Chapter 53: Ellie

283 3 0
                                    

Chapter 53: Ellie

 

 

 

 

 

Second week na ni Eleanor sa bahay at tapos na rin ang paternity leave ni Lance. Si Alex naman ay naka-maternity leave pa rin hanggang ngayon at siya ang nag-aalaga kay Eleanor. Until now, hindi pa rin sila nakakahanap ng yaya nito dahil masyadong pihikan si Alex. Madami nang inirerecommend sa kanila pero hindi pa rin siya makapili ng pwedeng yaya para kay Ellie, lalo na ngayon, kung kelan malapit na siyang bumalik sa pagtatrabaho.

She’s still adjusting. Halos mapuyat nga si Alex sa pag-aalaga sa anak. Salitan sila ni Lance, pero kinakarir talaga ni Alex na siya lagi ang mag-aasikaso kay Ellie. Syempre nga naman daw dahil siya ang nanay.

11pm.

Dalawang oras pa lang ang nakakalipas mula nang bumalik si Alex mula sa kwarto ni Ellie para patulugin ito. Hirap na hirap siyang patulugin ang anak. Halos isang oras niya din itong nilambing-lambing at kinarga para lang makatulog ito. Tulog na din si Lance dahil pagod sa trabaho. Hirap rin matulog nga ang dalawa nowadays dahil magigising sila pareho kapag tumunog ang baby monitor sa tuwing umiiyak si Ellie.

At makakatulog na sana si Alex nang biglang narinig nila ang iyak ni Ellie sa baby monitor.

“Ugh.. Baby naman..” Naiinis na sabi ni Alex. Kung kelan naman siya dinalaw ng antok at saka noon umiyak ang anak niya. Pero kahit antok na antok ay pinilit niyang tumayo.

“Love.”

Napatingin si Alex sa asawa. As usual, lagi rin namang nagigising si Lance kapag umiiyak ang anak nila. Ang wild naman kasi kung umiyak nitong si Ellie.

“Ako na lang. Matulog ka na.” Pinilit umupo ni Lance pero halatang antok na antok pa rin dahil nakapikit pa rin ang mga mata.

“No, ako na lang. Matulog ka na.” Dahan-dahang itinulak ni Alex si Lance para maihiga ito.

“Sure?” Sinabi ni Lance na nakapikit.

“Oo. Matulog ka na.”

Hindi na rin sumagot si Lance dahil nakatulog na ulit.

Halos isang oras nang pinapatahan ni Alex ang anak pero hindi pa rin ito tumatahan. Nahihirapan naman talaga si Alex kapag ganoon si Ellie pero usually, tumatahimik naman ito pag pinainom niya ng gatas. Unlike kay Lance na madalas niyang napapansing kapag kinakarga ni Lance si Ellie ay tumitigil ito sa pag-iyak kahit hindi pa painumin ng gatas, at ang matindi pa doon, napapatawa ni Lance si Ellie. Hindi katulad niya, na sa tuwing inaalagaan niya si Ellie, it’s either umiiyak ito o tulog. Never pa niyang napangiti si Ellie. And everytime that happens, she feels like a failure. Pero pinipili niyang sarilinin at wag sabihin sa asawa niya.

Hanggang ngayon, tuloy sa pag-iyak si Ellie.

 “Baby, ano bang problema..”  Sabi ni Alex habang karga-karga ang bata. Lahat na ng pagpapatahan ay ginawa na niya dito pero hindi pa rin tumitigil. “Ano bang gusto ng baby ko? Tahan na..”

Wala pa ring epekto.

“Love.”

Napatingin na lang si Alex sa nakabukas na pintuan ng kwarto. Hindi niya napansin na nandoon na pala si Lance. Nilapitan siya ni Lance. “Hindi pa rin ba tumatahan?”

With Or Without YouWhere stories live. Discover now