Chapter 26: The Truth

82 23 15
                                    

Nagising ako sa ingay ng alarm clock sa side table ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagising ako sa ingay ng alarm clock sa side table ko. Naman eh, gustong-gusto ko pa talagang matulog! Kainis. Wala akong choice kundi ang gumising ng maaga dahil, opo. Monday na po ngayon at regular class na ulit. Ba't ba kasi ang bilis ng araw eh. Tss.

Anyway, kinuha ko nalang ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko at nagsend ng goodmorning message kay Van. Yiiee! Hanggang ngayon kinikilig parin talaga ako. Hahaha. Di ako makapaniwalang may boyfriend na talaga ang isang echuserang katulad ko.

Pagkatapos 'kong bumangon at inayos ang kama ay pumunta agad ako sa banyo para maligo. Pagkatapos ng sampung minuto ay natapos din naman ako at agad lumabas ng kwarto para magbihis. Medyo maaga pa naman kaya okay lang na mabagal ang kilos ko.

Kinuha ko ang backpack sa mesa ko at tsaka nilagay ito sa balikat ko. Tumingin muna ako sa salamin para maglagay ng konting lipstick at pulbo and viola! I'm done! Binigyan ko ng one last look ang mukha ko sa salamin tsaka bumaba para mag almusal.

Nakita ko si papa sa mesa na kakatapos lang mag-almusal kaya binati ko muna siya bago umupo sa kaharap niyang upuan.

"Goodmorning pa."

"Morning." Sagot naman ni papa habang nagsusuot ng sapatos niya.

Napakunot naman ang noo ko sa sagot niya.

"Ba't ang aga niyo ata ngayon pa?" Tanong ko sa kanya.

Bigla akong nagulat nang tumingin si papa ng diretso sa mata ko. Mas nagulat pako kasi ang seryoso ng mukhang ipinukol niya sakin!

"May aasikasuhin lang. Mauna nako." Sagot nito tsaka kinuha ang bag niya at umalis na ng bahay.

Napahawak ako bigla sa dibdib ko. B-Bakit kinabahan ata ako sa titig ni papa sakin kanina?

Tinapos ko na agad ang almusal ko pagkatapos ay lumabas at nilock ang bahay namin. Tsaka sumakay ng jeep papuntang skwelahan.

Napahinga ako nang malalim. Ewan ko ba. Parang may di ata tama sa kutob ko ngayong araw?

Habang papalit nang papalit ang sinasakayan ko sa kinaroonan ng skwelahan namin ay mas lalong lumamig ang pakiramdam ko. Biglang namawis ang mga palad at noo ko kaya wala akong choice kundi ang punasan ito gamit ang dala 'kong panyo.

Nakarating na ang jeep sa harap ng gate ng skwelahan kaya agad akong bumaba at nagbayad. Pagkatapos ay patakabong pumasok papunta sa classroom namin.

Damn! Hingal na hingal nako sa kakatakbo! Pero wala na akong sinayang na panahon at agad na umakyat sa hagdan para makapunta sa classroom namin. Pagkadating ko sa harap ng pintuan ng room namin ay agad 'kong binuksan ito.

Tumambad sakin si Zowen na umiiyak, si Van na hawak-hawak sa kwelyo, at si papa na galit na galit na nakaharap at nakahawak sa kwelyo ni Van.

Kumalabog nang malakas ang dibdib ko. Para akomg natuod. Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko nalang na biglang tumulo ang luha ko sa pisngi ko.

"Pa!" Sigaw ko.

Lumingon din naman agad si Papa sakin. Napatingin ako sa gawi ni Van na nakatingin rin naman sakin na gulat na gulat.

Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan nila at tinanggal ang kamay ni papa na nakahawak sa kwelyo ni Van. Hinarap ko si papa, pero mas lalo lang akong nanginig nang makita ko ang reaksyon niya sa ginawa ko.

"Papa." Mahinang usal ko habang umiiyak.

"Keigh. Pinalaki kita ng maayos. Di kita ginawang sinungaling. Alam mong ayoko sa mga sinungaling! At alam mo rin na ayaw na ayaw 'kong sinusuway ako!" Sigaw ni papa sakin.

"Pero papa, boyfriend ko po si Van. Mahal ko po siya. Sa kanya lang po akong naging masaya. Pabayaan niyo na po kami!" Sagot ko sa kanya habang hawak-hawak ko ang kamay ni Van.

"Di ako bobo, Keigh! Alam 'kong boyfriend mo siya at alam ko ring may tinatago ka sakin! Kaya pala gustong-gusto mong sumama sa tagaytay kasama ang mga kaibigan mo dahil pala sa lalaking to?! Kung di ko pa pinilit na sabihin sakin ng kaibigan mo kung ano talaga ang relasyon mo sa lalaking to ay di ko pa malalaman ang karantaduhang ginawa mo!" Sigaw ni papa sakin.

Napalingon naman ako kay, Zowen. Nakayuko lang ito habang umiiyak.

Napabalik ang tingin ko kay papa tsaka umiling. "Hindi. Hindi pa. Hindi pa kami ni Van nun."

"Ah, dahil pala sa pagpunta niyo ng tagaytay kaya naging kayo? Sana pala di na kita ipinasama dun kung ganito rin pala ang isusukli mo sakin! Halika dito! Uuwi tayo at mag uusap pa tayo sa bahay!" Sabi ni papa at hinila ang braso ko.

Nabigla ako nang hawakan ako ni Van sa kabilang braso at hinila ako papunta sa kanya. Nakita ko kung paano umigting ang panga ni Van sa ginawa ni papa.

"Excuse me ho. Alam ko pong anak niyo si Keigh at alam ko rin po na pinoprotektahan niyo lang ang anak niyo. Pero di naman makatarungan ang ginagawa mo sa anak niyo. Ginagawa niyo po siyang aso at hindi tao." Sabi ni Van kay papa pagkatapos ay hinila ulit ako at itinago sa likod niya.

"Anong sabi mo?! Wala kang karapatang pangaralan ako! Boyfriend ka lang at ako ang ama at ang nagpalaki sa kanya! Isa ka lang hamak na estudyante dito! Kaya gumalang ka sakin kung ayaw mong ipatawag ko ang mga magulang mo!" Sigaw nito sa kanya at akmang hihilahin na naman ako kaso agad itong napigilan ni Van.

"Wala po akong pakialam. Mahal na mahal ko po ang anak niyo. Hayaan niyo naman po siyang maranasan na maging masaya. Hayaan niyo na po kami. Parang awa niyo na." Sagot ni Van.

Mas lalo akong napahagulhol nang lumuhod si Van sa harap ni papa at yumuko! Parang pinunit ang puso ko sa ginawa niya. Narinig ko rin ang pagsinghap ni Keigh sa gilid ko. Mabuti nalang talaga at kami lang yung nandito.

"Van." Usal ko sa gitna ng pag iyak ko.

Nakaluhod parin ito at di natinag sa pagtawag ko sa kanya. Napatingin ako kay papa na kasalukuyan ding nakatingin kay Van. Di ko mabasa ang reaksyon ng mukha niya, seryoso lang ang mukha nito.

Bumaling naman ang tingin ni papa sakin pagkatapos ay naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Hinawakan nito ng napakahigpit ang braso ko pagkatapos ay hinila ako.

"Uuwi na tayo." Sabi lang ni papa.

Wala nakong magawa kundi ang lingunin ang kinaroonan ni Van at Zowen. Tinignan ko si Zowen na ngayon ay nakatingin sakin. Binigyan ko siya nang isang makahulugang tingin. Ibig sabihin ay siya na muna ang bahala kay Van. Tumango lang ito sakin tsaka tinulungang tumayo si Van.

Tahimik nalang akong napaiyak nang makita ko ang lungkot sa mukha ni Van nang makalabas na kami ni papa sa classroom. Kasalukuyan na kaming naglalakad papunta kung saan nakapark ang bagong sasakyan ni papa. Nasa likuran niya lang ako at nakasunod sa kanya.

Napakagat ako sa labi ko. Hanggang ngayon parin ba, isa parin akong aso na laging nakasunod sa kanya?

"Mag-uusap tayo sa bahay." Huling salitang narinig ko kay papa bago kami sumakay sa sasakyan niya.

I'm Still Into You [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now