Chapter 17: Sam's Confession

89 26 15
                                    

Lumabas muna ako saglit at umupo sa upuan malapit sa kwarto ni Papa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lumabas muna ako saglit at umupo sa upuan malapit sa kwarto ni Papa. Tinawagan ko din si Van at sinabi sa kanya na nandito ako sa hospital ngayon. Pupuntahan daw niya 'ko agad-agad.

Patingin-tingin lang ako sa cellphone ko pagkatapos ay pipikit. Di ko alam anong gagawin ko ngayon. Nandito si Papa sa hospital at kami na ni Van. Di ko na talaga alam.

"Keigh."

Napatingin ako sa taong kakarating lang. Tumabi ito sakin at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Okay ka lang ba?"

Tumingin ako sa kanya pagkatapos ay tumingin sa kawalan. "Alam mong hindi, Van."

"Everything's gonna be alright Keigh. Wag kang masyadong mag isip. You need rest. Kakagaling palang natin sa byahe."

Napatingin ulit ako sa kanya. "Yun na nga Van eh. Nandun ako sa tagaytay, nagpapakasasa, nagsasaya, nakikipagtawanan tapos yung papa ko nandito sa hospital. Wala man lang akong magawa."

"Di mo naman kasalanan ang nangyari Keigh. Walang may kasalanan. Walang may gustong mangyari to. Relax, okay?"

Napapikit nalang ako at napatango. I hope so Van.

"Excuse me?"

Bigla kaming napatayo ni Van. Nandito yung doctor na naka-aasign kay papa.

"Doc? Ano pong nangyari sa papa ko?"

"You must be?" Tanong ng doctor sakin.

"Daughter doc." I sighed.

"You should be thankful kasi overfatigue lang ang nangyari sa pasyente. But he's stable now. You don't need to worry. Kailangan niya lang ng ilang araw na pahinga. He's old, so di na kaya ng katawan niya ang sobrang magpapagod."

Napapikit ako. "God. Thankyou very much doc."

"You're welcome. Sige, maiwan ko na kayo."

Napaupo ulit ako sa upuan.

"See? Di mo na kailangang mag alala masyado Keigh. Okay lang ang papa mo." Sabi nito.

Napangiti akong tumingin sa kanya. I'm very lucky to have him. I really am.

"Thankyou Van." I smiled.

Napakunot ang noo niya sa sinabi ko. "Huh? For what?"

"For being here. For being with me."

Ngumiti siya at sumagot. "Di mo naman kailangang mag pasalamat sakin. It's my duty. As your BOYFRIEND." Pagkatapos ay kumindat sakin.

Inemphasize niya pa talaga ang word na boyfriend eh. "Jerk." Sabi ko nalang at napatawa.

"Jerk? Pero mahal mo?" Sabi niya at napahalakhak ulit.

Napairap nalang ako. "Utot mo."

"Just kidding. Kain muna tayo sa caf? Babalik tayo agad para sa papa mo. Kailangan mo munang kumain."

Umiling ako. "No. I'll stay here."

"Don't be a hard headed girlfriend, Keigh."

Humalukipkip ako. "Sorry, but I am."

"Sasama ka sakin o I'll kiss you hard right here and right now." Ngisi niyang tanong sakin.

Bigla tuloy akong namula sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Gagawin niya yan dito?

"Fine. Bilisan lang natin." Sabi ko at tumayo.

"Takot ka pala sa kiss eh. Hahaha!" Sabi nito at tumawa ng malakas.

"Whatever." Nakangiti 'kong sabi at nagsimula nang maglakad.

---

It's been 2 days nang makalabas si Dad sa hospital. Nagpapasalamat akong okay na yung lagay niya. Sabi pa nga niya,

"Di pako mamamatay, di pako papapasukin sa langit."

Oh diba? Ibang klase talaga si papa.

Nawala ang pagmumuni-muni ko nang may tumapik sa balikat ko.

"Hoy! Tulala ka diyan?"

"Bakit? Bawal ba?" Sagot ko.

"Grabe! Ang sungit ng babaeng to." Sabi ni Sam at umupo katabi ko.

Anyway, nasa bench pala kami ngayon. Gusto ko kasing magpag-isa kanina, kaso dumating naman ang isang to.

"May sasabihin ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Yup! Meron nga."

"Spill." Sagot ko naman sa kanya.

Bigla naman itong napaayos ng upo pagkatapos ay biglang namula na parang nahihiya. Anong kaechusan ang nakikita ko?

"Uhm. Keigh?"

"Ano?"

"Alam 'kong maganda kayo tignan ni Van. I mean, bagay talaga kayo. At alam ko ring medyo close kayo at tinutukso ka nila Zowen kay Van. Pero.."

Napatitig ako sa kanya. Ba't may nararamdaman akong kakaiba sa sasabihin niya?

Napatigil ako nang hawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako mata sa mata. Kitang-kita ko sa mukha niya na seryoso siya sa mga sinasabi niya.

"Gusto ko si Van. I really like him! No, I think I'm in love with him. Keigh, di mo naman siya gusto diba? Alam ko namang wala kang gusto sa kanya, at di ka interesado sa kanya. Di ka interesado sa kahit kanino."

Wait. Di ko maprocess ang sinabi niya. Ano raw? Gusto niya si Van? No! Hindi pwede yun!

Mas lumapit siya sakin habang nakahawak parin sa kamay ko.

"Keigh.. Diba? Wala kang gusto sa kanya. Keigh, ngayon lang ako hihingi ng pabor sayo. Please, tulungan mo naman akong mapalapit sa kanya."

I frozed. Di ko alam ang isasagot ko sa kanya. Kami ni Van! Hindi pwedeng magkagusto siya sa kanya. Hindi ko pwedeng gawin ang pabor niya.

"Sam. Kailan ko nang umalis. May kailangan pa akong gawin. Sige." Sabi ko at agad na tumayo at naglakad palayo.

At ngayon may gusto na namang kumuha sa kaligayahan ko.

---

Nandito ako ngayon sa Mall. Nasa isang coffee shop to be exact. Tinawagan ko si Van na pumunta dito dahil may pag uusapan kami.

"Hey!"

Napatingin ako sa lalakeng kakarating lang. Messy hair, Black na V-neck and Faded jeans lang ang suot niya. Pero shet, ang gwapo parin niya.

"Nainlove kana naman ba sakin?"

Di ko namalayang nasa harapan ko na pala siya. Psh. Ang hangin talaga ng lalaking to.

"Late ka na nang 2 mins."

Lumapit ito sakin at hinalikan ako sa tuktok ng ulo pagkatapos ay niyakap ako.

"Kakarating ko pa nga lang, ang sungit mo na naman. Di mo ba 'ko namiss?"

Eto. Eto ang dahilan kung bakit gustong-gusto 'kong ipagdamot ang lalaking to.

"Namiss." Tipid na sagot ko para di halatang kinikilig ako.

"Yun pala eh!" Sabi niya at piningot ang ilong ko.

"Teka, ano ba ang sasabihin mo sakin?" Tanong niya at umupo sa tabi ko.

I sighed. Pagkatapos ay sinagot yung tanong niya.

"Van, we have a problem."

I'm Still Into You [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now