Chapter 13: "It will always be Lance."

524 7 0
                                    

Chapter 13: "It will always be Lance."

Nang sumunod na araw, nagvolunteer na naman si Mark na sunduin ako sa office at ihatid sa bahay, pero tumanggi ako kahit mapilit siya. Marahil alam na rin niya kung bakit ako umaayaw at hindi niya na lang ako masyado tinanong, dahil alam din naman niyang hindi ko sasagutin.

Sa halip, inaya niya ko maglunch ng sabay at hindi na ko tumanggi para makabawi sa di ko pagpayag sa pagsundo niya sakin mamaya. Tulad ng laging gawi, sa mamahaling restaurant niya ko dinala.

“Just eat whatever you want.” Sabi ni Mark habang kumakain kami sa Abe dito sa BGC.

“Syempre naman. Libre eh.” Pagbibiro ko na ikinatawa naman niya.

“Magpataba ka na. Ang payat-payat mo na eh. Tapos tingnan mo yang eyebags mo ang lalim na. Hindi ka nakakatulog no?”

Manghuhula ba tong si Mark at alam niya? Napailing na lang ako na natatawa. Medyo gutom din kasi ako at saka ang sarap pa ng nakahain.

“Wag mo kasing iniisip masyado si Lance.”

Muntik ko nang malunok ng buo ang hipon na kakakanguya ko lang. Napatingin ako sa kanya. “H-Ha?”

“Ang sabi ko, kaya siguro hindi ka nakakatulog ngayon e dahil iniisip mo yang si Lance.” Pang-aasar niya.

Hindi ako nakasagot agad. Iniwas ko na ang tingin sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain.

“Alam mo Alex, tanggap ko na naman eh. Wag ka na mahiya sakin.” Seryoso niyang sabi pero alam kong may lungkot sa boses niya. Tumingin ako sa kanya ulit. Ngumiti siya sakin. “I know it will always be Lance.”

“Mark.”

Nagpatuloy na siya sa pagkain. “Nandyan na si Lance, Alex. Diba mahal mo pa rin siya?” Sunud-sunod ang mga sinasabi niya sakin at wala akong maisagot. Diretso lang akong nakatingin sa kanya. Parang umurong na din ang gutom ko. Tumingin siya sakin ulit. “Bakit ka pa naghohold back? I can see in your eyes that you still love him. At mukha namang mahal ka pa rin niya. Nakita mo ba yung itsura niya kagabi nung ihinatid kita? He still loves you.”

How I wish that was true. Pero hindi.. Ang komplikado ng sitwasyon.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. “Can we just not talk about it? Kumain na lang tayo.”

“Alex.”

“Kailangang bumalik na ko sa office in 20 minutes. Kumain na tayo.”

“I-I’m sorry. I didn’t mean-”

“It’s okay.” Humarap ako sa kanya at pilit na ngumiti. “Wala lang ako sa mood pag-usapan to. Kumain na lang tayo ha?”

“O-Okay.”

**

Hanggang pag-uwi ko sa bahay, paikut-ikot sa utak ko ang usapan namin kanina ni Mark.

“Nakita mo ba yung itsura niya kagabi nung ihinatid kita? He still loves you.”

Naninikip na naman ang dibdib ko. Sa tuwing naiisip ko si Lance, lagi na lang.

♪ So take it all away

♪ If it’s not meant for me

♪ I don’t want the easy way

With Or Without YouWhere stories live. Discover now