Chapter 6: In Love

27 4 0
                                    




***

08/08/2018- [Thursday]
5:20 am- School


Tahimik pa ang paligid ng paaralan dahil wala pang ni isang estudyante ang naririto. Madilim pa ang paligid kasi hindi pa sumisikat ang araw. Ang nandirito lamang ay ang mga guards at mga maghahandle ng mga pagkain sa cafeteria ng school. Napa-buntong hininga nalang ako at naglibot libot sa school.

Hindi ko namalayan na sa paglilibot ko ay mararating ko ang lugar kung saan una ko siyang nakilala. I look at the gazebo in front of me, katulad ng dati ay hindi kumukupas ang kagandahan at kapayapaan na idinudulot nito. However, unlike before, hindi na ako mapayapa. Tinitigan ko ito at ang mga magagandang bulaklak na dati ay nakapag-bibigay saya sa akin... Pero bakit ngayon hindi na?

Bumuntong hininga nalang ako at naisipang umalis na. I went back to our building in a slow pace. Nililibot ko ang paningin ko sa iba't-ibang gusali ng mga college students dito. Ang daming lugar na magaganda na pwedeng-pwede kong libutin ngayun din since wala namang ibang tao pa pero hindi ko ginawa. At bakit? Kasi wala ako sa mood.

Bakit nga ba ang aga-aga kong pumunta sa school? Tulog pa sigurado ang pamilya ko pero 3:30 ako nagising kaya't naisipan ko na pumasok nalang. Nagiwan nalang ako ng papel na nagsasabing 'Nagbike na ako papunta sa school' at 'labyu'. Napansin ko nalang na nakarating na pala ako sa entrance ng highschool department. Pumasok na ako at naglakad-lakad papa-akyat ng hagdan. At kahit ibang level ng hagdan ang tinatahak ko ay, naalala ko na naman ang nangyare dalawang araw nakalipas.

Naramdaman kong bumigat ang dibdib ko, ipinilig ko ang aking ulo at sinubukan kalimutan ang pumapasok na senaryo sa utak ko. Scenario kung saan, nakasandal ang isang babae sa pader at may lalaki na nasa harapan niya at nakasandal ang kamay sa pader malapit sa mukha ng babae. Sweet. Pero bakit ang sakit?

Nilagpasan ko na ang dalawang classroom ng grade ko at pumasok na sa classroom namin. Patay pa ang ilaw pero maayos naman ang  pwesto ng mga silya. Binuhay ko na ang aircon at ginawang max eto pero iniwan kong patay ang sindi ng ilaw. Lumakad ako papunta sa pwesto ko at umupo na duon. Nilabas ko ang phone ko at sinaksak ang earphones syaka ng play ng sad songs.

Bakit nga ba ako nagluluksa? Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Hindi ko mapapansin pero lagi nalang akong bumubuntong-hininga, mapapatitig sa kawalan at laging lutang ang isip. Alam ko sa sarili ko na may problema ako, pero ano nga ba iyon? Dahil sa pagkalito sa sarili, napagpasyahan ko nalang na itulog ito, since maaga pa naman afterall.

~50 minutes later~

"Huy pakopya ng assignments natin! Daliiii ayaw kong mapatayo ng wala sa oras!"

"Assignments? Meron tayong ganun? Di ko maalala!"

"Luh naman! Ano pa bang inasahan ko sayo? Maghanap ka na nga lang ng makokopyahan natin!"

"Sino matalino dyan? Hoy ikaw matalino ka ba? Patingin nga! Baka  naman mali-mali yang sagot mo! Ichecheck ko lang sagot mo sa Math!"

"Gagō kala mo sakin, Bobo?"

"Bahala kayo dyan ahahaha! Mga di kasi nakikinig!" unti-unti akong nagising dahil sa ingay ng mga kaklase ko. Tinaas ko na ang ulo ko mula sa pagkaka-ub ub sa lamesa ko. Pinikit pikit ko muna ang mga mata ko para ma-adjust sa liwanag at kinuskos pa ito para mas lalong mawala ang antok ko.

Running after Him 《Wattys2018》(HIATUS)Where stories live. Discover now