Chapter 10

1.4K 19 4
                                    

"Ang tanga tanga ko! Sobrang tanga ko!" Sabi ko kay Lyza nang ginising niya ako.

Nandito parin kami sa sasakyan hanggang ngayon. Kakagising ko lang dahil kakarating lang din naman namin dito sa bahay nila Lyza.

"Bakit ka naman naging tanga , aber ?" Tanong niya habang tinataasan ako ng kilay.

"That guy! He's Master Jin! Look at this handkerchief." Sabi ko saka pinakita ang panyo sa kanya.

Napatakip naman siya ng bibig niya.

"Oo nga! May nakaburda ngang Master Jin sa panyo! Shem! Ang bango! Edi sana nakita mo na siya diba ? Tanga ka nga!" Natatawang sabi niya sakin pero naiyak nanaman ako.

"Hey , stop crying. Akyat na tayo sa kwarto mo." Sabi niya sakin saka ako inalalayan.

Lusaw na lusaw na ang make up ko pagtingin ko sa salamin. Para na akong demonyo , sana hindi siya naturn off sakin.

"What are you thinking ? Si Jupiter nanaman ba at yung epokrita niyang ex ? Sabi ko naman kasi sayo , tama na. Alam mo naman na manloloko siya diba ?" Pangaral niya sakin , umiyak lang ako ng umiyak.

"Ang malas mo naman sa pag-ibig pero ang swerte mo kay Master Jin mo ah ? Akalain mong nandun siya ?" Natatawang sabi ni Lyza.

Speaking , agad akong nag log in sa game pagkalabas ni Lyza ng kwarto para magpasalamat sa kanya.

Lady Lili : Maraming salamat dahil sa kanina. Sorry kung ang panget ko.

Master Jin : I saw you even before make up ruined your face , so I know you're very beautiful. Cheer up! You want me to sing for you ?

Lady Lili : How ? I don't even know your number or your name. :(

Hindi na siya nagreply , but after 10 mins. biglang nag ring ang phone ko.

"Hello ?" Sagot ko sa tawag.

"I have my ways , baby." Sabi niya sa isang napakalambing na tono.

"I don't know how you get my number but thank you. Thank you for always saving me." Sabi ko sa kanya.

"You want me to sing for you until you fall asleep ?" Tanong niya.

"Yes , please." Sabi ko bago humikab.

"Pagpasensiyahan mo na ang boses ko dahil hindi talaga ako singer." Natatawang sabi niya kaya natawa din ako.

"Sa libo libong pagkakataon , na tayo'y magkasama. Iilang ulit palang kitang , nakitang masaya. Naiinis akong isipin na ginaganyan ka niya , siguro ay hindi niya lang alam ang yong tunay na halaga." Kanta niya sa chorus ng halaga sa sobrang lambing na paraan kaya nahila na ako ng antok.

"Good Night , Baby. Sweetdreams." Sabi niya bago ako tuluyang nakatulog.

                                   ~ ♡♡♡ ~

"Kagabi lang umiiyak ka tas ngayon ngingiti ngiti ka ? Bipolar ka ba ?" Tanong ni Lyza sakin habang kumakain kami ng breakfast.

"Hindi naman pwedeng magpadala ako sa emosyon ko. Kailangan kong ipakita sa kanila na matatag ako." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Eh bat yang ngiti mo mukhang kinikilig ?!" Tanong niya habang tinuturo pa ako gamit ang tinidor.

"Wala." Simpleng sagot ko bago nagpatuloy sa pagkain.

After naming kumain , dumiretso kami sa gym kung saan kami nagg-gym. Gaya ng dati nandun ulit si Kuya Finley but this time may kasama siyang babae.

"New chicks e ?" Asar ni Lyza , natawa naman siya.

"Tsk. She's my new girlfriend." Pagtatama niya sa sinabi ni Lyza tumingin naman siya sakin , nginitian ko siya.

"Kamusta ?" Tanong niya sakin.

"Okay lang. Sino nga palang panalo ?" Tanong ko habang sini-set up ang treadmill.

"Uhm. Nagkagulo kasi nung umalis ka e. Ikaw ang nanalo pero ayaw pumayag nung Figuerez dahil umalis ka naman daw ng ball kaya sabi ng emcee para walang problema , wag nalang mag-elect ng princess & prince of the night." Natatawang kwento niya.

"They loved you eh ? Parang kailan lang nung hangin palang ang tingin nila satin." Natatawang sabi ni Lyza habang nagsisimula na sa treadmill , kaya nagsimula na din ako.

"I guess this is my last day here in Manila." Madamdaming sabi samin ni Kuya Finley ng makaalis yung so called girlfriend niya.

"Why ? Where are you going ?" Tanong ko habang tumatakbo parin.

"Pupunta na akong Korea. Kayo dito , umayos kayo , okay ?" Sabi niya samin saka piningot ang magkabilang
tenga namin ni Lyza.

"Aw! Hindi mo kailangang mamingot!" Sigaw ni Lyza at ini-stop ang treadmill kaya tumigil na din ako.

"I'll miss you." Sabi niya saka kami niyakap , niyakap din naman namin siya pabalik.

"Pasalubong namin , huh ?" Sabi ko sa kanya , tumango naman siya.

"When's your flight ?" Tanong ko.

"Mamayang gabi. Around 10pm." Sagot niya.

"Hm. Paano ang studies mo?" Tanong ko ulit.

"Puro ka tanong , well mag momodule ako." Sabi niya.

"Hindi na nga ako magtatanong. Grabe ka sakin." Nakangusong sabi ko sa kanya bago umalis sa yakap niya.

"Babalik din ako , okay ?" Sabi niya saka ginulo ang buhok ko.

"Nasa Zambales na ako pagbalik mo." Sabi ko.

"Pupuntahan ko kayo dun." Sabi niya bago umalis.

Akalain mong aalis pala siya ? Uh , I'll miss him.

                                 ~ ♡♡♡ ~

"Sean , aattend ka ng graduation ceremony diba ?" Pilit ni Lyza.

"Nawalan na ako ng gana. Sino namang aakyat sakin ? Ayaw naman na sakin ng pamilya ko." Sabi ko sa kanya.

"Edi si Mommy at Daddy nalang kung ayaw nila Tito at Tita. Sige na , pareho pa tayong valedictorian e." Pilit niya sakin.

Bukas na ang gradution , hindi na ako pumapasok dahil practices lang naman ang ginagawa. At isa pa masiyado na akong para magpakita pa dun.

"Okay , fine. I'll go." Pagsuko ko sa kakulitan niya , siya naman itong nagtatalon dahil  sa tuwa.

Inabot niya sakin ang damit at toga na gagamitin bukas.

"Alam mo naman na sigurong gagawin mo diba ?" Tanong niya , tumango naman ako.

Hindi na ako aasa na dadalo pa sila , ni hindi na nga nila ako kinakamusta. Parang hindi na talaga ako parte ng pamilya nila.

Song : Halaga — Parokya Ni Edgar ❤

Vote & Comment!

Always Rejected ✔ | UNDER REVISIONHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin