Chapter 10: The Most Painful Decision

558 6 4
                                    

Chapter 10

“I’m sorry Alex. But you can never get pregnant.”

Paulit-ulit sa utak ko ang sinabing iyon ni Dra. Perez hanggang sa lumabas ako ng clinic. Straight lang akong naglakad palabas na parang walang alam sa mga nangyayari sa paligid ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung panahong ‘yon. Nabigla ako, oo, pero pagkatapos nun, wala na kong nasabi kay Doc. Natulala ako sa harap niya. Hindi ko na rin maalala ang mga huli niyang sinabi sakin bago ako lumabas ng kwarto.

♪ So take it all away

♪ If it’s not meant for me

♪ I don’t want the easy way

♪ I just want you..

Bumalik na lang ako sa tamang pag-iisip nang nagring ang cellphone ko. Kinuha ko agad galing sa bag at nakita ko ang pangalan ni Lance. May kung anong kumirot sa dibdib ko nang nalamang siya pala ang tumatawag. Pakiramdam ko, hindi pa ako handang makausap siya sa oras na to. Parang akong mababaliw sa mga nalaman ko. But still, I don’t want him to worry. Marami na siyang inaalala sa school, at ayokong makadagdag doon. Sinagot ko ang tawag niya.

Hindi pa man ako nagsasalita ay inunahan na niya ko. “Alex! Papunta na ko. I’m really sorry. Dyan ka lang sa clinic ha? Wag kang aalis. Umuulan.” Hindi ko man lang napansin na umuulan na.

Hindi ako nakapagsalita. Parang walang lumalabas sa bibig ko. Ilang segundong tahimik sa linya hanggang nagsalita ulit si Lance. “Alex?”

“Lance.”

“What happened? Are you alright?”

No. I’m not alright. And I think I’ll never be. “Y-yes.” I lied.

Narinig kong nagbuntung-hininga siya. Alam na alam niya talaga pag may mali sa boses ko. “Mag-uusap tayo pagdating ko.”

*

Nanatili ako sa lobby ng hospital para hintayin si Lance. In just 10 minutes, dumating na siya. Nagtuluy-tuloy siya sa kinatatayuan ko at hinalikan ang pisngi ko, sabay yakap sakin. Ramdam kong basa ang buhok niya. Mukang tumakbo na lang siya dito galing sa kotse niya. “Baby.” Hinimas-himas niya ang buhok ko.

And when he did that, pakiramdam ko bibigay na ko. Feeling ko sasabog na kung ano mang nasa puso ko.

Hindi ko siya mayakap. Pakiramdam ko wala akong lakas. Hanggang sa bumitaw  si Lance sa pagkakayakap sakin, parang lang akong tulala. Pero pinilit kong humarap ng maayos sa kanya. “Lance.”

“How about I take you home? Doon na tayo mag-usap. Ang putla mo.” Hinawakan niya ang mga pisngi ko. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. And me, on the other hand, is trying her best not to cry. I can’t cry. Not in front of him. Alam kong pag umiyak ako, hindi na ko titigil. “Uuwi na tayo ha?”

Tumango ako, at hinawakan niya ang mga kamay ko hanggang sa byahe.

*

Pagdating namin sa bahay, pinaupo ako ni Lance sa sala agad at tumuloy siya sa kusina. Sumunod naman ako. Ikinuha niya ko tubig na maiinom. Tumabi agad siya sakin sa pagkakaupo.

“So..” Pagsisimula niya.

Pagkainom, binaba ko na ang baso sa table sa harap ko. Hinarap ko siya. Kahit mahirap, pinilit kong harapin siya. “I’m not pregnant.”

Nanlaki ang mga mata niya. Pero alam kong gulat na reaksyon ‘yon but at the same time masayang pagkagulat. “Talaga?”

Tumango ako.

With Or Without YouWhere stories live. Discover now