Chapter 13

1.2K 16 0
                                    

"Lyza , babalik pa naman tayo dito! Hindi mo kailangan magdala ng ganyang kadaming damit!" Puna ko sa kanya kasi tatlong araw lang namin sa Zambales para sa enrollment at interview , dalawang maleta na ang dala niya at nag-aayos pa siya!

"Sean , go downstairs. Susunod nalang ako." Sabi niya kaya naman bumaba nalang ako at sa sasakyan nalang maghihintay.

Wala sila Tito at Tita dahil may importante daw na business meeting kaya maagang umalis.

"Manong , pakitulungan si Lyza sa gamit niya mukhang buong bahay po ang dadalhin e." Sabi ko kay Manong , natawa naman siya at tinulungan na magbuhat ng maleta si Lyza.

"Sa wakas! Natapos ka rin mag-impake!" Sabi ko sa kanya.

"Anong dala mo diyan sa backpack mo , hangin ? Sure ka bang yan lang ang dadalhin mo ?" Tanong niya , tumango naman ako.

Nang magsimula ng mag-drive si Manong natulog nalang kaming dalawa , ewan ko lang kung nakatulog tong kasama ko.

"Sean , wake up. Nandito na tayo sa condo." Sabi ni Lyza habang ginigigil ang pisngi ko.

"I know , Lyza. Nakikita ko." Sabi ko habang nakatingin sa isang napakatayog na building.

C H E N G     C O N D O M I N I U M S

"Sana may makilala tayo agad bukas sa interview." Sabi ni Lyza habang paakyat kami sa condo niya.

Makiki-condo muna ako sa kanya habang wala pa akong sapat na pera.

Maayos naman ang condo , may dalawang kwarto na sakto para sa aming dalawa. May malinis  na kusina at may banyo sa bawat kwarto plus may falt screen tv sa sala , nagpakabit din sila Tita ng sariling router dito sa condo niya.

"Ang ganda ng view." Sabi ko habang tinitignan ang veranda at ang city lights na sobrang ganda tuwing gabi.

"Good Luck satin sa pagpasok ng college." Sabi niya saka ako niyakap , niyakap ko din siya pabalik.

"Hindi ko alam kung san ako pupulutin kung wala ka." Sabi ko sa kanya , ngumiti naman siya.

Nang matapos kaming mag-ayos at magshower diretso tulog na din dahil nakakapagod ang biyahe kahit na nakasasakyan pa.

~ ♡♡♡ ~

"Sean , gising na. Baka malate tayo sa interview." Sabi ni Lyza sakin , kaya napabangon  naman ako agad , di pwedeng papetics petics lang.

Agad akong nagpalit ng jeans at simpleng tshirt plus nag sneakers nalang ako na vans.

"Bakit ang ganda mo kahit ganyan lang suot mo ?" Tanong ni Lyza sakin , nagkibit balikat  lang naman ako.

Nag-taxi kami paluntang Sebastian College na agad  din naming pinagsisihan dahil pwede namang tricycle nalang.

"Napakalapit lang naman pala! Pwedeng pwede pa tong lakarin e!" Sabi ni Lyza habang papasok kami sa loob.

Napakaganda , napakalawak!

"Uhm miss , saan po dito yung interview ?" Tanong namin sa isang babaeng nakajersey ng basketball , mukhang athlete pa ata to.

"Diretso lang kayo diyan tas nakalagay sa isang sign na interview." Nakangiting sagot niya habang nakatingin samin.

"Micah Angeline Realonda." Pakilala niya , ngumiti naman kami ni Lyza pareho.

Always Rejected ✔ | UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now