Chapter 2:Her Life

27 5 2
                                    



***

08/05/2018- [Monday]
Chu's House


"Aizeeen! Gising na! Malalate na kayo ng kuya mo sa school!" narinig kong sigaw ng mommy ko.




Actually kanina pa naman ako gising, hinihintay ko lang na tawagin ako para makabangon na. I went to my restroom para makaligo na, after that i went downstairs para makakain na. Naabutan ko ang nakakatandang kuya ko na nakaboxers pa at kumakain na. Siya si Kuya Aivin, 1 year lang ang gap niya sa akin pero mas matanda pa akong magisip dyan kasi isip-bata siya.




"Bilisan mo na diyan kuya, ang bagal bagal mong kumain tas hindi ka pa naliligo oh!" sermon ko sa kaniya sabay upo sa tabi niya at kumain na din.




"Loool~ oo na! Excited na ako makita si trix baby koo~" kinikilig na awit nito. Tssss, bakla talaga. Ano bang ginawa ko para mabiyayaan ng dalawang nakakatandang baklang kuya? Isa lang yung matino eh, yung panganay.




"Anong ulam?" Narinig kong sabi ng sunod na nakakatandang kuya ko na Aizon naman ang pangalan




"Pagkain" sagot ko sa kaniya at tinuloy na ang paglamon. Napansin ko naman na sumimangot ito at umupo na para kumain. Si Kuya Agilio naman ay nasa maynila kasi dun siya nagtratrabaho bilang accountant. Si kuya Aizon naman ay first year college ULIT kasi three times na siyang naging first year, papalit-palit kasi ng course yan tuloy di na nakakagraduate.



"Kamusta pag-aaral Aiz?" tanong ni kuya Aizon na sinagot ko naman ng


"Ayos lang, kaw kuya Avi?" pasa kong tanong sa kuya kong kasalukuyang iniisip na naman siguro si Trixie Cassie Ferell na siyang iniibig nya kasi mukhang tanga na naman itong nakangiti.


"Hahahaha sobrang saya kasi nakikita ko ang masungit na sweet na mukha ni trix baby ko~" pareho naman kaming napa-cringe ni kuyo Aizon. Lumapit pa ito sa akin at bumulong


"Baliw talaga yang kapatid natin Aiz" naaaasiwa pa nitong sabi. Natawa ako at bumulong din sa kaniya.


"Anong gagawin natin kuya? Dalhin na natin sa mental?" umiling ito at sinabing "Hindi na kakayanin yan ng mental, patayin nalang natin"


"Sige pagplanuhan natin yan mamaya kuya" sabay pa kaming natawa at nag-apir. Narinig kong sinigawan na kami ulit ni mommy kaya naman binilisan na namin ang pag-kilos. Nagpaunahan na ang dalawa kong kapatid sa cr at umakyat na ako para magayos ng sarili. Pagkababa ko ay naabutan kong kakatapos lang ni kuya Aizon na magsapatos.


"Kuya, sabay na kami sa sasakyan mo ha?" Tumango naman ito at lumapit kay mommy para kumuha ng baon, humalik at nagpaalam.


"Mommy bye na po, i love youuu~" hinalikan ko ito sa pisnge at niyakap pagkatapos ko din kunin ang baon ko.


"Bye anak ko, i love you too, ingat ka sa school. Aivin! Bilisan mo na diyan! Sasabay kayo sa kuya niyo!" nasinagot naman ng kuya ko ng "Opoo!"


Lumabas na ako ng bahay at naabutan si kuya Aizon na nakasakay sa Montero sports niya at hinihintay kami. Sumakay na ako sa backseat at hinintay ang napakakupad at bagal naming kapatid. Maya-maya ay sumakay na ito passenger seat at nakipagdaldalan na kay kuya Aizon. Nagplay naman sila ng kanta at unti-unti akong inantok dahil late na akong nakatulog kagabi.




Running after Him 《Wattys2018》(HIATUS)Where stories live. Discover now