Chapter 4: About Him

23 4 0
                                    





***

08/06/2018- [Same day]
8:30 am- Clinic


"Ms.Aizen, gizing na. Tapos na ang 30 minutes." Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at sinanay sa liwanag. Napatingin naman ako sa nurse na niyugyog ako ng marahan at ginising sa isang malambing na boses. Kinuskos ko ang mga mata ko at nagunat para mawala ang antok ko pagkatapos ay umupo sa kama para mahimasmasan.

"Kung babalik ka na sa klase ay lalagyan ko lang ng pangtapal dyan sa nuo mo para hindi mahalata ang bukol at pamumula." Sabi nito at kumuha na ng pangtapal sa nuo ko sa drawer niya. Pagkatapos ay lumapit na ito sa akin at dahan-dahang may tinapal sa aking nuo. Pagkatapos ay yumuko ako para isuot ang sapatos ko at tumayo na.

"Salamat po Ate Nurse" ngiti-ngiti kong paalam sa kaniya at naglakad na pabalik ng gym. Wala pa masyadong pumapasok sa utak ko kasi kakagising ko lang. Wala as in, Clear na Clear ang utak ko ngayon.

Habang naglalakad ay naisipan kong tumalon-talon upang magising ang diwa ko at dahil ayaw kong magtagal ay binilisan ko na ang paglakad ko. Wala akong masyadong nakikitang mga estudyante kasi oras pa ng klase. Bago makarating ng tuluyan sa gym ay nadaan ko pa ang classroom ng kapatid ko. Kita mo ang mga estudyante sa loob ng classroom kasi kalahating bahagi nito ay salamin at kalahati naman ang pader, sa itaas bahagi ang salamin kaya kung maliit ka ay kailangan mo pang tumingkayad.

Dahil nabobored ako ay naisipan kong silipin kung anong ginagawa ng kapatid ko sa klase para mabiro ko siya mamaya sa bahay. Tumingkayad ako ng kaunti at hindi nalalayo sa pwestong sinilipan ko ang pwesto niya. Nasa bandang likuran siya at katabi niya ang kaniyang nililigawan na si Trixie. Napansin kong nauusap sila at hindi nakikinig sa klase. Napansin ko din na hawak ng kuya ko ang kamay ni trixie at pinaglalaruan eto habang nakangiti sa kaniya. Hindi ko naman kita ang reaksyon ni trix dahil nakatalikod ito sa akin at si kuya ang nakaharap. May sinabi si kuya at tumawa siya ng malakas na malanding tawa Ewwwww tas hinampas naman siya ni trixie na parang naiinis. Napansin kong bigla nalang nagulat ang mukha ng dalawa at sabay na napatingin sa harapan kaya napatingin din ako. Pfffffft! Napagalitan sila ng guro hahahaha! PDA pa more~

Napayuko sila at sinermunan kaya iling-iling ang ulo at napapatawa ay umalis na ako at tinuloy ang aking paglalakad. Habang naglalakad ay pumasok sa isipan ang ginawa ng kuya ko sa kamay ni trixie at ang pagngiti niya. Automatiko akong napa-cringe at nagkunyareng nasusuka, hahaha. Pero ni isang beses pumasok sa isipan ko maging ganuon kasama ang isang lalaki.

Never na pumasok sa isipan kong hawakan ni Russel ang kamay ko. Never pumasok sa isipan kong ngitian ako ni Russel ng ganuon. Never pumasok sa isipan kong ligawan ako ni Russel. Never pumasok sa isipan ko na maging kami ni Russel. At lalong never pumasok sa isipan ko si Russel-!

Omo! Wala sa sariling napahawak ako sa bibig ko at nanlaki ang mata. Bakit nga ba pangalan ni Russel ang pumasok sa isipan ko? Ang dapat na sinasabi ko ay 'Never pumasok sa isip kong kasama ang isang lalaki' hindi pangalan ng isang tao!


Nababaliw na ako, as in! Seriously! Iniling-iling ko ang ulo ko at hinampas ko pa para matauhan talaga ako. Thats right, naiisip ko lang siya kasi siya ang kauna-unahang lalaki na nakapasok sa comfort zone ko. Afterall, isa lang siyang stranger na nasabihan ko ng mga problems ko. He was just that, a typical stranger. Plus, nagwapuhan lang ako sa kaniya, hindi naman kasi karamihan ang super gwapo dito. May kunting may itsura daw- but hindi sila pasado sa taste ko. 'Taste daw? Ewwwww hahahaha'

Running after Him 《Wattys2018》(HIATUS)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum