Chapter 1: Him

50 7 0
                                    


A/N: I changed something, ginawa kong G-9 ang bidang lalaki at 15 yrs old na siya because of something important. Sorry.

***

08/02/2018 [Friday]
12:30- Lunch Time


Dahil wala akong balak na kumain ng tanghalian ay napagpasyahan ko na maglibot libot na lamang dito sa loob ng Paaralan namin na ang pangalan ay Divine High. Isa itong prestigious school na nangunguna sa lahat ng paaralan sa lugar namin. Ang Paaralan na ito ay sobra ding high-tech at talaga naman sobrang malago at malawak ang lupain sapagkat mayaman ang may-ari nito.



Naalala ko na naman ang problema na aking kinahaharapan, Ang pagiging isang magpapanggap. Iyong tipo na tao na kahit nasasaktan na, ay nagagawa pa din ngumiti. Iyong taong laging nakasuot ng maskara ng kasiyahan pero pagmag-isa na, ay doon lang lumalabas ang katotohanan.


Nakakasakal

Yung pakiramdam mo na minuminuto ay may bagay na nakahawak sa leeg mo na pinipigilan kang huminga. Unti-unting nakakaubos ng hangin at dahan-dahang nakakapagpapikit ng mata. Pero at the end, Buhay ka parin, Hindi pa din tapos ang problema.


Habang nagmumuni-muni at bumubuntong hininga, ay nakarating ako sa isang mapayapang lugar dito sa paaralan. Wala kang makikitang tao sa lugar na ito dahil kalimitan lamang may napapadpad dito. Ang lugar na ito ay napapalibutan ng mga halamang na siya namang nagbibigay kulay sa boong paligid. Sobrang payapa ng lugar na ito at sariwa din ang hangin. May makikita ka din na mga paru-paro dahil ng mga bulaklak sa paligid.




Tinawid ko na ang distansya sa pagitan ng gazebo sa paaralan. Mayroong pabilog na upuan duon na nakadikit sa puting kahoy na pader at magkaka-dugtong ito at sa gitna naman ay may lamesa na may disenyo pang mga bulaklak. Isa ito sa mga prepektong lugar upang mag-aral o di kaya'y magmuni-muni, katulad ng gagawin ko.


Sumandal ako sa pader pagkatapos ko maupo at pinikit ko na ang mata ko para tahimik na makinig sa mga huni ng ibon, pag-sayaw ng dahon ng mga puno, ang tahimik na tunog ng hangin at isang boses ng lalaki.



Teka, boses ng lalaki?



Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko agad ang isang lalaki na nakatayo sa harapan at parang nagulat ang ekspresyon sa mukha. Agad ko naman ito tinanong ng 'bakit?'


"Ahh, sorry po miss. Akala ko po kasi ay natutulog kayo hehe. Ano nga po pala ang pangalan at grade nyo?" Usisa nito at naupo sa bandang kaharap ko. Dahil sa kinausap na naman ako ni ito at ayaw kong magmukhang mataray ay sinagot ko na lang ito ng mas kaaya-aya na 'sagot' kuno.


"Hindi ba mas mabuti na ikaw muna ang magpakilala?" ani ko sabay taas ng kilay. Agad naman itong nagtaas ng kamay na parang makikipag-kaibigan at ngumiti ng matamis.


"Ako nga po pala si Kent Russel Lim ng Grade-9 Pinnacle! 15 years old na po ako at tawagin nyo na lang po akong Russel!, kayo naman po ate-?"  sabi nito na nagaabang ng pagpapakilala ko.


"Grade-11 Empire, 17" sabay tingin sa kaniya ng parang bagot na bagot


"Eh ang pangalan niyo po ate?" Tiningnan ko lang siya ng deretso sa mata at sinagot ang isang salita na nakapagpa-usbong ng kaniyang labi na akala mo naman ay parang pato...


Running after Him 《Wattys2018》(HIATUS)Where stories live. Discover now