Chapter 44

909 13 0
                                    

"Lili , pupunta parin tayo. Hindi natin pwedeng palampasin ang Korea!" Pilit ni Dred , kinuwento ko kasi sa kanya na hindi parin ako pinapansin ni Finley.

"Hindi naman na siya siguro sasama kung pupunta tayo no ?" Tanong ko sa kanya , nagkibit balikat lang ito.

Nang matapos kaming mag shopping ni Dred , hinatid ko siya sa bahay nila at ako naman ay umuwi na sa condo.

Nadatnan ko doon ang ilang mga lalaki at may mga babae rin na halos maghubad na doon.

"Miss , ikaw ba yung katulong ni Fin ? Can you get us ice for this ?" Tanong ng isang babaeng nakapula , tumango ako at kumuha ng yelo sa ref saka inabot sa kanila.

Nakasalubong ko si Finley pero hindi niya din naman ako papansinin kaya hindi ko din siya pinansin.

Nagbihis ako para makaalis , ayoko dito. Kila Ely nalang ako , bukas naman na kami aalis papuntang Korea e.

"Hey yaya! Where are you going ?" Tanong nung babaeng nasa kandungan ni Finley.

"Hell , wanna join ?" Tanong ko saka umalis doon sa loob ng condo.

Dali dali kong tinext si Ely para doon ako matulog ngayon.

To : Ely

Pupunta ako sa inyo ngayon. Diyan ako matutulog , pls.

She immediately replied , okay naman kaya pumunta ako doon , sumakay ako ng taxi.

"Miss , saan ka ?" Tanong ng Driver ng taxi.

"Uh , sa Highlands Subdivision po." Sagot ko.

"Baka Miss , pwedeng painitin mo yung gabi ko ? Ang lamig kasi e." Sabi niya saka may in spray sa aircon bago ako nawalan ng malay.

~ ♡♡♡ ~

Pagmulat ko nasa kotse ako , pero ibang kotse na , seriously ? Lagi nalang akong nawawalan ng malay.

"You okay ?" Tanong sakin ni Dred , tumango  naman ako.

"Muntik ka ng ma-rape kagabi , alam mo ba yon ? Pwede ka namang gumamit ng sasakyan ko pero ang tigas ng ulo mo." Nagulat akong napatingin sa driver's seat , si Finley yung nagd drive.

Napalingon naman ako sa nasa passenger seat , si Yuri Lan-di ? What is she doing here ?

"Anong ginagawa mo dito ?!" Bulyaw ko sa kanya.

"I'm joining you , duh ?" Sagot niya saka ako inirapan.

"Baba ako. Ihinto mo sa gilid." Utos ko kay Finley pero hindi niya ako pinakinggan.

"Pwede ba! Kung galit ka sakin dahil sa pag post ko ng video mo nung kailan , sorry na! Pero p*tan*i*na! Tigilan mo na ako! Kung gusto niyong mag date sa Korea , mag date kayo , ibaba mo na ako!" Galit na sigaw ko sa kanya pero may tumakip sa ilong ko at nawalan nanaman ako ng malay.

~ ♡♡♡ ~

"Nasaan  nanaman ako ?" Tanong ko sa sarili ko , hindi naman to mukhang ospital , mukha naman siyang condo unit ?

Baka binalik nila ako sa condo ? Pero hindi naman ito yung interior ng condo namin ah.

"Lumabas ka na at kumain." Nagulat ako na lumabas ng banyo si Finley , inirapan ko naman siya bago lumabas ng kwarto.

Nakita kong prenteng nakaupo sa sala si Yuri at Dred , nagkakamabutihan na sila , I guess ?

"Where are we ?" Malamig na tanong ko kay Dred.

"Were in Seoul , South Korea!" Masiglang sabi niya , para akong nanghina.

Paano ako nakapunta dito ? Wag mong sabihing dumaan kami sa pintuan ni Doraemon ? Omo! Sayang hindi ko nakita si Doraemon!

"Ang init ng kama lalo na pag si Finley ang katabi mo sa kama." Hindi ko alam kung sinasadyang iparinig sakin o sadyang narinig ko lang yung sinabi niya e.

Dumiretso ako sa kusina at kumain , buti nalang at marunong akong mag chopsticks.

"Pagkatapos mong kumain , pupunta tayo sa office." Sabi ni Finley saka umalis ng kusina.

Hindi ko naman siya sinagot at nagpatuloy nalang sa pagkain. After kong kumain , naligo at nagbihis ng isang plain white dress at white stilettos saka nilugay ang mahaba kong buhok.

Pagkalabas ko ng kwarto , wala na sila Dred at Yuri doon.

"Let's go." Malamig na utos niya saka naunang lumabas ng unit.

Sinundan ko naman siya kahit gigil na gigil na ako sa inis sa kanya!


[ I'm going to make the language in english because I can't type hangeul really well , I'll revise it nalang , but for the mean time , english muna. ]

"Kung makikipagkita ka sa dinadate mo , babalik nalang ako sa condo." Malamig na sabi ko sa kanya.

Hindi naman siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa sasakyan.

Ni hindi man lang niya ako pinagbuksan.

Sobrang tahimik ng biyahe namin mula sa condo building hanggang sa company building nila.

"Good Morning , Sir ! Good Morning , Ma'am." Bati ng guwardiyang nandun.

Ngumiti ako , samantalang yung kasama ko ? Ni hindi pinansin yung guwardiya.

If he's having Yuri in our condo , dapat may gawin din ako , hindi yung ako lang ang naghihirap dito. Hindi ako pwedeng magpatalo no!

Nagkunwari akong busy sa pagc cellphone kahit hanggang makarating na kami sa office niya. Napansin kong may picture sila dun ni Yuri , ubos na ang pasensiya ko!

Nagkunwari akong kinikilig , kahit na mukha akong engot.

"Hello ? Nasa Korea ako. —yep , we can go out pagbalik ko. — thank you sa effort. — kaya mahal kita e! — yes , see u soon , love!" Kunwaring sabi ko sa cellphone , kahit na wala naman talaga akong kausap.

May mga pumasok na koreano pero hindi ko pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglikot sa cellphone ko.

"This is Sean Lienne Arragoza —." Pakilala ni Finley ng pinutol siya ng isang koreanong may kulay blonde ang buhok.

"Perhaps , she's your wife ?" Nakangiting tanong nito.

Dahil nga inis ako , nilahad ko ang kamay ko , "Nope , I'm his friend , his wife is strolling around somewhere." Sagot ko ng hindi pinapansin si Finley.

"If you're single , I'm available , Sean." Sabi  niya sabay kindat , ngumiti naman ako.

"You can call me , Lili. —"

"You can go out now , I signed the contract." Putol ni Finley sa sasabihin ko , napairap naman ako sa kawalan.

Lumapit naman at bumulong yung lalaking kausap ko kanina , "He's jealous." Natatawang sabi niya kaya  natawa din ako at tumango.

Nang makalabas sila , nagphone lang ako ulit dahil hindi din naman ako papansinin ni Finley.

"Stop it." Napalingon ako kay Finley , naka squat siya sa harapan ko at nakatingin siya sa mga mata ko.

Vote & Comment!

Always Rejected ✔ | UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now