Chapter 24

909 10 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit ako nagpresintang mamalengke e. Siguro to get rid of Cyrille and Miguel.

"Manong , sa bayan po." Sabi ko sa tricycle driver na nakita ko sa labasan ng resort.

Nang makarating kami sa palengke , nagbayad ako pero sinabi kong hintayin ako saka pumasok na dun sa palengke.

"Gumatang ka , deng ?" Tanong ng isang tindera.

Ano daw ? Hindi ko maintindihan yung tanong niya.

I immediately dial Lyza's number kaso hindi naman sumasagot , uh! What am I going to do ?!

Finley Josch Calling ...

"Hello ?" Sagot ko sa tawag niya.

"Where are you ?" Tanong niya.

"Nandito sa palengke. Hindi ko maintindihan dialect nila. Paano ako makakabili ?! " Histeryang tanong ko sa kanya , narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya.

"Okay , papakinggan mo ako , okay ? Ngayon , ano bang lulutuin mo ?" Tanong niya.

"Ginataang gulay." Sagot ko.

"Ngayon , pumunta ka sa mayroong gulay. Tapos ang sabihin mo , Manang , adda pang ginataang gulay mo ?" Sabi niya kaya sinunod ko naman. Bahala na!

Pumunta ako sa aleng naglalako ng mga gulay at nagsalita siya.

"Ana gatangem , deng ? Gulay ?" Nakangiting tanong niya.

"Uh , adda pang ginataang gulay mo , ate ?" Tanong ko sa kanya.

May inabot siya sakin na assorted vegetables.

"Adda , ading. Tags-singkwenta dayta. Anapay ?" Tanong niya ulit.

"Ingkan nak tallo nga supot , ate." Sabi ng nasa phone kaya sinunod ko naman.

"Ingkan nak tallo nga supot , ate." Sabi ko sa kanya , binalot naman niya.

"Bigyan ko siya ngayon ng 150." Utos niya ulit , kaya binigay ko naman.

"Okay na." Sabi ko sa kanya.

"Ngayon , pumunta ka sa may mga nag-gagata. Alam mo naman siguro yun ?" Natatawang tanong niya.

Pumunta ako sa may mga nagkakayod ng niyog.

"I'm already here." Sabi ko sa kanya.

Always Rejected ✔ | UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now