Chapter 16: What happened?

94 28 16
                                    

Kasalukuyan na kaming nagbabyahe pabalik sa Maynila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kasalukuyan na kaming nagbabyahe pabalik sa Maynila. Magkatabi parin kami ni Van ngayon, sina Janyn at Minchie kasi nandun sa kabilang sasakyan kaya eto pa rin yung seating arrangement namin.

Nakasandal lang yung ulo ko sa bintana at yung lalakeng katabi ko naman daldal nang daldal. Kulang nalang pati ako makain na ng bibig niya dahil sa sobrang daldal. Tss.

"Pwede ba, tumahimik ka muna?" Sabi ko sa kanya at tinitigan siya nang masama.

Napatigil naman ito at ngumiti sakin. "Sorry na. Ba't ba kasi ang init ng dugo mo sakin ngayon?"

"Tinatanong pa ba yan? Akala mo siguro nakalimutan ko na yung sinabi mo sakin kanina ha! Sarap mo talagang tirisin eh!"

Tumawa naman ito nang malakas pagkatapos ay hinila yung katawan ko papunta sa kanya at niyakap ako.

"Sorry na nga diba? Di ko naman alam na masyado kang sensitive my loves."

Anong my loves pinagsasabi nito? Kailan pa kami nagkaroon ng endearment ng lalaking to? Pero di bale na, kinikilig ako. Ay, hahaha.

"Oo na. Nakakainis ka lang kasi eh." Sabi ko.

Humiwalay naman siya sa pagkakayap sakin at tinignan ako sa mata. "Smile ka nga."

Pinilit ko naman yung mukha 'kong ngumiti.
"Eto, okay na?"

"Ano ba yan. Napilitan lang yan eh."

Napasimangot naman ako at akmang tatalikod na sana para tumingin nalang sa bintana pero agad naman niya 'kong inikot paharap sa kanya.

"I'm just joking. Wag naman masayadong tampururot Keigh."

Napabuntong hininga nalang ako at ngumiti sa kanya. "Okay, Van."

Pagkatapos ng ilang oras na byahe ay nakarating na din kami. Since ako naman daw yung may pinakastriktong magulang samin, eh ako na yung inuna nilang ihatid.

"Thankyou sa time guys, salamat din sa paghatid." Sabi ko sa kanila.

"Oy, Keigh. Sabihin mo sa papa mo na sumama talaga ako ha. Para wala na masyadong tanong sayo. Hahaha. Goodluck friend." Sabi naman ni Zowen.

"Oo na. Hahaha." Sabi ko nalang at bababa na sana sa sasakyan nang bigla akong hilahin ni Van pabalik sa kinauupuan ko.

Napatingin naman ako sa kanya nang may nagtatanong na mata. Imbes na sagutin ako ay inilibot niya yung mata niya sa mga kasama namin na hindi na rin nakatingin samin, especially sakin.

"Bakit, Van?" Tanong ko sa kanya.

Bigla naman siyang napatingin sakin at tinitigan na naman ako sa mata. Nanghihina talaga ako sa tuwing tinititigan niya 'ko sa mata.

"Kanina ko pa gustong-gusto gawin sayo to." Sabi niya at hinawakan yung mukha ko.

Napakurap nalang ako ng ilang beses nang maramdaman kong dumapo yung labi niya sa labi ko.

"Take care always Keigh." Sabi niya pagkatapos ay ginulo yung buhok ko at ngumiti.

Just wth bruu, yung ngiti niya. Ay hindi, hinalikan niya 'ko!

Tumango nalang ako sa kanya bilang sagot dahil ramdam na ramdam ko na namumula na talaga yung buong mukha ko sa ginawa niya.

Dali-dali akong bumaba at kinuha yung bagahe ko sa likod pagkatapos ay agad na pumasok sa bahay. Takteng Van yun, nilapastangan niya yung lips ko! Hmp.

"Dad, nakauwi na po ako!" Sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay. Naninibago tuloy ako sa bahay namin. Ilang araw din kasing wala ako dito.

Umakyat ako sa itaas at kumatok sa office ni dad pero pagbukas ko ay wala siya doon. Pati sa kwarto niya, wala din. Sigurado akong nasa school yun wala namang ibang pupuntahan yun eh.

Dahil napagod ako masyado sa byahe ay dumiretso nalang ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Nakakamiss din kaya yung kwarto ko! Hahaha.

Tumalon ako sa kama at nagpagulong-gulong. Di talaga ako makapaniwala na kami na talaga ni Van. Eh kasi naman, sino bang mag-aakala na isang Azy Keigh at isang Van Rein ay magkakatuluyan? Di nga kami nagpapansinan nun sa simula eh. Hay naku, nakakakilig na ewan.

Nasa gitna ako ng aking pagmumuni-muni nang biglang tumunog yung cellphone ko. Agad ko namang tinignan at sinagot yung tawag na mula kay Tita Rose.

"Hello po Tita."

"Hello, Keigh? Nasaan ka ngayon?"

"Nasa bahay po. Bakit tita?"

"Di mo pa ba alam ang balita? Saan ka ba kasi nagpunta?"

"Eh kasi tita, kakauwi ko lang po mula sa sembreak trip namin ng mga kaibigan at classmates ko kaya wala ako dito sa bahay."

"Naku, ewan ko sayo'ng bata ka. Dapat talaga binantayan mo yung papa russel mo eh. Alam mo namang matanda nato."

Bigla naman akong napatigil nang marinig ko ang pangalan ni papa.

"Bakit tita, anyare po ba kay papa?"

"Nasa St. Jude Hospital siya ngayon. Room 208, 3rd floor. Puntahan mo na siya rito, aalis narin kami kasi may trabaho din kaming aatupagin. Bilisan mo Keigh."

"Ganun po ba tita? Sige po sige po. Pupunta na po ako agad dyan. Maraming salamat po."

Pagkatapos na pagkatapos ay lumabas ako kaagad sa bahay at sumakay ng taxi papuntang St. Jude.

Pagkarating ko doon ay agad akong tumakbo papuntang elevator at pinindot ang 3rd floor kung saan ang room ni papa. Shit! Kinakabahan ako baka anong nangyari kay papa.

Pagbukas ng elevator ay hinanap ko kaagad ang Room 208 at kumatok.

Bumukas naman ang pinto at iniluwa si Tita Rose at ang pinsan 'kong si Jillian.

"Tita." Sabi ko nang mahina.

Tumango lang naman sakin si tita at tinapik ako sa pisngi. "Sige na Keigh, pumasok kana at ikaw na muna ang magbantay sa papa mo. Aalis muna kami."

Tumango nalang din ako bilang sagot sa kanya at tumingin kay papa na nakahiga sa kama.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan yung noo niya. Papa naman eh. Akala ko ba magiging okay ka kahit wala ako sa tabi mo? Sabi mo kaya mo ang sarili mo, bakit? Anong nangyari?

Pinahid ko yung luha na tumulo mula sa mata ko at umupo sa tabi ni papa habang hinahaplos yung buhok niya.

"Dad. Ano bang nangyari sayo? Nawala lang ako nang ilang araw nandito kana sa kwartong to."

Bumuntong hininga ako nang ilang beses at nagsalita ulit. Alam ko namang di niya ko maririnig dahil mahimbing yung tulog niya.

"Kahit na minsan di kita naiitindihan. Pinipilit ko pa ring intindihin ka. Kasi alam kong para sakin lang lahat yung ginagawa mo. Pero di naman ata sa lahat ng bagay masaya ako sa ginagawa mo para sakin Dad."

Tumayo ako at tinignan si Papa.

"Di naman sa lahat ng pagkakataon ay didiktahan mo ko, lalong-lalo na sa mga bagay na gusto ko."

"Just for once dad. Hayaan mo muna ako. Hayaan mo munang tumayo ako sa sarili 'kong mga paa. Hayaan mo munang maging masaya yung anak niyo." Sabi ko at tumalikod na para lumabas.

I'm Still Into You [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now