Chapter 54: First Month

252 1 4
                                    

Chapter 54: First Month

 

“Ang ganda-ganda naman talaga ng inaanak ko oh. Manang-mana sa Ninang!” Sabi ni Janine habang karga-karga si Ellie. Pinagcelebrate ng mag-asawang Rivera ang anak nila sa bahay dahil 1-month old na ito. Inimbitahan nila ang mga magulang at sila Janine. Kaunting salu-salo lang, dahil matagal na rin silang hindi nagkakasama-sama.

“Mana din sakin tong inaanak ko ha. Mas kamuka ko nga siya kesa sayo eh.” On the other hand, si Alex naman ang may hawak sa anak ni Janine na si Hannah na kakacelebrate lang last week ng first birthday niya.

Napakunot naman ang noo ni Janine. “Oo na. Paulit-ulit ka ha!” Natawa si Alex. “Ikaw na mas kamuka. Sayo ko kasi pinaglihi yata yang batang yan.”

“E gandang-ganda ka kasi sakin.”

“Ang assuming mo lang talaga kahit kailan. Pero sige na nga!” Nagtawanan ang magpinsan.

“At teka, anung oras na ah. Bakit wala pa yang asawa mo? Akala ko ba nandito na yun ng merienda? Malapit na mag5pm! Nakalakad na si Ellie at lahat pero di pa rin siya dumarating.”

“Oh.” Napatingin naman si Alex sa orasan. “Hala, oo nga no.. Di ko namalayan. Sandali nga..” Tumingin si Alex sa paligid. Una niyang nakita ang Mama niya. “Ma..”

Napatingin naman sa kanya si Diana. “Yes, anak?”

“Sayo muna si Hannah. Tatawagan ko lang si Lance.”

Lumapit si Diana sa anak. “Sige.” Inabot ng dahan-dahan ni Alex ang inaanak sa nanay niya. “Bakit nga ba wala pa si Lance? Uuwi na kami maya-maya.”

“Marami kasing ginagawa sa office eh.. Wait lang, Ma.” Umalis na si Alex at pumunta ng kusina. Pagdating doon, agad niyang ni-dial ang phone number ng asawa.

Ilang beses nagring ang phone ni Lance hanggang sa sumagot na ito sa wakas. “Hello, love?”

“Love, di ka pa rin ba uuwi? Kanina ka pa hinahanap nila Mama.. Malapit na kasi sila umuwi..”

“Sorry, sorry.. Pauwi na ko. I’m driving.”

“Handset?”

“Yes.”

“Okay. Mag-ingat ka. Hintayin kita ha.” And then she hung up. Bumalik na si Alex sa sala para sabihin kila Janine na pauwi na ang asawa niya.

Hindi nagtagal, dumating na rin si Lance sa bahay. Dire-diretso siya sa sala at nakitang nagtatawanan ang Mama niya at ang Mama ni Alex, kasama si Janine, at karga-karga ng mga ito si Hannah at si Ellie. Si Janine ang unang nakakita kay Lance. “Oy Lance!”

Ngumiti si Lance kay Janine. “Hi.” Lumapit siya sa mga ito. “Sorry ngayon lang ako. Marami kasing inasikaso.”

“Hay naku anak, masyado ka na yatang workaholic ah.” Lumapit si Lara sa anak.

Hinalikan ni Lance ang ina sa pisngi. “Hindi naman Ma.” Lumapit din siya sa Mama ni Alex at bumeso dito. “Sorry po talaga.”

“Ano ka ba, okay lang yun. Naiintindihan namin. OA lang yang Mama mo.” Biro ni Diana.

Napangiti ng kaunti si Lance. “Thanks Ma. Si Alex po?”

“Ah, nasa taas. Kinuha lang daw yung camera.”

With Or Without YouOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz