Part 11

4.9K 237 39
                                    

Isa sa pinakapaborito kong araw ay Sabado. Eto kasi 'yung araw na nagkikita kami para kunin o kaya isauli si Smelly.

Pero hindi ako nagising ng sabado ng umaga para maligo at makipagkita kay Hector, nagising ako kay Kuya Vince na may kausap sa phone.

"Pre ang tagal na naming walang ginagawa"

"Pre alam ko naman na hindi kailangan ng sex pero hinahanap ko! Wala naman siyang regla"

"Loko ka! Ang tagal na eh."

"Makikipaghiwalay na nga ako eh. Ayoko na. Mahal ko pero mahal ko rin sex"

Nagtawanan pa sila nang kausap niya sa phone. Hindi ko na masyado narinig kasi napansin ata ni Kuya na gumising ako kasi gumalaw ako kaya lumabas siya ng kwarto.

Napag isip isip ko.

Lalaki ako, lalaki rin si Hector. Kung hinahanap hanap ni Kuya ang sex, baka ganon din si Hector. Paano kung hindi ko mabigay sa kanya?

Paano kung hinahanap na niya sa'kin pero hindi ko pa rin mabigay sa kanya?

After kong marinig 'yung usapan ni Kuya, bumangon na ako at naligo.

Tinext ko kaagad si Kit about sa narinig ko kay Kuya.

"SaBi Ko SaYo Eih! DapAt gaWin NiyO na Ni HecToR yUn!" Reply niya.

"Perooo, paano kung ayaw niya? Iba si Hector eh. Parang ayaw niya"

"WaLaNg LaLaKiNg hIndI maLibOg! TaNdaAn Mo Yan!"

Alam ko naman 'yon, kahit naman siguro ako, malibog din pero kailangan ko atang i-open kay Hector lahat 'to.

Kinuha ko si Smelly, pinaliguan ko siya. Pansin kong parang lumalaki na si Smelly! Dahil siguro sa gatas at baby dog food na pinapakain namin.

Kulay brown si Smelly kaya dapat palaging pinapaliguan kasi mahahalata talaga kapag madumi siya.

After non, nakipagkita na si Hector. Nasa labas siya ng bahay namin. Looking so so so pogi.

First time ko atang napansin na naka ayos buhok niya. Nakataas na side. Ang gwapo niya lalo!

Ang laki pa ng ngiti niya nang makita niya ako. Ang sarap niya halikan ngayon! Kung wala lang si Kuya Vince sa sala, baka naghalikan na kami!

"Hey pogi" sabi niya sa'kin.

Alam niyang nandito si Kuya kaya mahina lang pagkakasabi niya.

"Pogi ka diyan" sabi ko sabay ngiti.

"Tara? Punta muna tayo sa bahay. May nakalimutan lang ako."

"Okay sige."

Tahimik lang kami pareho nung pumunta kami sa kanila. Gusto ko sana itanong sa kanya si Erica.

Ilang linggo na rin kaming nag uusap ni Hector. Ni isang beses, hindi namin pinag usapan si Erica. Ayoko rin naman iopen sa kanya baka mawala siya sa mood.

Pero dahil sa narinig kong usapan ni Kuya at kung sino man kausap niya, gusto ko malaman kung ano na status nila ni Erica.

Kaya ba niya ako nagustuhan kasi hindi na pumapayag si Erica sa kanya makipagsex? At sa tingin niya sa'kin niya makukuha 'yon?

"Hey, bakit kanina ka pa tahimik? Ano iniisip mo?" Tanong niya bigla pagkababa namin ng jeep at palakad papunta sa bahay nila.

"Wala. May naisip lang hehe"

"Okay ka lang? Pwede mong ishare sa'kin."

Mukhang concern naman siya. O dahil ang gwapo niya lang talaga kahit anong reaction niya?

Strawberries And Cigarettes (Victoriano Series Book 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora