Sabado ngayon kaya napagdesisyunan namin ni Van na mag Enchanted Kingdom. Hihi. Kinikilig ako! Kasi naman eh, date daw namin to.
"Excited kana ba?" Tanong sakin ni Van.
Nginitian ko siya pagkatapos ay kumapit sa braso niya. "Oo naman! Syempre!"
Napatawa naman ito sa sagot ko. "Okay, tara na?" Sabi nito at tsaka hinawakan ang kamay ko.
Agad-agad din kaming pumasok sa EK. Tumingin din ako sa roller coaster nila, grabe nakakatakot! Paano nalang kaya pag sumakay ako dyan? Siguradong lalabas bituka ko sa kakasigaw.
"Anong rides uunahin natin, baby?" Nakangiting tanong nito sakin. Ayan na naman po yung dalawang dimples niya. Nanggigil ako. Sarap halik-halikan.
"Wag ka ngang magpakyut." Sabi ko.
Humalakhak ito. "Di pa nga ako nagpapakyut, nakyukyutan kana. Paano nalang kaya pag tinotoo ko na no?"
Hinampas ko siya sa braso. "Ang kapal mo talaga! Grabe."
"Ano nga kase? Hahaha."
"Hmm. Horror house nalang kaya muna tayo?" Tanong ko sa kanya. Di naman siguro nakakatakot yun.
Napangisi ito sakin. "Sure ka ba? Baka pagpasok natin dun tili mo lang ang maririnig ko ha. Hahahaha."
"Nang-aasar ka ba? Di nga kase. Gusto 'kong matry yun eh." Sagot ko at ngumuso.
"Oh sya, sige. Tara na, bumili na tayo nang ticket."
Pagkatapos naming bumili ng ticket ay, agad kaming pumila para sa Horror House. Excited na 'ko na parang kinakabahan. Kami na kasi yung susunod na papasok. Hmp.
"Parang kinakabahan ata ako." Sabi ko sa kanya.
"Tingnan mo, ikaw 'tong nag aya dito tapos ngayon natatakot ka. Don't worry nandito naman ako, kumapit ka lang ng mabuti sakin." Sagot nito sakin tsaka kinuha ang kamay ko.
Kami na, kaya agad na kaming pumasok. Oh my gosh! Ayoko na ata! Magba-back out nako!
Pagpasok namin ay wala na 'kong ibang ginawa kundi ang tumili nang tumili. Lagi lang akong nakasiksik sa dibdib ni Van. Halos di na nga ako tumitingin sa dinaraanan namin eh, si Van tawa lang nang tawa sa reaksyon ko.
"HAHAHAHA!" Halakhak niya pagkalabas namin.
Ngumuso nalang ako at sumimangot. Kainis.
"Baby, Hahahaha! Nakakatawa ka talaga!" Tawa pa nito na parang wala nang bukas. Nakahawak pa ito sa tiyan na parang mamamatay na. Psh.
"Ang saya mo ah." Iritang sagot ko sa kanya tsaka umupo sa bench at humalukipkip.
"Eh kasi naman, pinagsisipa at pinaghahampas mo lang naman lahat ng makakasalubong natin! Hahahaha. Yung isang aswang nga, napa aray pa sayo! Hahahaha."
YOU ARE READING
I'm Still Into You [ COMPLETED ]
Teen Fiction"Sabi nila pag matalino ka sa klase, bobo ka daw sa pag-ibig. Akala ko haka-haka lang ang lahat nang yun. Akala ko lang pala. Kasi ngayon napagtatanto kong totoo pala talaga ang sinasabi nila." "Ako, si Azy Keigh Funtamento, naniniwala na kahit gaan...