Chapter 8

1.2K 20 0
                                    

"Sean , are you really sure about this ?" Tanong ni Lyza.

Sa kanila ako natulog nung gabing nag-away kami nila Daddy. Kinuha ko ang mga gamit ko , pinagkasiya ko sa dalawang maleta ko at pumunta dito kila Lyza.

"Gusto kong pumasok sa eskwelahan na iyon , Lyza. Walang makakapigil sakin." Sabi ko sa kanya , bumuntong hininga naman siya.

"So , walang a-attend sa iyo sa graduation ?" Tanong niya , umiling ako.

"Are you still going to the prom ?" Tanong niya , tumango naman ako.

"Hindi ko alam kung anong nakain mo at gustong gusto mo si Jupiter. He's a godamn playboy , Sean!" Bulyaw niya sakin.

"Malalayo naman na ako sa kanya , huli na to , promise." Sabi ko habang nakataas pa ang kanang kamay ko.

"Okay." Sabi niya nalang saka lumabas ng guest room na siyang tinutuluyan ko ngayon.

Mabuti nalang talaga at meron si Lyza kung hindi , hindi ko na alam ang gagawin ko. Baka natutulog na ako ngayon sa bangketa o sa kung saan at namamalimos.

Walang wala ako , as in wala akong pera , damit at gamit lang ang dala ko , wala ng iba.

"Sean , baba na. Kakain na tayo saka mags-shopping!" Sabi ni Lyza kaya naman lumabas na rin ako ng kwarto.

"Hi Sean , hinahanap ka ng Mommy mo , sabi ko narito ka at maayos naman ang lagay mo , hindi ka pa ba uuwi ?" Tanong ni Tita Emilia sa akin , umiling naman ako.

Kumain kami ng breakfast at nagpaalam na lalabas kami para bumili ng dress para sa party.

"Bring our driver." Paalala ni Tito Eric kaya sumunod naman kami.

Bumaba kami ni Lyza sa MOA at nagsimulang mag-ikot ikot. Maraming nagustuhan si Lyza , umiling naman ako.

"Lyza , wala akong pera para bilhin yan." Sabi ko sa kanya.

Iniabot niya naman sakin ang credit card na hawak niya.

"How did you get my credit card , Lyza ?" Tanong ko sa kanya.

"Your Mommy gave it to me." Sagot niya , natawa  naman ako.

"Pero ang sabi niya baka malaman din agad ni tito kaya mag withdraw ka na , if-freeze daw kasi ni tito yan pag nagkataon." Sa sinabi niyang yun , dun ako nabahala kaya dali dali kaming naghanap ng ATM Machine at nag with draw ako ng pera na kakailanganin ko para sa mga susunod na buwan.

"You withdaw how much ?!" Sigaw ni Lyza.

"200 , 000 ?" Patanong ko pang sabi.

"Sabagay naman kasi baka hindi ka na mabuhay sa susunod na mga buwan kapag wala kang pera. Kailangan pa natin ng apartment and suchs." Pagsang ayon niya.

Hapon na ng makauwi kaming dalawa , napakarami niyang binili samantalang ako isang baby pink cocktail dress lang.

"Alam mo talaga ang mga babagay sayo , huh ?" Sabi niya sakin habang sinusukat niya ang pangatlong damit na binili niya.

"Hindi ako pwedeng gumastos ng gumastos , Lyza. Baka ma-short ang pera ko." Sabi ko sa kanya , tumango naman siya.

Bukas na ang ball , busy ako sa paglalaro ng Sword Of Shadows sa laptop ko , nawiwili din kasi akong kachat si Master Jin. Ang gaan ng loob ko sa kanya e. In fact , nasabi ko rin na umalis na ako sa bahay at kung saan ako tumutuloy.

Master Jin : So , pupunta ka na talaga sa Zambales ?

Lady Lili : Yep. Nothing can stop me na.

Master Jin : Baka magkita kayo ng kapatid ko. She'll study there too.

Lady Lili : Sana nga para makilala na kita.

Master Jin : Soon.

Nang matapos na kaming magchat , natulog na rin ako. Kailangan ko rin ng beauty rest nu!

"Sean! Wake up! Wake up!"

"Lyza! It's still fvcking early!" Bulyaw ko sa kanya habang tinatakpan ang tenga ko gamit ang mga unan.

"Ala una na ng lmhapon , Miss Lili. At magpapa-ayos pa tayo , just so you know." Mataray na sagot niya.

Bumangon naman ako agad para makaligo at nang hindi niya ako dinadaganan diyan.

"I'm ready! But I'm a little hungry. Drive thru nga tayo kahit burger lang sa Jollibee." Sabi ko kay Lyza , tumango naman siya at sinabi sa driver na dadaan kami ng Jollibee.

Pagkatapos naming um-order , dumiretso kami sa Salon ni Tita Nicole.


"Ako na ang bahala sayo , iha. Seat back ka lang diyan." Sabi ni Tita Nicole habang inisprayan ang mukha ko ng moisturizer.


"Yes po." Sagot ko.

"You love gray ? Pero anong suot mo mamaya ?" Tanong niya , tinuro ko ang nakasampay na pink cocktail dress na nandun.

"Oh! I'll put pink highlights on your gray hair." Sabi niya saka pumalakpak.


When he was about to start.

"Tita! Long time no see!" Oh! That voice!

"Jamaica ? Student's ball din ?" Tanong ni Tita , tumingin naman ako kay Jamaica at nakita ang masamang tingin niya sakin.

"Tita , what the hell ? What is she doing here ?!" Tanong ni Jamaica , tinaasan ko lang siya ng kilay.


"Dito sila pumunta ni Lyza , mag-paayos  ka na kay Fernie diyan." Sabi niya kay Jamaica , nakasimangot naman itong sumunod.


"Tingin sa taas." Utos sakin ni Tita , sinunod ko naman ito.


"Perfect! Pili ka dito ng false eyelashes." Turo niya sa isang box na may false eyelashes.

Tinuro ko naman iyong mahaba at makapal na false eyelashes para maganda.

Dinikit niya ito sa lid ko at viola!


"You're done! Isuot mo na yung dress mo." Sabi ni Tita kaya pumunta ako sa comfort room at sinuot ang dress ko.



Maganda at bumagay sakin ang binili ko , sumakto din at bumagay ang pink highlights sa gray kong buhok , sabi ni tita washable daw ito. Medyo nahihirapan nga lang ako dahil sa baby pink colored heels ko.


"You're so beautiful!" Sabi ni Jupiter habang direktang nakatingin sa mga mata ko.


"Uh , thank you." Sagot ko.


Nilahad niya ang kamay niya at kinuha ko ito. Madali akong magpatawad , ang Diyos nga nagpapatawad , ako pa kaya ?


"You look really gorgeous , Sean." Bulong niya saking ng sumakay kami sa sasakyan niya.



Vote & Comment!

Always Rejected ✔ | UNDER REVISIONKde žijí příběhy. Začni objevovat