 19
                                    

Gusto ko lamang i-share ang aking kalagim-lagim at kalunos-lunos. Wait! Ano nga pala yung kalunos-lunos? Hahaha sareh! Di ko alam yun xD

Ayun nga. Ang aking sinapit sa hinayupak na bagyong yan! Di pa mamatay! (ewan ko kung namamatay yun)

Syempre kapag bagyo, may ulan at ang masama! Wagas yung hangin! Kala mo naubusan tayo ng hangin para magkahangin ng ganun kalakas. Galit lang?

Madaling araw palang. Wagas na wagas na yung hangin. Nakakatakot. Subra ba. Parang ipo-ipo lang. Tapos may nakita pa yung pinsan ko na natamaan ng yero. Katakot talaga mga fren.

Walang kuryente + walang internet + bumabagyo = NGANGA

Nganga talaga ko nun mga brad! Di ko matanggap! -.-

Tapos dahil pa sa abnormal na panahon na hindi ko alam kung may saltik ba o nakadrugs, Nagkasakit ako! Syet! Nagkakasakit din pala ko? Hahaha! Kala ko malakas ako. Pero malakas talaga ko xD

Pagkatapos kong magkasakit, lumipat sa ate ko. At pagkatapos niya, yung isa ko na namang ate. Pagkatapos niya ulit, yung isa ko pang ate. At pinahaba ko pa. Pwede ko namang sabihin na inisa-isa kaming magkakapatid. Hahaha xD ang adik lang!

At ayun nga. Dahil inisa-isa kami. Akala ko katapusan na namin. Pero joke lang. Di ako o.a. magisip. Minsan lang  xD

Ang hindi lang tinablan ang kuya kong baliw. Ewan ko. Di siguro kinaya yung pagkabaliw niya kaya ayun, umatras.

At isa pang may sayad ang kuryente. Ay yung meralco pala. Pagtripan daw yung kuryente dito samin.

Pagkatapos nung bagyo, magkakaroon na dapat kami ng kuryente ng mga 3pm ata yun. Alam mo yung tipong nakita na naming umikot yung electric fan. Edi syempre nagtilian sila. At saktong pagtili nila. Nawala ulit yung kuryente. Natakot ata sa boses nila?

At ayun. Wala na naman. Pinaramdam nga samin ng saglit. Yun talaga ang masasabi kong saglit. Putek! Halos 3 seconds lang!

At ayun na nga ulit. Nagkaroon kami ng kuryente ng 7pm. Edi okay na. Pero akala lang pala namin yun. Kasi kinabukasan ng tanghali. Wala na namang kaming kuryente. Tapos pagdating ng ng 5pm. Nagkaroon ulit. O diba? Ewan ko kung naka shabu yung mga taga meralco.

Pero buti nalang hindi na kami ulit nawalan ng kuryente. Kaso ngayon lang nagka internet! Kaya wala din! Medyo Nganga padin ako nung nakaraan.

Bonus story.

Inutusan ako kagabi ni Mama na maghugas. Edi syempre naghugas ako. Tapos nakita ako ng pinsan ko.

"May sakit ka ninja?" Bungad niya sakin.

"May sakit?" tanong ko.

"Naghuhugas ka eh."

Ah ganun?! Ngayon niya lang ba ko nakitang naghugas? O talagang ngayon lang ako naghugas? Hahaha xD

"Anong may sakit? Inutusan ako ni Mama. NO CHOICE ako. Anong akala mo? Hahaha."

Totoo naman eh. Wala kong choice. Mamaya maRATATAT COMBAT pa ako nun eh. Mahirap na.

Diary ng Isang DakilaWhere stories live. Discover now