Chapter 25: EK

75 27 15
                                    

"Ano okay kana ba dito?" Tanong sakin ni Van pagkatapos niya akong ihatid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano okay kana ba dito?" Tanong sakin ni Van pagkatapos niya akong ihatid. Syempre, di na niya ko pwedeng ihatid sa harapan talaga ng bahay namin. Malalagot kaming dalawa kay papa.

"Okay nako dito. Malapit lang naman eh. Tsaka, kitang-kita naman na natin yung bahay ko mula dito oh. Kaya sige na umuwi kana rin." Sabi ko sa kanya sabay ngiti.

Ginabi kasi kami ng uwi mula EK. Si Van kase, nagyaya pang kumain bago umuwi.

"Sure ka bang okay ka lang dito? Pwede naman kitang ihatid dun eh, di naman tayo magpapakita sa papa mo." Sabi nito na may pag-aalala.

Napatawa naman ako. "Ano ka ba, oo nga. Ang kulit mo naman eh."

"Okay sige pero di muna ako uuwi habang di pa kita nakikitang nakapasok sa bahay niyo."

"Baby naman! Ang kulit mo. Okay na nga lang eh." Sabi ko sabay hampas sa braso niya.

"Sa ayaw at sa gusto mo ako ang masusunod." Sabi niya sabay yakap sakin. "Mamimiss kita."

Napayakap din ako sa kanya ng mahigpit. "Ano ka ba, magkikita pa naman tayo sa monday."

"Kaya nga, monday pa tayo magkikita. May sunday pa. Mamimiss talaga kita." Sabi niya ulit.

Naku naku. Kaya talaga ako nahulog sa lalaking to eh. Sobrang malambing kase! Kinikilig tuloy ako!

Bumitaw ako sa pagkakayakap namin. "Sige na baby, umuwi kana. Baka hinahanap na rin ako dun sa bahay."

Napasimangot naman ito at sinuklay ang buhok niya gamit yung mga daliri niya. Ang gwapo! Hmp.

"Okay sige. Kiss muna." Sabi nito sabay halakhak.

"Naman eh."

"Sige na kase. Isa lang naman. Ang damot mo." Tsaka hinawakan ang bewang ko palapit sa kanya.

"Oo na, sige na!" Sabi ko sabay kiss sa lips niya.

Hihiwalay na sana ako kaso bigla niyang hinawakan ang ulo ko para masubsob ulit ako sa kanya. Tumagal ng ilang segundo ang halik niya bago niya ako pinakawalan.

"Yan ang gusto kong halik, baby. Pang kinder yung halik mo eh. Nabibitin ako."

Hinampas ko siya ulit sa braso. "Ang landi mo talaga eh. Ewan ko sayo, sige na aalis nako. Babye!" Sabi ko sa kanya sabay wave sa kamay ko para magpaalam.

Ngumiti lang naman ito sakin at kumaway lang din.

Naglalakad na ko papunta sa bahay namin. Bahagya akong lumingon para tignan kung nandun parin siya sa pwesto niya. Nabigla ako, kasi nandun parin talaga siya! Sinenyasan ko siyang umuwi na. Pero sumimangot lang ito at umiling sakin. Napatawa nalang ako sa reaksyon niya.

Pagkadating ko sa harapan ng bahay namin ay agad akong pumasok. Bigla akong kinabahan. Ano kayang sasabihin 'kong rason kay papa? Hmp.

Pagkapasok ko sa sala ay wala akong nakitang anino ni papa kay medyo lumuwag yung dibdib ko. Aakyat na sana ako papunta ng kwarto nang biglang may nagsalita.

"Saan ka galing?"

Kagat labi naman akong lumingon. Alam ko na kung kaninong boses yun.

"P-Pa?"

"Sabi ko, saan ka galing? Bakit ngayon ka lang umuwi?" Tanong ulit nito sakin. Napatingin ako kay papa. Seryoso lang yung mukha niya. Mas lalo tuloy akong natakot!

"Uh, gumala lang po kami ni Zowen sa Mall kanina. May bibilhin daw kasi siya tapos sinama niya 'ko. Dun na din po kasi kami kumain kaya medyo nagabihan ako." Palusot ko sa kanya.

Napababa naman ang tingin niya sa hawak hawak 'kong teddy bear na bigay ni Van kanina. Napakagat labi ako nang marealize kong dala ko pala ito!

"Ano yan?" Tanong niya sakin.

Pumeke ako nang tawa. "Ah. Ha-ha! Ito po ba? Binili po namin ni Zowen kanina. Nagandahan po kasi ako sa kulay kaya binili ko na."

Akala ko may itatanong pa siya pero tinignan lang niya ako nang seryoso. Para akong nasa korte sa sitwasyon ko ngayon. Lagot na!

Nakahinga ako ng maluwag nang magsalita ito ulit. "Osya, umakyat kana at matulog."

"Okay po." Sagot ko nalang at binilisan ang pag akyat sa kwarto ko. Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay agad kong nilock ang pintuan at sumandal dito. Nakng, muntikan na yun ah. Akala ko malilibing nako ng buhay kanina. Hays!

Nilapag ko ang mga gamit ko sa kama at kinuha dito ang phone ko. Para na din matext si Van na nakauwi nako at wala na siyang dapat ipag-alala pa dahil di naman ako pinagalitan ni papa. Nagreply naman ito agad sinabing magpahinga na.

Nagshower muna ako saglit at nagbihis ng pampatulog bago humiga sa kama. Hays! Ngayon ko lang naramdaman ang pagod mula kanina. Napalingon ako sa teddy bear na binigay sakin ni Van. Bigla akong napangiti. Ang sweet niya talaga.

Kinuha ko ulit ang phone ko para tawagan siya. Ilang segundo lang ay sinagot niya agad ito.

"Hello?"

"Yes Baby?"

Napangiti ako nang bahagya. "Nakauwi ka na ba?"

"Ah, oo ngayon-ngayon lang. Bakit?"

"Wala lang. Saan ka ngayon?" Tanong ko habang yakap yakap ang teddy bear.

"Nasa kwarto na. Ikaw ba?" Tanong niya.

"Same. Baby, yakap ko yung binigay mo sakin."

"Hahaha. Talaga ba? Nagustuhan mo?"

Napangiti ako. "Oo naman. Gusto ko ngang bigyan siya ng pangalan eh. Ano ba maganda?"

Bigla naman siyang tumahimik sa kabilang linya.

"Hello? Andyan ka pa ba?" Tanong ko.

"EK." Sagot niya.

Napakunot naman ang noo ko. "Ha? EK? Anong EK?"

"EK nalang yung ipangalan mo sa teddy bear na yan." Sabi nito tsaka tumawa nang mahina. Tumaas bigla mga balahibo ko sa tawa niya. Ang husky kase.

"Ba't naman EK?"

"Eh kasi dun natin siya kinuha. Tsaka, maganda nga yan eh. Sa tuwing nakikita mo siya naaalala mo yung masasayang memories natin dun sa EK." Sagot niya.

"Oo nga no? Di ko alam na may pagka sentimental ka pala. Hahaha." Kantyaw ko sa kanya.

"Ngayon lang to. Hahaha."

"Sige na. Magpahinga kana. Alam ko namang napagod ka sa lakad natin." Dagdag niya.

"Okay po baby. Ikaw ba? Di ka pa matutulog?" Tanong ko naman sa kanya. Aba, mabuti nang magtanong no. Baka ako lang pala yung matutulog.

"Magpapahinga na din. Tabi tayo." Mahinang sabi niya sa kabilang linya.

"Sure." Sabi ko nalang.

"Sige na. Ibababa ko na to. Goodnight. Sleepwell and Sweetdreams. I love you." Sabi niya.

Bigla tuloy akong kinilig. "Goodnight din. I love you too." Sabi ko sa kanya sabay end call.

Tumihaya ako at nagkumot na. Pagkatapos ay niyakap ko nalang ng mahigpit si EK. Tsaka pumikit. Goodnight din, EK. Sweetdreams.

I'm Still Into You [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon