Chapter 3: His Smile

35 4 0
                                    




***

O8/06/2018- [Tuesday]
6:50- P.E. Class

3rd POV

Naglalakad ng magkakasama sina Aiz, Nic, Pat, at Anje papuntang gymanasium dahil oras na ng klase nila. Habang naglalakad ay inuusisa pa din ng magkakaibigan kung sino ang nagugustuhan ni Aiz na siya namang laging tinatanggi ng huli. Pagkapasok ng gym ay naupo ang klase sa bleachers at nagsalita naman ang guro.

"Today class, Maglalaro kayo ng Volleyball kasama ang dalawang seksyon ng G-9. Una ay paghihiwalayin ko ang girls at boys. Tas sa girls at boys ay paghihiwalayin ko ulit at magkakalaban ang parehong genders. Ibigsabihin ay magkakaroon tayo ng dalawang winners, One girl team and one boy team. Paghihiwalayin ang girls into 4 groups samantalang ang boys naman ay 5 groups. Magbubunutan tayo para malaman ang pagkasunod-sunod at dahil hindi pantay ang sa boys, isang papel sa bunutan ay may nakasulat na 'Finalist', ibigsabihin ay deretso na itong makakalaban ang nanalo sa apat na grupo. Ang mga matatalong boys and girl team ay maglalaban ulit at ang matatalo duon ay maglilinis ng gym for today only but don't worry may grades naman kayo. Ang mga mananalo naman ay paghihiwalayin ko para turuan ang mga G-9 pagkatapos nilang maglaro kalaban ang isa't-isa. Understood?"

[de bale, ang unang seksyon ng G-11, ang para sa unang seksyon ng G-9, ang pangalawang seksyon ng G-11 ay ang magtuturo sa pangalawang seksyon ng G-9, ang pangatlong seksyon naman (section nila Aiz) ay ang magtuturo sa pangatlo at pang-apat na sek...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




[de bale, ang unang seksyon ng G-11, ang para sa unang seksyon ng G-9, ang pangalawang seksyon ng G-11 ay ang magtuturo sa pangalawang seksyon ng G-9, ang pangatlong seksyon naman (section nila Aiz) ay ang magtuturo sa pangatlo at pang-apat na seksyon ng G-9 kasi sila ang pinakamaraming estudyante sa baitang 11. Ang iba pang seksyon ng G-11 ay para naman sa iba pang seksyon ng G-9. Ang G-12 naman ay ang bahala sa mga G-10.]


Sumagot naman ang klase ng 'opo' at pinaghiwahiwalay na sila ng guro. Pinagbunot na ang mga estudyante at ang kasali sa unang grupo ng mga babae ay sina Aizen, Nicole, at apat pang iba. Sa Group 2 ay si Anjella, at lima pa, samantalang group 3 naman si Patricia. Umupo na ang ibang grupo sa bleachers at naiwan ang group 1 and 2 ng mga babae at lalaki. Nagkaharap ang ang grupo nila Aizen, Nicole kina Anjella habang nasa kabilang bahagi naman ang mga boys.

Naunang magseserve si Aizen dahil grupo nila ang nanalo sa head and tails. Pagkapasok ng serve ni Aiz ay nagsimula na ang laro ng grade-11 IIISTEM. Habang naglalaro ang mga babae ay hindi nila napansin na pumasok na din ng gymnasium ang dalawang seksyon ng Grade-9 , G-9 IIIPetronas at G-9 IVPinnacle. Pinaupo din sila sa kabila pang bleachers at sinabihan sila na manuod ng laro at pagkatapos nuon ay maglalaro din sila ng girls at boys at maya-maya ay may magtuturo sa kanilang mga estudyante ng g-11.

Aizen's POV

Lamang ng dalawang puntos ang kabilang team kasi naman ay nandun ang dalawang kaklase naming kasali sa varsity, samantalang sa team namin ay walang magagaling, in other words, Average lang kami. Nagserve ang kalaban at nasalo ko naman ito ng maayos at naipasa sa setter namin. Na-set naman nito ng ayos ang bola kaya naspike ito ni Nicole. Ang problema na block ng kabila ang bola namin at hindi namin ito naagapan kaya tumama na ang bola sa lapag, lamang na tuloy sila ng three points, tssk!

Running after Him 《Wattys2018》(HIATUS)Where stories live. Discover now