Chapter 49: Shining Light

329 4 3
                                    

Chapter 49: Shining Light

 

 

 

 

 

 

 

Friday.

 

 

“Love!!”

Malakas na tawag ni Lance sa asawa. Nagmadali siyang umuwi ngayon dahil gabing-gabi siya umuwi kagabi from work. Gusto niyang bumawi kay Alex, at isa pa, miss na miss na niya ito.

“Nasa kusina ako!!” Sigaw naman ni Alex. Sa laki ba naman kasi ng bahay nila, hindi pwedeng hindi sila magsigawan pag malayo sila sa isa’t isa.

Napangiti si Lance. Halos ibato na niya yung bag niya sa sala dahil sa pagmamadaling puntahan na si Alex sa kusina. Papunta pa lang siya ay amoy na amoy na niya ang niluluto ng asawa. Kaldereta. His favorite. Lalo tuloy siyang napangiti.

Sa tinagal-tagal ba naman nilang nagsasama ay nasanay na din si Alex magluto ng kahit anong putahe. Kahit ano pa yan. Actually, napakarami nang nabili ni Alex na cookbooks at minsan nga ay nagreresearch pa siya online. Kung dati ay puro Twitter at Facebook ang inaatupag nito sa computer, ngayon ay puro cooking sites na. At syempre, sarap na sarap naman si Lance sa lahat ng niluluto ni Alex. Minsan nga ay isinuggest niya kay Alex na magculinary pero tumanggi si Alex. Sabi ni Alex, hindi na daw niya kailangan dahil magaling na siya. (Okay.)

“Love..” Lumapit si Lance sa asawa pagdating niya ng kusina. Nakaapron si Alex at nagluluto. He couldn’t help but smile kapag naaalala niyang dati ay halos hindi humawak ng sandok si Alex, samantalang ngayon, kulang na lang ay magtayo ito ng sariling restaurant sa sarap ng mga niluluto niya. Malaki talaga ang nabago kay Alex mula nang maging mag-asawa sila. She’s so much better, at mas lalong naging mature sa mga desisyon at paniniwala sa buhay. And as time goes by, mas lalo siyang minamahal ni Lance.

“Love bakit ang aga mo yata? Buti patapos na tong kaldereta ko.” Sabi ni Alex nang hindi nililingon ang asawa.

Napangiti si Lance at niyakap si Alex mula sa likuran, at ipinatong ang baba sa balikat nito. She smiled instantly at the contact.

“Hi, stranger. Namiss kita ah.” She told her husband. Well she really misses him badly. Anung oras na kasi nakauwi si Lance kagabi galing sa trabaho. Nakatulog na si Alex sa couch sa sala sa paghihintay dito. The next day, nagising na lang siyang nasa kama na nilang mag-asawa (pagdating ni Lance ay binuhat niya si Alex hanggang sa kwarto nila pero yun nga lang, hindi magising si Alex dahil pagod din ito sa trabaho), ngunit wala naman doon si Lance, at nag-iwan ng note na nagsosorry dahil pinaghintay siya nito kagabi at ngayon naman ay umalis ng maaga si Lance dahil marami pa ring kailangang asikasuhin sa office. To conclude, almost 36 hours nang hindi nakita ni Alex ang asawa niya.

Hinalikan ni Lance ang pisngi ni Alex. Niyakap niya ang asawa ng mas mahigpit. “Namiss din kita. Sorry kahapon saka kanina.”

“It’s okay. Alam ko namang malapit na ang deadline niyo.”

“Miski na. Ayoko kasi sa lahat yung naabutan kitang tulog sa sala kakahintay sakin.. Ni hindi na kita nakakasabay kumain. Miss na miss na kita..”

Her cheeks turned red. “I mean it, love. It’s okay.” Umikot siya para makita niya si Lance. Hindi tinatanggal ni Lance ang pagkakayakap sa kanya. They smiled at each other, and then kissed very quick. “How’s your day, Mr. Genius?”

With Or Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon