Chapter 55: Because Love Is Thicker Than Blood

352 4 2
                                    

Sabi ko, isasabay ko na ang chapter na to sa final chapter, pero naisipan kong ipost na ngayon. Wala naman. Gusto ko lang. Hahaha. Chos. Pero seryoso, feeling ko kasi kailangan ko siyang ipost. Alam niyo yung gantong feeling? Yung di ka mapapakali hanggang hindi mo nagagawa? Hahaha.  Dami kong problema no? :D

So here’s the second to the last chapter:) Again and again, I want to thank you all, sa ilang buwan nating pinagsamahan. Maraming maraming maraming salamat po.

Bukas ko po ipopost ang finale ng With or Without You.

Mona Louise Rey as Ellie:) Kilala niyo ba siya? Natutuwa kasi ako sa batang ‘yun eh:)

 

 

 

Chapter 55: Because Love Is Thicker Than Blood

 

 

 

 

Six years later.

“Mommy!!” Pang-ilang tawag na ni Eleanor galing sa sala.

“Lance Michael!” Sigaw ni Alex mula sa kusina.

“I’m not doing anything, love!” Sagot naman ni Lance.

“Kanina pa si Daddy, Mommy!”

“Will you both stop it?! Pag hindi kayo tumigil hindi kayo kakain!”

“Ugh! Bakit nadamay ako Mommy? Si Daddy kaya may kasalanan!”

Hindi nagtagal ay natapos na magluto si Alex. Pinatay na niya ang stove at saka pinuntahan ang mag-amang kanina pa niya naririnig na nagtatalo sa sala. Kanina pa din sumbong ng sumbong sa kanya si Ellie.

Naabutan ni Alex na nakaupo sa mahabang sofa ang dalawa pero magkalayo. Sibangot na sibangot si Ellie na may pinipindot sa IPad, samantalang seryoso namang napatingin kay Alex si Lance.

Alex crossed her arms. “So anong pinag-aawayan niyong dalawa?”

“We’re not fighting.” Sabi ni Ellie na nakatingin pa rin sa IPad niya. Sanay na sanay mag-English dahil sa international school pumapasok. Nadala na niya hanggang sa bahay ang pag-i-English dahil hindi sila pinapayagan mag-Tagalog sa school nila. Mapa-hallway, canteen at kung saan-saan pa man yan. Nakakapag-Tagalog lang si Ellie at ang mga kaklase niya sa Filipino subject nila.

 “Then what? Kanina pa kayo nagbubungangaan dyan.” Tiningnan naman ni Alex si Lance. “Lance.” Seryoso niyang tiningnan ang asawa.

“Love, wala naman talaga kong ginaga-”

“Daddy’s lying, Mommy. Kanina pa siya tingin ng tingin sa IPad ko.”

“And so? Ano ba kasing ginagawa mo dyan sa IPad mo? And baby, have you finished your homework?” Kabilin-bilinan kasi ni Alex na hindi pwedeng asikasuhin ni Ellie ang kung anu-ano hanggang hindi tapos ang homework nito.

“Yes Mommy. Kanina pa. And about your first question, Daddy’s invading my privacy.”

“P-Privacy?” What?! Kelan pa natuto sa ‘privacy’ tong batang to? She’s just 6! Alex thought.

“No, I’m not!” Laban ni Lance.

“Teka nga, anong sinasabing ‘privacy’ nitong anak mo Lance?”

With Or Without YouWhere stories live. Discover now